CHAPTER 22: Louie's gift

8 3 0
                                    

LOUIE'S POV

Ilang linggo na ang lumipas simula ng huli kaming magkausap ni Ellise at hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang lahat ng sinabi niya.

"Huy! Tulala ka na naman! Ano bang problema mo?" tanong sakin ni Leslie. Nandito kasi kami sa bahay nila kasama si Lexie para mag-sleep over.

"Leslie's right--"

"Naman!" tinignan naman siya ng masama ni Lexie kaya nanahimik na lang siya.

"Louie-girl, what's the prob ba? Bakit you're always tulala when we're together?"

"Oo nga. Alam mo namang kaibigan mo kami, diba? Pwede mong sabihin samin lahat. Ano ba yang bumabagabag sayo?" pati ba naman dito nagtatalo parin ang utak at puso ko? Sasabihin ko ba talaga o hindi?

"Argh! Naguguluhan na ko!" sabay sabunot ko sa sarili ko at humiga sa kama.

"Wag kang mag-alala. Di ka nag-iisa. Kami rin eh, naguguluhan...naguguluhan sayo"

Bigla naman akong umupo ng maayos at hinarap sila. "Pano kapag nagtatalo ang puso at isip mo kung gagawin mo ang isang bagay?"

"Ha?" sabay nilang tanong sakin.

"Ang gulo mo nga" sabi naman ni Leslie sakin.

"Sabi kasi ng isip ko, kailangan kong gawin ang isang bagay, sabi naman ng puso ko hindi ko dapat gawin dahil pagsisisihan ko rin sa huli ang gagawin ko. Ano ba talaga?!" sinabunutan ko ulit ang sarili ko at nahiga ulit.

"Eto ang dapat mong gawin, kumuha ka ng lubid, itali mo sa leeg mo at isabit sa kisame. Effective yan. Marami ng nakagawa niyan eh" tinignan naman namin siya ni Lexie ng masama.

"Who has the loudest voice ba?" tanong sakin ni Lexie habang hinihila ako paupo.

"Your heart or your mind?"

"Alam mo ang complicated ng sinabi mo! Mas lalo mo lang ginugulo eh. Tignan mo tuloy yung mukha ni Louie, mukhang constipated." pano ko nga ba ulit naging kaibigan to?

"Alam niyo, ganito lang yan eh. Gawin mo na lang kung ano sa tingin mo ang tama. Hindi mo naman malalaman ang kahihinatnan kung wala kang gagawin, diba?" sabagay. May point din tong babaeng to.

Tinignan naman siya ni Lexie na parang hindi makapaniwala. "Hoy, Lexie! Alam ko yang tingin na yan. Oo! May utak ako! Bakit, may angal ka?!" natawa naman kami sa inasal ni Leslie. Masarap talagang kasama tong dalawang to.

"Dude, what's your plan on your birthday? Wala ka bang pa-party?" tanong ni Luke kay Neo. Nandito kasi kami sa cafeteria. Oo nga pala, birthday ni Neo ngayon.

"I'll have a date with Louie" sabi niya sabay akbay sakin.

"Ako? Bakit ako? Birthday mo to kaya dapat kasama mo ang pamilya mo"

"Bakit ikaw? Baka kasi girlfriend kita at gusto kitang makasama?" sarcastic niyang sabi kaya binatukan ko siya. Kahit kailan talaga!

Umuwi muna ako para magpalit. Siguro saglit lang ako mamaya kasi wala namang tao dito sa bahay, si Mama kasi binabantayan pa si Nathan sa ospital.

Lalabas na sana ako nang pumasok si Ellise sa bahay. "Anong ginagawa mo dito?"

"Just making sure you'll do what you have to do. Malaki-laki na rin ang nagastos ko sa inyo ng pamilya mo." sabi niya habang nagmamasid sa bahay namin.

"Ellise, please, nakikiusap ako sayo. Itigil na natin to."

"No! I told you, Louie, there's no turning back. Gawin mo na lang ang sinasabi ko kung gusto mo pang mabuhay ang kapatid mo." a-anong s-sabi niya?

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon