LOUIE'S POV
Tatlong araw na simula nang iwasan ko si Neo. Nakagawa na ko ng plano, papansinin ko rin naman siya kaya lang hindi pa ngayon, susubukan kong mapalapit pa sa kanya hanggang sa mahulog siya sakin, magiging kami at iiwanan ko siya, as simple as that!
Ngayon na rin ang araw na mamimili kami ng club na sasalihan. Buo na talaga ang desisyon ko, photography talaga ang gusto ko. Gusto ko rin sana sa choir kaya lang nahihiya akong kumanta.
Nandito na kami ngayon sa field. Maraming mga nakatayong stalls kung saan nakalagay ang pangalan ng clubs.
"So pano guys? Maybe maghiwa-hiwalay na muna tayo? See ya later! Ciao!" paalam ni Lexie at nagkanya-kanya na nga kami.
Pumila na ko sa photography club, medyo marami-rami rin pala ang gustong magpalista dito.
Tumitingin-tingin lang ako sa paligid nang mag-usap ang dalawang babaeng nasa harapan ko.
"Girl! Have you heard na SPIS dance troupe parin daw ang blazing phoenix?" -girl1
"Really?! Waaa!! Ang swerte naman ng mga makakapasok sa dance troupe ng school, makakasama nila sina Neo!!" -girl2
"Sinabi mo pa! So tara na! Sa dance troupe na lang tayo mag-audition!" pagkasabi ni girl1 nun ay agad na silang umalis sa pila.
Tss, dahil lang sa mga lalakeng playboy na yun, lilipat sila?! Eh mas masaya nga dito! Grabe!
Matapos ang ilang minuto, natapos na kong magpalista at ang sabi ay kailangan naming magpasa ng isang picture na may temang 'Aiming high'. Sus! Dami pang arte!
Pinuntahan ko na sina Leslie pero si Ethan pa lang ang tapos. Ang sabi niya ay automatic na raw na pasok siya sa movie club dahil kulang sila sa estudyante, konti lang kasi ang nagpalista. Sinalihan ni Lexie ang glee club at dance troupe naman ang kay Leslie.
"Grabe! Ang daya talaga! Dapat pinag-audition din yung limang unggoy na yun! Kainis! Ako nga ilang araw nag-practice tapos sila...argh!! Nakakabanas talaga!" hanggang ngayon beastmode parin si Leslie. Pano ba naman, ilang araw nga naman siyang nag-practice para lang dito sa dance troupe pero yung mga playboys na yun, ni hindi man lang pinagpawisan. Malamang kung ako yun, magwawala din ako.
Nandito na kami ngayon sa school grounds dahil uwian na. Sa totoo lang, nagkayayaang pumunta sa MANSYON nina Lexie dahil birthday daw nung aso niya...buti pa yung aso niya, may handa. Gusto ko sanang sumama kaya lang mas kailangan naman ako nina Mama sa bahay.
"Oh, hi kuya!" napatingin na lang ako sa harap namin at nakita kong naglalakad papalapit samin ang Blazing Phoenix. Pero ang talagang pumukaw ng atensyon ko ay ang nakatitig sakin ng deretso na si Neo.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Talagang titig na titig siya sakin na kala mo ay hindi na kumukurap...parang hindi na nga ata.
"Oh Ne--" hindi natuloy ni Lexie ang sasabihin niya dahil bigla na lang akong hinawakan sa braso ng playboy na jerk na to at hindi man lang tumigil sa paglalakad.
"Ingat, Louie!" narinig ko pang paalam ni Leslie. Mga lokong yun! Pabayaan ba ako dito sa playboy na jerk na to!
"H-hoy! S-san mo ko dadalin?! Bitawan mo nga ako!" pilit akong nagpupumiglas sa kanya pero super lakas niya. Bwisit tong playboy na jerk na to!
Imbis na sagutin yung tanong ko sa kanya ay pinagpatuloy niya lang ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom na pinasukan ko dati, yung tambayan ata nila.
Binitawan na niya ako nang makapasok kami sa loob at tinignan ko lang siya nang masama, as in MASAMA!!!
"What?" painosente niyang tanong sakin. What-whatin ko yang mukha niya eh! Ikaw ba naman kaladkarin nang hindi mo alam kung san ka dadalhin tapos dito lang pala sa classroom na to.
"Ano bang balak mo ha?! Mag-ghost hunting?! Mag-camping?!" ka-banas talaga tong playboy na jerk na to! Konti na lang, makakatikim na talaga siya sakin! Konti na lang...
"Ganyan ka ba talaga magsalita? You're rude" tss, kala mo naman siya hindi.
"Pakelam mo ba?! Aalis na ko! Marami pa kong MAS IMPORTANTENG gagawin!" Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Iniiwasan mo na naman ako" napaharap ako sa kanya nang dahil sa sinabi niya. Oo, hindi ko rin alam kung bakit pero ang alam ko lang, kailangan kong ituloy ang plano.
"H-hindi ah"
"It's not a question, it's a statement." Oh, tapos? Share niya lang? Labo naman nitong kausap!
"Ewan ko sayo!" singhal ko sa kanya at palabas na sana nang bigla ulit siyang magsalita.
"You're not going anywhere."
Nagulat na lang ako ng bigla niya kong ikinulong sa magkabilang bisig niya kaya napasara ang hawak kong pinto.
*Dugdugdug~
"Pagkatapos mo kong hindi patulugin ng ilang araw kakaisip sa sinabi mo, sa tingin mo papakawalan pa kita?" a-ano bang p-pinagsasasabi n-nito?! M-may tama na nga a-ata talaga t-to!
"H-hoy! P-playboy na j-jerk, w-wag m-mo nga a-akong p-pagtripan"
"Tss! Wala kang paninindigan. I thought you like me? Sige, panindigan mo yung sinabi mo. Mark this day, Ms. Louie Natividad, kasi ito ang araw na nagkagusto ako sayo." O.O...a-ano d-daw?
Tinanggal na niya ang kamay niya sa may pinto pero naka-tulala pa rin ako at pinipilit i-absorb ang sinabi niya kanina.
"Oh, I think I just confessed to you. So you're officially mine whether you like it or not." ngumisi lang siya sakin at umalis na. Hindi ko alam kung paano siya nakalabas pero hindi yun ang iniisip ko. Yung...yung...
1...
2...
3...
WAAAAH~!!! TOTOO BANG NANGYARI YUN!!! I KENAT BILIBID! SI NEO LAMPEROUGE NA ISANG PLAYBOY NA JERK NA GWAPO NA MAY ABS, MAGKAKAGUSTO KAY LOUIE NATIVIDAD?!
Nananaginip ba ko? Sinampal ko ang sarili ko pero nasaktan ako, so totoo nga? Hindi nga ako nananaginip?
Pero bakit ang bilis naman? Heh! Aangal pa ba ko?! Eto na nga oh! Binigay na sakin! Konting push na lang at mapapa-ibig ko na rin siya. Konti na lang...
Lumabas na ko ng classroom na nasa cloud 9 parin. Hindi pa rin kasi masyadong nagsi-sink in sakin yung mga nangyari.
"L-louie" napalingon ako sa tumawag sakin. Si Ethan pala. Hindi pa siya unuuwi?...malamang! Nakita mo sa school tapos magtatanong ka kung hindi pa siya nakaka-uwi, adik lang?
"Oh, Ethan. Ba't di ka pa umuuwi? Gabi na ah"
"H-hinihintay kasi k-kita. G-gabi na n-nga. B-baka m-mapahamak ka p-pa" buti pa siya gentleman, eh yung playboy na jerk na yun, Ni hindi man lang ako inalok na ihatid?! Gentledog talaga kahit kailan. -_-
ETHAN'S POV
Narinig ko. Narinig ko lahat. Nung nakita kong hinila ni Neo si Louie ay sinundan ko na sila pero mukhang di niya ko napansin. Ha! Asa pa kong mapapansin niya ko eh nag-confess na nga sa kanya si Neo at sila na ngayon.
Masakit para sakin ang lahat ng narinig ko. Pero kailangan kong tanggapin ang katotohanang hindi niya ko magugustuhan kahit kailan.
Pero kilala ko si Neo. Hindi siya seryoso sa mga babaeng nakakasama niya. Baka saktan niya lang sa huli si Louie. Hindi naman maipagkakailang napakabilis ng mga pangyayari. Hindi mo pa rin maalis sakin ang mag-duda.
Sigura nga, kailangan ko lang pagkatiwalaan si Louie sa mga desisyon niya. Dahil mas gugustuhin kong makita siyang masaya...kahit sa piling ng iba.
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Fiksi RemajaSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...