CHAPTER 19: Priceless love

18 3 0
                                    

LOUIE'S POV

"Kamusta na kayo?" nandito kami sa loob ng chapel para kunin ang pera.

"Maayos naman"

"Don't give me that kind of answer"

"Ano bang klaseng sagot ang gustong mong makuha sakin?"

Napatawa naman siya ng mahina pero alam kong hindi totoong tawa yun "I planned this...pero bakit parang naiinis ako?" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Here" sabay abot niya sakin ng isang sobre. Nagi-guilty ako pero wala akong magagawa. Para kay Nathan.

"I wish your brother to get well soon"

"Salamat" tumayo na siya sabay alis.

Dear Lord, patawarin niyo po sana ako. Alam kong mali, pero para sa pamilya ko. Pagkatapos nito lalayo na talaga ako. Kahit masakit, kakayanin ko. Gabayan niyo po sana ako. Wag niyo po akong hayaang mahulog sa kanya para maging madali ang lahat. Amen.

"Hey, Louie! You're spacing out agin! What's happening to you ba?"

2 linggo na ang nakakalipas nang ma-confine si Nathan. Sa tulong ni Elisse, nalipat siya sa mas magandang ospital. Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula nang umalis papuntang America si Ethan.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero di ko na lang pinansin.

"Eat." ang boses na yun ang nakapagpa-balik sa kin sa katinuan.

"Ilang araw ka nang hindi kumakain."

"Hoy, Neo! Wag kang OA. Kumakain yan, baka hindi mo nakikita!" sigaw ni Leslie.

"Kumakain nga, ang konti naman." sagot naman ni James.

"Kausap kita?! Ikaw ba si Neo?!"

"Kinakausap mo na nga ako, diba?! Tsaka tanga ka ba o sadyang tanga ka lang?! Mukha ba kaming magkamukha?!"

"You are now watching 'The Tom and Jerry show'!" sabat ni Warren.

"Siraulo!"-Leslie.

"Lul"-James.

"Guys, lessen your voice. Pinagtitinginan na tayo dito sa cafeteria oh." saway sa kanila ni Luke. Eh totoo naman eh, pinagtitinginan na talaga kami. Kapag kasi magkakasama ang barkada namin, puro away lang ang nangyayari.

"Louie, can we talk?"

Nandito kami ngayon sa room kung saan madalas silang tumambay magbabarkada. Nakaupo lang ako sa isang armchair at siya naman ay sa teacher's desk.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?"

"Louie, alam kong may problema ka. Boyfriend mo ko, kung anong problema mo, problema ko na rin. Please, Louie, tell me what's bothering you." hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Anong gusto niyang malaman? Na nagi-guilty na ko pero hindi ko magawang bumitaw dahil kailangan ko ng pera?

Nakayuko lang ako dahil nagbabadya nang bumagsak ang mga luha ko. "bakit ba napaka-importante ng pera?    Kapag wala kang pera, wala ka nang kayang gawin. Kapag wala kang pera, wala ka nang silbi. Kapag wala kang pera, mahina ka, aapak-apakan ka ng iba. Bakit ba napaka-unfair ng mundo? Bakit hindi na lang lahat pinanganak ng mayaman? Sabihin mo nga sakin, Neo, bakit?" sa mga oras na yun, napatingin na ko sa kanya. Nagunahang bumagsak ang mga luha kong matagal ko nang pinipigilang bumagsak.

Lumapit siya sakin at tinayo ako. "First, hindi pera ang pinaka-importanteng bagay sa mundo. Marami pang hindi kayang bilin ng pera. Tulad ng happiness, trust...love. Hindi totoong kapag wala kang pera, wala ka nang kayang gawin. Kaya mo pang maglakad, tumayo...magmahal. Marami ka pang kayang gawin kahit wala kang pera. Hindi unfair ang mundo, sadyang yun lang ang gusto mong paniwalaan. Hindi lahat pinanganak ng mayaman dahil pano magsusumikap ang iba kung nasa kanila na ang lahat?"

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at ngumiti. Pakiramdam ko, sa ngiti pa lang niyang yun, gumaan na pakiramdam ko "Remember this, Louie, I love you even though you are broke. I love you even if you are the poorest girl in the world. I love you even if you are not rich. Ngayon alam mo na, money can't buy my love for you." Nang dahil sa sinabi niya, mas lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko. Yumuko siya at unti-unting naglapat ang aming mga labi.

Walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang lalaking kaharap ko ngayon. Ramdam ko sa bawat halik niya kung gano niya ko kamahal, at nasasaktan ako dahil dun.

His love for me is true, yet I still be able to hurt him. Napaka makasalanan ko. Ni hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal na binibigay niya sakin.

...sorry, Neo, sana mapatawad mo ko...dahil kayang bilin ng pera ang pagmamahal ko sayo.

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon