LOUIE'S POV
Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng St. Petersburg. Ayoko pang pumasok dahil ayokong makita yung playboy na jerk...pero male-late na ko! Huhuhu T_T! What to do?!
Wala akong choice kundi pumasok na lang. Nagtago-tago ako sa mga poste at tinitignan kung nandito na ba siya. Buti naman at wala pa siya. Nagpatuloy lang ako sa 'takbo-tago' moves ko, baka mamaya sumulpot na naman yun ng parang kabute eh.
"Stupid stubborn. What are you doing?" Oh. My. Gulay. Parang kilala ko yung boses na yun ah. Nakuu, wag naman sana...
Para makumpirma ang hinala ko ay unti-unti akong humarap sa kumausap sakin.
.
.
.
Waah! Sabi na eh! Siya lang naman ang tumatawag sakin ng 'stupid stubborn' eh! Sino pa ba ang lalakeng kabute na laging naka-pamulsa?
Hindi ko pa talaga siya handang kausapin ngayon. Ewan ko ba! Medyo awkward parin kasi para sakin. Syempre, first time ko to noh!...ay hindi! Hindi ko naman siya totoong boyfriend, diba? So di siya counted! Yeah. I'm so happy! NBSB parin ako!
Binelatan ko lang siya sabay takbo palayo. Para akong tanga, bakit ko ginawa yun?
Mabilis tumakbo ang oras at lunch break na. As usual kasama ko ngayon sina Leslie, Lexie at Ethan. "Oh, eto na yung dslr. Ano bang kukuhanan mo?" inabot ko lang ang dslr ni Leslie. Para kasi to dun sa audition sa photography.
"Hindi ko pa nga alam eh" siguro mamaya na lang ako mag-iisip kung ano ang kukuhanan ko.
Payapa kaming kumakain hanggang sa dumating yung limang playboy at naki-table sa amin. Napatingin naman ang lahat sa kanila, as in lahat. Eh pano ba naman, halos makipagpatayan sila sakin dati makuha lang yung table nila tapos ngayon, eto sila, nakikitable sa min?
"What the heck are you doing here?" tanong sa kanila ni Lexie. "having lunch?" sagot naman ni Warren sa kanya. "ikaw ang tinatanong ko?!"
"May sinabi ka bang pangalan?!" at nagsimula na po ang Tom and Jerry show. -_-
Maya-maya pa ay nagulat ako nang pinagpalit ng katabi ko yung tray niya sa tray ko. "Anong ginagawa mo dito?" kailan pa to nakatabi sakin? Nag-teleport ba to?
"Didn't you hear what Warren said? Sabay smirk niya sakin. Feeling niya ang gwapo niya kapag nagsu-smirk siya?...oh edi tama yung feeling niya!
"Diba may sarili kayong table? Ba't di na lang kayo dun kumain?"
"Masama ba kung gusto kong kasama ang girlfriend ko?" a-anong sabi n-niya?
"A-anong g-girlfriend ang pinagsasasabi m-mo?" naka-drugs ba to! Sabog eh!
"Bakit? Hindi ba?" ang bilis naman magbago ng mood nito. Parang kanina lang nang-aasar ah.
"Hindi pa naman talaga ah"
"Hindi PA? Hmmm..."
O.O haist! Tanga-tanga! "hoy, playboy. Tigil-tigilan mo nga ako. Hindi ako easy-to-get ah. Kung gusto mong mapasagot ako, edi ligawan mo ko, hindi yung nambibigla ka." parang nagpipigil naman ng tawa tong playboy na jerk na to. Problema nito?
...afghjksdqwert!!! Bakit ko sinabi yun?! May sariling utak ba tong dila ko?! Waaah!!!! Mali! Mali! Mali!
"A-ahh, guys. U-una na k-ko sa inyo. P-parang nakaramdam a-ako ng t-tawag ng k-kalikasan eh" kahit nagugutom pa ko, kailangan ko ng makaalis dito bago pa mag-react tong playboy na jerk na katabi ko.
Hindi na ko naghintay ng sagot nila at tumayo na para sana makaalis nang bigla akong tawagin ni Leslie "San ka pupunta? Doon yung daan papuntang CR oh" tanga talaga!
"Huh? A-ahh, o-oo nga! Tinignan ko lang kung k-kabisado niyo tong s-school! A-ang galing! K-kabisado niyo n-nga! S-sige una na ko! Bye!" at kumaripas na ko ng takbo.
Bwisit nakakahiya talaga! Ano bang nangyayari sa kin?! Para akong tanga!...ay hindi! Tanga na talaga ako!
Naglakad-lakad muna ako dito sa school dahil maaga pa naman para sa klase namin. Takte! Di pa pala ako kumakain! Nagugutom na ko! Eh kasi naman yung playboy na yun! Kung hindi siya dumating hindi sana ako nagugutom ngayon!
Nang 5 minutes na lang ang natitirang oras ay pumasok na ko sa classroom namin. Konti pa lang ang nasa classroom at wala pa sina Ethan.
Pagkapunta ko sa table ko ay may nakapatong na isang carbonara, isang lasgna, isang hawaiian pizza, isang chocolate juice at isang mineral water. San naman kaya galing to? Wala man lang nakalagay na note.
"Guys, alam niyo kung kanina galing to?" tanong ko sa mga kaklase ko. Baka mamaya kung kanino pala to.
"Hindi eh. Nakita na lang namin dyan pagkapasok namin" sabi ni Rachel, yung class president namin.
Sayang naman to. Kainin ko na lang kaya? Tutal nakalagay naman sa desk ko eh.
At hindi na nga ako nagsayang pa ng oras at nilantakan na ang pagkain sa desk ko. Gutom na talaga ako. Hulog talaga ng langit ang nagbigay nito.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na yung tatlo "Oh! Nandito ka na pala" bati ni Leslie sakin. Napansin ko namang napatingin sa pagkain ko si Ethan at parang nalungkot ang mukha niya. Nagugutom din ba to? Di ba siya kumain kanina? Takaw ah!
"Huy! Halata ka!" sabay upo ni Leslie sa harapan ko.
"Yeah! You said you're going to the comfort room eh mali ka ng way! Sa right side kaya yun, sa left side ka dumaan" umupo din naman si Lexie sa left side ko at si Ethan naman sa right side ko.
Sa right ba ko dumaan?! Naloko na! Ang tanga ko lang ngayon! Sobra!
Natapos na ang lahat ng subjects namin ngayong araw at himalang hindi ko nakita si Neo ngayon. Tumigil na ata. Hindi pwede. Teka, bakit ba ang gulo ko?! Kapag binigay naman ang gusto ko, aayawan ko naman! Hay! Ang gulo!
Promise na talaga, kapag binigyan pa ko ng isang pagkakataon, susunggaban ko na agad! Wala nang pagaalinlangan!
"L-louie" napalingon naman ako sa tumawag sakin. Si Ethan pala.
"Oh, Ethan! Bakit?" tumigil muna ako sa paglalakad at hinitay siya saglit. "p-pwede bang m-makis-sabay?"
"Oo naman. Bakit hindi?" nang maabutan niya ko ay saka na ulit ako naglakad.
"L-louie" tawag niya sakin sabay hawak sa batok niya. Nahihiya ba to o ano? Ang tagal na naming magkakasama, ngayon pa nahiya to.
"P-pwede bang m-magtanong?" Huh?! Hindi naman sa ayoko siyang kausap. Sa totoo lang gusto ko talaga siyang kausap kaya lang minsan lang naman siya magsalita, pasulyap-sulyap nga lang yan eh.
"Oo naman. Ano yun?"
"M-may g-gusto ka b-ba kay N-Neo?" O.O San niya napulot yung tanong na yan?!
"A-ano ba namang klaseng tanong yan?!" crush ko siya, oo! Eh sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Playboy nga lang.
"O-oo nga p-pala. K-kayo n-na" San lupalop ba ng SPIS niya nakuha ang pinagsasabi niya ngayon?! Minsan na nga lang siya magsalita parang gusto ko namang ipatikom agad yung bibig niya.
"H-hindi ah! San mo ba nakuha yan?!" Ano ba yan! Pati tuloy ako nahawa na sa pagka-utal niya.
"H-huh? K-kala ko..." kala niya ano! Na kami na? Sus! Sana nga...
Hindi na naman siya nagsalita pa at tahimik na lamang namin nilandas ang daan pauwi.
"Dito na lang ako" sabi ko sa kanya dahil nandito na ko papasok sa may eskinita. Panigurado namang hindi siya dito.
"A-ahh, s-sige" maglalakad na sana ako palayo ng tawagin niya ulit ako.
"K-kung h-hindi k-kayo ni N-Neo, Ano mo s-siya?" takte naman oh! Ano nga ba?
"Manliligaw?"
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Teen FictionSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...
