CHAPTER 21: Decision

6 3 0
                                    

LOUIE'S POV

Ilang linggo na ang lumipas simula ng sinurprise ako ni Neo. Madalas masaya ako kapag kasama siya, pero mare-realize ko din na panandaliang kasiyahan lang to.

Katulad ngayon, nandito kami sa isang park. Halos araw-araw na lang, lagi siyang sweet sakin, lagi niya kong niyayaya kumain sa labas. Kapag nag-aaway kami, siya ang laging nag-sosorry kahit na minsan ako naman talaga ang may kasalanan. Sana ganito na lang kami palagi, yung hindi ko maiisip na hindi kami ang para sa isa't isa.

"Neo..." tawag ko sa kanya habang nakatingala sa langit.

"Hmm?" naramdaman ko naman na lumingon siya sa gawi ko.

"Bakit ka ganyan?" pati ata anghel, napakunot-noo sa tanong ko eh.

"...ka-gwapo?"

"Aish!" sabay hampas ko sa kanya. Walang kwenta talaga tong kausap, kahit kailan eh!

"Umayos ka nga! Seryoso ako dito oh!"

"Seryoso din naman ako ah. Ayusin mo kasi yung tanong mo" ako pa sinisi.

"Ibig kong sabihin, bakit ka ganyan? Bakit sa lahat ng babae na pwede mong magustuhan, bakit ako pa?"

"Gusto kita? Sinong nagsabi?" aba'y talagang--

"Ah hindi ba" sarcastic kong sabi.

"Hindi talaga!" at naka-crossarms pa ang g*go.

"Bahala ka sa buhay mo" sabi ko sabay tayo at pagpag sa may pwetan ko. Iwan ko nga tong walang 'yang to.

Nagulat na lang ako nang may yumakap mula sa likuran ko. Tignan mo, di rin pala ako kayang tiisin.

"Eto naman, tampo agad. Hindi kita gusto kasi mahal kita" hindi naman magkandamayaw ang puso ko sa kakatalon.

"Kinilig ka naman" ayun na eh! Sinira pa!

"Ewan ko sayo!" sigaw ko at akmang tatanggalin ang pagkakayakap niya.

"Eto naman, ang pikon! Joke lang eh!" mas lalo niyang hinigpitan ang yakap at sinuksok ang kanyang ulo sa leeg ko.

Ilang minuto ang lumipas bago ulit siya nagsalita "sana ganito na lang tayo"

"Edi nangalay tayo niyan" ha! Ako naman ang manloloko! Bwahaha!

"Hindi! Yung wala tayong iniisip!"

"Meron kaya! Lahat naman tayo may iniisip!" tulad ngayon, iniisip ko kung pano pa kita babarahin.

"Isa pang bara mo..."

"Ano?!" tinanggal ko na ang pagkakayakap niya at hinarap siya nang nakapamewang.

"...hahalikan kita" linapit niya ang mukha niya sakin kaya napaurong ako kaya nahulog ako sa lupa.

"Aray ko! Bwisit ka talaga! Kala ko sasaluhin mo ko!" ang sakit sa pwet!

"Ayan! Masyado ka kasing assuming!" ah ganun...

"San masakit sayo?" tanong niya sabay luhod.

"Pake mo?! Diba assuming ako?!"

"Aish! Nag-sungit pa. San nga?!"

"Aba't--sinisigawan mo ba ko?!"

"Ha? Sinigawan kita? Kailan? Linakasan ko lang yung boses ko kasi baka hindi mo marinig." tss, palusot nito bulok na. Inirapan ko na lang siya at di na lang pinansin.

"San ba masakit? Sa pwet mo? Gusto mo hilutin ko?" eh? Bastos talaga ng nilalang na to!

"Ewan ko sayo! Bahala ka na nga dyan!" tumayo na ko at iniwan siya.

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon