LOUIE'S POV
Hinatid ako ni Neo sa bahay pagkatapos ng nangyari kanina. Aaminin ko na natatakot din ako para samin, pero hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Salamat. Ingat ka." Bababa na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Ay naku! Gabi na pala! Hindi ko namalayan!" Sabi niya nang patingin-tingin sakin. Tss, palusot nito.
"Sige, una na ko--"
"Marami pa namang masasamang loob ang nagkalat ngayon. Kahit gano naman ako kalakas, wala pa rin akong panama sa baril. Tsk!"
Sige na nga, pagbigyan na. Nakakaawa naman. Wala naman sina Mama ngayon, nasa ospital pa. "Gusto mong pumasok muna?" Alok ko sa kanya.
"Naku, nakakahiya naman" tignan mo to, daig pa babae kung mag-inarte.
"Ah, okay. Sige--"
"T-teka teka!" Napangiti ako ng lihim sa pagpigil niya. Arte kasi...
"Ang bilis mo namang kausap. O-oo na, papasok na ko" sabi niya sabay baba ng sasakyan kaya bumaba na rin ako. Pakipot pa kasi.
Papasok na sana kami nang mapansin kong bukas ang pinto. Bakit bukas to? Lagi ko naman tong iniiwang naka-luck ah.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang dahang-dahang binubuksan ang pinto.
"Ay kalabaw!" Napatalon naman ako sa gulat nang biglang hawakan ni Neo ang balikat ko. "Ano ba?!"
"Ako na magbubukas" sabi niya sabay hila sakin papunta sa likod niya.
Habang unti-unti niyang binubuksan ang pinto ay mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko hindi dahil sa kung anong maaabutan namin sa bahay kundi dahil hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Nakapatay naman ang ilaw, ah" sabi ko sa kanya pagkapasok namin. "Siguro nga, hindi ko lang nai--"
"Surpriii--!!" O.O
"M-m-ma? N-n-nathan? K-kailan pa k-kayo n-nakauwi?"
"Ate, jowa mo?" Kung hindi lang naospital to, tinapalan ko na ang bibig nito.
"G-good e-evening po, I'm N-neo, b-boyfriend po ni L-louie." Napapikit na lang ako ng madiin sa sinabi ni Neo.
"Boyfriend?" Tanong ni Mama habang naka-taas ang kilay. Naku naku naku, alam ko yang tonong yan.
"Hindi mo sinabing may BOYFRIEND ka na pala, Louie Natividad"
"Hindi mo sinabi?" Bulong sakin ni Neo. Walangya to! Di ba halata. Natahimik na lang siya nang tignan ko siya ng masama.
"A-ahahaha! H-hindi ko ba n-nasabi, M-ma? A-ahahaha! N-napakaulyanin k-ko talaga! A-ahahaha!" Palusot ko sabay kamot sa batok. Sana kumagat...
"Ahh...Kumain na ba kayo? Halina muna kayo at nagluto ako ng pansit malabon." Hooh! Buti na lang!
Akala ko kakain kami ng hindi naguusap-usap nang biglang magsalita si Mama. "Nga pala, hijo, anong year ka na?"
"I'm in grade 12 po" ba't parang sanay na sanay tong lalakeng to? Ilang magulang na ba ang nakaharap nito?
"Hmm, anong ginagawa ng mga magulang mo? Kaya mo bang buhayin tong si Louie namin?" Anong klaseng tanong ba naman yun?!
"Ma!" Saway ko kay Mama.
"Ahm, we're running a business po" parang natigilan naman si Mama sa sinabi ni Neo pero agad din namang nawala ang pagkabigla niya.
"Anong klase business naman? Sari-sari store? Baka naman ilegal kayo?" Parang natuyuan ako ng laway sa tanong ni Mama.
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Ficção AdolescenteSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...