CHAPTER 7: Nice

8 3 0
                                    

HI guyths! Nasa taas po yung unit ni Neo the playboy jerk 😁
***********************************
LOUIE'S POV

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi.

Bakit niya kaya ginawa yun? Alam niya kayang ako yun? Hala! Baka alam na niyang sinusundan ko siya kagabi?! Oh noes! Hindi pwede! Anong gagawin ko?!

Walang pumasok sa utak ko kanina habang nagdi-discuss si Mr. Martinez. Buti nga hindi nagpa-quiz yun kundi mangingitlog ako.

Nandito na kami ngayon nina Lexie at Ethan sa cafeteria para kumain (malamang! Alangan namang mag-swimming kayo sa cafeteria noh!)

"Guys, wait lang ha?" sabay alis ni Lexie sa table namin. Hindi ko alam kung anong ginawa nun pero nakita ko siyang hila-hila yung kaklase naming hindi alam yung salitang ngiti.

"Guys, dito makiki-table satin si Leslie, is it okay?" narinig ko namang napa-tss si Leslie pero tinaas-baba ko lang yung kilay ko para sumang-ayon at hinila na nga niya paupo si Leslie.

"Uy, girl! Wala kang balak kumain? Don't you like the food? Order na lang kita ulit, you want?" untag ni Lexie sa akin. Galante kasi tong si Lexie eh.

Simula nung nakatabi ko siya sa upuan ay gusto niya lagi na kaming magkasama at lagi ring siya ang nagbabayad ng lunch ko kaya hinahayaan ko na lang siya kung ano ang i-order niya sakin. Nakakahiya naman kung mamimili pa ko, diba?

"Ay, hindi! May iniisip lang ako" sagot ko. "If you're thinking about Leslie, okay lang ba talagang dito siya? I want to be friends with her kasi" ako rin kaya! Ang cool niya kasi eh!

Sayang naman yung pagkaing inorder ni Lexie para sakin kaya pinilit ko na lang maging normal. "Hey, dahan-dahan naman. You have plenty of time to eat that" natatawang sabi ni Lexie "i-inom ka m-munang t-tubig" abot ni Ethan sakin ng isang bottled water. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pag-LAMON.

"Hey, lil sis" hindi ko na lang pinansin yung nagsalita. Hindi naman ako yung tinawag eh. "huy, easy ka lang" natatawang sabi ng isang lalaki.

Feeling ko ako yung kinausap niya kaya tumingala ako para malaman kung sino yung istorbo.

O.o

1...

2...

3...

4...

5...

O.O

*Choke choke

"T-tubig" agad ko namang ininom ang tubig na binigay sa akin ni Ethan. Grabe! Nakakahiya! Lamon yung ginawa ko, hindi kain, lamon!!! Tapos makikita kong nasa harap ng table namin ang BLAZING PHOENIX!!! The heck?!

Isa-isa ko silang tinignan para makita ang hinahanap ko. At ayun nga, nakatingin siya sakin habang naka-ngisi ng nakakaloko. Problema nito?!

Umiwas na lang ako ng tingin at nakita kong may iniabot na paper bag si Luke kay Lexie (oh diba alam ko na! ^_^)

"Thanks, kuya!" sabi niya naman. Ang ganda niya talaga, lalo na pag nakangiti. Hmmm, may nagkakagusto kaya sakanya sa Blazing Phoenix?

Napatingin ulit ako kay Neo at nakatingin parin siya sakin pero hindi na nakangisi. Nag-iwas ulit ako ng tingin dahil wala akong balak na makipag-titigan sa kanya

Pagkatapos mag-usap ng magkapatid na yun ay umalis na rin ang Blazing Phoenix sa cafeteria. Binilisan ko na lang ang pagkain ko at nagpaalam sa kanila "oh, where are you going?" -Lexie.

"ah, call of nature. Sige, una na ko ah! Bye" narinig ko na lang na bumulong si Leslie ng 'palusot' pero di ko na lang siya pinansin at tumakbo na.

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon