LOUIE'S POV
Describe 'first day of school'. First day of stress, wrinkles, pimples, at marami pang iba na makakapag-define ng hirap.
Nakakainis nga eh kasi sabi nila, kapag pinaghandaan mo daw ng sobra ang isang bagay, hindi daw to matutuloy...eh bakit natuloy pa rin ang pasukan? Pinaghandaan ko kaya yun ng sobra! 😞😔
Nakakatamad pa, pano ba naman, first day of school, lesson agad?! Anong klaseng school ba tong napasukan ko?
FLASHBACK
"Louie! Louie! May surprise ako sayo!" sigaw ni Mama sakin. "Ano ba yun, Ma? Ano yang hawak niyo?" napatayo tuloy ako ng wala sa oras. "Diba matagal mo nang gustong mag-aral sa St. Petersburg? Eto oh, nakakuha ako ng scholarship para sayo" S-St. P-Petersburg? Eh International School yun ah!
"Ma naman! San niyo ba nakuha yan! Hindi ako mag-aaral dun! Ayoko!" San niya kaya nakuha yun? Kahit naman kasi full scholarship pa ang makuha niya, may babayaran parin kami.
"Anak, diba matagal mo nang gustong bumalik sa pagsu-swimming? Ito na oh. May swimming pool daw sila." Aish! Nakakainis naman tong si Mama!
"Ma, kahit na! Kahit may scholarship pa ko, may babayaran parin tayong malaki! Nung nasa public school pa nga lang ako, hirap na kayo! Gastusin pa dito sa bahay, kuryente, tubig, pagkain, pag-aaral ni Nathan, pati yung mga utang natin. Baon na baon na tayo sa utang, Ma! Tapos dadagdag pa tong school na to?!" ayoko lang namang nahihirapan si Mama. Tumutulong din naman ako, kaya lang hindi naman sapat yun para sa pangangailangan namin.
"Anak, gusto ko lang namang tuparin yung pangako ko sa inyo na pagtatapusin ko kayo sa magandang eskwelahan" dahil sa sinabing yun ni Mama, nangilid ang luha ko. Ayokong makita niya kong umiiyak, mahina, kaya niyakap ko na lang siya.
"Ma, mas pipiliin ko pang makitang ayos kayo at masaya kesa mag-aral sa mamahaling eskwelahan na yun" sabi ko habang yakap-yakap pa rin siya.
"Anak, ang makakapagsaya sakin ay ang makita ko kayo ni Nathan na may magandang buhay. Kahit ito na lang, ito na lang ang ibalato mo sakin, tanggapin mo na tong scholarship na to" bumitiw na ko sa kanya at tinignan siya sa mga mata niya.
END OF FLASHBACK
Nagulat na lang ako ng may tumulo sa kamay ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bago pa may makakita sakin ay agad ko nang pinunasan ang luha ko.
"Ah!" mahinang usal ko at hawak sa ulo ko. May bumato kasi ng papel sakin, sapul pa sa ulo! Tinignan ko naman ang mga kaklase ko. Lahat naman sila busy, kung hindi nakikinig, natutulog. Sino kaya tong walang modong bumato sakin?!
Pinulot ko na lang yung papel. Itatapon ko na sana nang makita kong may nakasulat. 'MASYADO BANG NAKAKAIYAK TONG CALCULUS?'. Ha!? May nakakita ba sakin kanina?!
Tinignan ko ulit yung mga kaklase ko, ganun pa rin naman pero may isang nakatingin sakin.
Nerd. As in typical nerd. May salamin na mas malaki pa ata sa kamao ko, kasing straight ng ruler yung hati ng buhok, may brace, at pimplesssss.
Tutal ayoko namang magmukhang rude sa kanya at wala naman akong balak makinig sa lesson ngayon, sinagot ko na lang siya at nagsulat sa papel na yun 'MAY NAKAKITA PALA SA PAGEEMOTE KO TUNGKOL SA CALCULUS'. Ayokong sabihin sa kanya yung totoong dahilan kung bakit ako naluha, hindi pa nga kami magkakilala eh.
Nilukot ko na yung papel at binato sa kanya habang nakatalikod pa at nagsusulat sa board tong prof namin.
💫Sapooool! Head shot! Haha! Sharp shooter ata ako! 😀😁
Nakita ko siyang nagulat sa lakas ng pagbato ko kaya napangisi na lang ako sa naging reaksyon niya. Ilang segundo pa at nakita ko na siyang nagsusulat. Binato na niya sakin ang papel. Buti na lang nasalo ko kundi, head shot din ako.
'OO NGA EH. NAKAKATUWA KA NGA, NGAYON LANG AKO NAKAKITA NG TAONG INIIYAKAN ANG CALCULUS'. Hay, kung alam mo lang.
'PANO MO NGA PALA NALAMAN NA UMIIYAK AKO? SIGURO, NAKATINGIN KA SAKIN NOH?' Nag-chuckle ako sa sinulat ko. Hindi ko kasi maimagine eh. Hindi naman sa pangit siya, pero...parang ganun na nga.
Hindi ko naman iniisip na may crush siya sakin, napaka-assumera ko naman kung ganun, gusto ko lang kasing malihis ang usapan.
Binato ko na ulit yung papel pero hindi na sa ulo niya. Kawawa naman to kapag naalog ang ulo, mukha pa namang matalino. Baka maging airhead kapag nasobrahan sa alog.
Tinignan ko lang siya dahil gusto kong makita yung reaksyon niya. Halos matawa na ko ng sobrang lakas sa naging reaksyon niya, parang ganito oh...😨. Laptrip to!😂😂😂
Tinignan ko lang habang nakatitig parin sa papel niya at gulat na gulat. Nang matauhan na siya ay kinuha na niya ang ballpen niya at nagsulat. Ang nakakatawa pa sa kanya, dahan-dahan niyang kinuha ang ballpen niya at nanginginig pang magsulat. Nakakatawa talaga siya.
Binato niya na ang papel ng hindi tumitingin sakin. Problema nito? Sa iba pa tuloy na bato kaya kailangan ko pang pulutin.
'HINDI AH! NAPATINGIN LANG AKO! MAY LAMOK KASI KAYA NAPATINGIN NA KO SAYO'. Hahaha 😂, naalala ko nanaman yung itsura niya kanina, nakakatawa talaga siya, hahaha.
'MAGPAPALUSOT KA NA NGA LANG, HALATA PA!' Haha, hindi ko ma-take! Pero in fairness, masarap siyang kausap. Nakalimutan ko na ngang may klase eh.
Crinumple ko na yung papel at babatuhin ko na sana nang-- "secret message?" ow camown mamown! Kailan pa nandito to? 😮
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Prof. Lim. Kainis! Kapag dinalaw ka nga naman ng suwerte, buena mano pa!
Nilatag niya sa harap ko ang kamay niya na parang gusto niyang ibigay ko yung papel. Bago ko ibigay ang papel sa prof ay sinulyapan ko muna yung nerd na kausap ko.
😖😷Ba't ganito itsura nito? Mukhang siya pa ang mas nanlumo samin ah
Binigay ko na sa Prof ang papel at pumunta na sa harap "First day of school, kalokohan agad ang dulot mo?! What's your surname, miss?" ako ba? "a-ako p-po?" turo ko sa sarili ko. Eh malay ko ba kung sino ang kinakausap nito. Eh diba maraming natutulog sa klase niya kanina.
"Sino pa ba? May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa sinabi niya.
"N-Natividad po, S-sir" nauutal na sagot ko. Kainis! Terror pa naman to. (tsk, hindi ba halata?!)
"Ms. Natividad and Mr. Medina! Who told you to chat inside my class!? Nakakawalang-gana na ba ang makinig ngayon?!" hay, nakakainis naman. Sana wag niyang isumbat sakin na scholar ako.
"Ikaw, Ms. Natividad! Naturingang scholar ka pa naman!" sabi ko nga, babanggitin niya. Galing ko talaga! Tsk tsk tsk.
"And you, Mr. Medina! Valedictorian ka pa naman last year, then mahuhuli kitang nakikipag usap secretly inside my class?!" nakayuko naman yung nerd habang pinapagalitan siya. Nakakaawa din tong nerd na to eh.
"We're very sorry Mr. Lim, hindi na po mauulit" pagpasensya niya habang nakayuko parin. "and how about you, Ms. Natividad?" ha? Ako nanaman?! "a-ano po y-yun?" baka pagalitan nanaman ako nito.
"You know Ms. Natividad, hindi ko alam kung pano ka nakakuha ng scholarship eh kung ganyang tanga ka naman pala" ouch ah! "hindi ka ba hihingi ng pasensya sa ginawa niyo ni Mr. Medina?" ah, yun naman pala eh. Pwede naman kasi akong diretsuhin na lang. "S-sorry po" nakakahiya naman to, lahat pa naman sila nakatingin sakin. 😞😔
*bell rings
Saved by the bell!!😊 Nagsitayuan na kami at akmang magaayos na ng gamit ng magsalita si Prof. Lim "next time, if you'll planning to do some naughtiness, make sure that you'll not get caught by me, understand?" nagpaparinig pa, tss. "yes, Sir" malamyang sagot namin.
"Okay, see you again tomorrow. Goodbye, class."
"Goodbye, Sir." at natapos na rin ang pinaka intense na 5 minutes sa buhay ko. 😪
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Ficção AdolescenteSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...