LOUIE'S POV
Hindi ako nakatulog sa kakaisip ng sinabi ni Neo sakin kahapon. 'wait until tomorrow'? Anong ibig sabihin nun?
Nandito ako ngayon sa classroom mag-isa kahit lunch na ngayon, may dala naman akong baon eh. Hindi kasi ako pinapansin nina Lexie at Leslie. Malamang nagalit na yun sakin. Hindi ko naman sila masisisi. Katangahan ko lang talaga.
"L-louie" napalingon ako sa may pinto ng classroom namin at nakita ko si Ethan na may dalang isang tray ng pagkain.
"P-pwedeng m-makis-sabay?" tumango lang ako sa kanya sabay ngiti.
"Bakit hindi ka sumabay kina Leslie?" tanong ko agad sa kanya pagkaupo niya.
"H-hindi kasi k-kita n-nakita dun"
"Aahh" tumango-tango na lang ako sa kanya. Gulo rin nito eh. Malamang nandito ako kaya hindi niya ko makikita doon. -__-
"N-nag-a-away ba k-kayong t-tatlo?" binitawan ko muna yung kutsara't tinidor na hawak ko saka huminga ng malalim "kasalanan ko naman eh. Ang tanga ko kasi" sabi ko sabay ngiti ng mapait.
"H-hindi ko a-alam k-kung anong n-nangy-yari, p-pero alam k-kong g-ginawa mo y-yun ng m-may d-dahilan. M-matalino ka, L-Louie, a-alam ko y-yun" kahit na nahirapan akong intindihin ang sinabi niya ay kahit papano napagaan niya naman ang loob ko.
"Kumain ka na nga lang! Kung ano-ano na'ng pinagsasasabi mo!"
"B-basta, L-Louie, n-nand-dito lang a-ako sa tabi m-mo" napangiti naman ako sa sinabi niya sakin.
"Salamat ah. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Kahit na hindi mo talaga alam ang tunay na nangyari, nandyan ka parin para pagaanin ang loob ko. Salamat talaga. Maswerte ako at naging kaibigan kita."
"T-tama ka. K-kaibigan m-mo ko" hmm, bakit parang lumungkot ang mukha niya nang sabihin niya yun?
"Oh! Ayos ka lang ba?" Anong nangyari dito?
"H-huh? A-ahh, o-oo. A-ayos lang a-ako." mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Hoy, nerd! Wag ka ngang maging BV! Nakakahawa ka!"
"S-sorry" pagkasabi niya nun ay agad naman siyang ngumiti.
"Yan! Dapat lagi kang nakangiti! Gwapo ka kaya kapag nakangiti... *ehem ehem" nabulunan ako sa sinabi ko ah!
"W-wag mo n-nang p-pilitin kung h-hindi n-naman."
"U-uy! H-hindi! Gwapo ka naman talaga! Tanggalin mo lang yang salamin mo...sama mo na rin yang mga tigyawat mo...pati na rin yang hati ng buhok...tsaka yung brace mo." napayuko naman siya sa sinabi ko at napaayos na lamang ng salamin niya. Ano ba yan?! Ang bilis ko naman ma-guilty!
Hindi na lang ako nagsalita ulit at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Mabilis namin tinapos ang pagkain namin at maya-maya lang ay dumating na si Ms. Gabo.
Magdamag akong hindi nakapag-focus sa lesson dahil nakatuon ang atensyon ko kina Leslie at Lexie na lumipat ng upuan. Buti na lang nakapag-advance reading ako kagabi dahil nagpa-quiz na naman 'tong si Ma'am.
Nakakainis! Nakakabwisit! Gustong-gusto kong kausapin silang dalawa pero anong sasabihin ko? Eh alam ko naman na kahit anong paliwanag ko ay hindi nila maiintindihan kung bakit ko ginagawa 'to. Haay! Namimiss ko na talaga yung dalawang yun.
Uwian na ngayon at si Ethan ulit ang kasama ko. Okay naman pala siya eh. Masarap din kausap -__-...sarcastic yan.
Malapit na kami sa gate ng campus nang mapansin ko na walang masyadong tao dito sa labas. Uwian na diba?
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Ficção AdolescenteSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...