CHAPTER 6: Blazing Phoenix

11 3 0
                                    

LOUIE'S POV

Nasa classroom na kami ni Ethan. Binilisan na kasi namin ang pagkain kanina, eh kasi naman si Neo, kapag titingin ako sa kanya, nahuhuli kong nakatingin siya sakin. Ang awkward kaya, habang kumakain ka, ramdam mong may nanonood sayo. Hindi tuloy ako nakakain ng maayos kanina.

"Hi! Pwede maki-upo?😊" sabi ng isang babae sa harap ko. May bakante pa kasi dito sa tabi ko. "Ah, sige" mukha naman siyang mabait eh, hindi katulad ng mga payasong linta na yun!

"I'm Lexie" pagpapakilala niya sakin habang inaabot ang kamay niya. "Louie" inabot ko rin ang kamay niya, nakakahiya naman kung hindi, diba?

"Transferee?" tanong niya sakin "ah, oo, ikaw?" ngayon ko lang kasi siya nakita. Magwa-1 week na ko dito kaya medyo kabisado ko na rin yung mukha ng mga kaklase ko "No, since elem nandito na ko. Ngayon lang ako pumasok because of some important matters" gusto ko pa sanang magtanong tungkol dun sa 'important matters' na yun kaya lang parang masyadong personal naman ata yun.

Maya-maya pa ay dumating na si Ms. Gabo sa classroom. Nagdidiscuss lang siya nang may kumatok. Nagtilian naman lahat ng babae at pati girls-at-heart, pati nga tong katabi ko, kung makatili kala mo nakakita ng flying ipis eh. Malamang, iluwa ba naman ng pinto ang isang napakagwapong NEO ANGELES.

"Yes, Mr. Angeles?" huwaw!! Kung makangiti si Ma'am, abot hanggang Jupiter!

Inexcuse niya lang naman yung isang member daw ng varsity nila...yun lang!...okay, assuming na ko, akala ko kasi ako yung tatawagin niya, yung katulad nung isang araw. 😔

Nang makalabas na sila ay agad nagumpisa ang mga bulung-bulungan sa paligid. Tungkol lang naman sa kagwapuhan ng lalaking kakapasok lang...Tss, maliit na bagay, pinagkakaguluhan!

"Waaa! Graveee~! Neo is soooo handsome talaga! Yiii! I cannot take this anymooore!! Oxygen please!" maarteng sabi niya sakin habang pinapaypay ang mga kamay niya sa kanya. Tss, may pagkamaarte din pala to.

"Pero for me, mas handsome pa din si babe Yohan ko! Haay, he's so perfect talaga!" Kala mo naman nade-daydream to, nakatingin pa sa kisame.

"Sinong Yohan?" tanong ko. Malay ko ba kung sinong Yohan ang sinasabi nito. Baka yung Yohan na singer pala...O yung tambay sa kanto namin?

"My gosh! Hindi mo kilala si babe Yohan ko?!" wow ah! Magtatanong ba ko kung hindi?! Napaka-OA, siguro nung nagbaha ng ka-OAn sa pinas, nagswimming to?!

Umiling na lang ako, obvious naman kasi eh. "Fine. Kung hindi mo kilala si babe ko, for sure wala ka ring kilala sa Blazing Phoenix" Grabe naman to. Meron naman...si Neo.

"First is James Xu, the power forward. Siya ang madalas magpatawa sa grupo. He's very naughty and loud all the time. And the freaking truth about him is when he's drunk, saka mo lang siya makakausap ng matino." ahh, baka siya yung chinitong cute. 😊

"Next is Luke Ramos. The team's best ball-handler and passer. Obviously, he's the point guard. Siya din ang pinakamatino sa kanilang lahat, siguro dahil na rin siya ang pinakamatanda sa kanila." siguro siya yung moreno?

"Warren Choi. Ang pasimuno pero pikon. Kapag nag-aasaran nga sila, siya yung unang naiinis eh! He's the small forward of the team." yung mukhang koreano siguro?

"Tapos si BABE Yohan Nakagawa. He's the team's center. He's also the Ice prince. Eh kasi naman napakacold niya sa lahat. Ni hindi nga ngumingiti o tumatawa yan eh" sabay pout niya. Si Yohan siguro siya yung pinaka matangkad, siya na lang yung natira eh, hehe.

"And lastly, si Neo Angeles. The captain ball and last season's MVP. He's also the team's best shooter, so it means na siya yung shooting guard. Kasi naman he is able to consistently hit long range shots." wow! Ang galing naman pala niya eh.

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon