LOUIE'S POV
A-anong ginagawa n-niya dito?
"L-Lexie? K-kanina ka p-pa ba dyan?" nakita niya kaya ako? Shemay naman! Sana di niya kami nakita.
"You know Elisse?" oh noes! Nakita niya nga kami! Anong gagawin ko?!
"H-ha?! A-ah, o-oo" namamawis na ko sa kinatatayuan. Mukhang mabubuking ako ng wala sa oras ah.
"How come?" curious talaga siya.
"Ah, mahabang storya, Lexie eh. Bukas na lang, mag-gagabi na rin kasi eh. Sige, una na ko" iwas ko sa kanya. Palakad na sana ako palayo nang hawakan niya ko sa braso at iharap sa kanya.
"Come on, Louie! I'm dead curious here! Please tell me! If that's a long story, then tell me sa house ko. Lika na!" at hinila na nga niya ko papasok sa sasakyan niya na nasa tabi niya lang pala.
"Lexie, hindi na. Hinihintay na rin ako samin" baka nag-aalala na si Mama tapos baka may assignment din si Nathan. Naku naman!
"No, hindi na pwede. Nakasakay ka na oh. Papasabi ko na lang kay Kuya Arthur na sabihin sa parents mo na samin ka matutulog" ngek! Biglaang sleep over?!
"Kuya Arthur, pakisabi naman sa parents ni Louie na hindi siya makakauwi sa kanila. Tell them na magsi-sleep over siya samin." sabi niya sa driver niya. Hay, ayoko nga kasi baka mapilitan lang akong sabihin sa kanya ang totoo. Argh! What to do?! T_T
"Sige po, Ma'am. San po ba kayo nakatira?" baling sakin ng driver niya at sinabi ko na nga ang address namin.
Wala na, hahanap na lang ako ng lusot mamaya. Sana lang makaisip agad ako ng lusot.
Medyo matagal din ang byahe, mga 10 minutes siguro.
"Wow! Ang laki naman ng bahay niyo, Lexie! Ay mali! Mansyon to! Mansyon!" grabeng laki naman kasi. Nagkikita-kita pa kaya sila dito?
"Thanks! Actually, ikaw pa lang ang nakakapunta sa house namin. Wala naman kasi akong ibang friends bukod sa inyo nina Ethan and Leslie, yung iba kasi, they only want to befriend because I'm close with the Blazing Phoenix" Nginitian ko lang siya at lumabas na kami ng sasakyan niya. Mahirap din pala sa sitwasyon niya, di mo alam kung sino ang totoo sayo.
"Hmm, nga pala, asan na yung kuya mo? Ba't di mo siya kasama kanina?" Nakakapagtaka lang kasi, ba't di man lang sila sabay sa pag-uwi. Pwera na lang kung magkaiba sila ng bahay noh! Hmm, di naman imposibleng mangyari yun, mayaman sila eh, baka nga pati ipis nila may sariling mansyon...okay, ang OA ko na. -_-
"Nauna na si kuya sakin dito sa house. Oh there he is. Kuya!" kaway niya sa kuya niya. "oh hey, 'lil sis! Kumain ka na ba? Tara, kain muna tayo" sabi ni Luke. Aba, gwapo din to ah.
"Sure! Oh, by the way, I want you to meet Louie, my bestfriend. Louie, he's my one and only loving brother, Kuya Luke" pakilala niya sakin.
"Hey, Louie. Kumain ka na ba? Tara, sumabay ka na samin" at hindi na nga ako nakatanggi dahil hinila na rin naman ako ni Lexie.
Matapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto niya. Pinahiram niya ko ng pantulog niya at nahiga na sa malambot niyang kama.
Napaka-ganda ng kwarto niya. Napaka-girly, puro pink at violet ang kulay ng mga gamit niya.
"Movie marathon na lang tayo, Louie-girl. What do you want? Hmm, I'll pick na lang for us" sabi niya saka nag-hanap ng CD. Kahit tinatamad akong manood ngayon, okay na rin to kesa sabunin niya naman ako ng mga tanong.
"Eto na lang!" tatlong CD ang pinili niya. Diary ng panget, she's dating the gangster, at just the way you are. Una niyang sinalang ang DNP, hindi na ko pumalag dahil paborito ko naman to.
![](https://img.wattpad.com/cover/77027746-288-k368344.jpg)
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Fiksi RemajaSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...