CHAPTER 23: One-Sided love?

9 2 0
                                        

LOUIE'S POV

Ilang araw akong hindi pumasok dahil hindi ko pa kayang makita siya. Sinabi ko na lang kay Mama na ako muna ang mag-aalaga kay Nathan para makapag-pahinga naman siya.

Nandito ako ngayon sa classroom dahil meron daw announcement yung adviser namin. Mabuti na lang talaga ahead siya sakin.

"Next week na ang start ng intrams natin. Sa mga transferees, meron tayong basketball, volleyball, badminton, table tennis, chess, at swimming. Sa mga interesadong sumali at irepresent ang section natin, magpalista na kayo ngayon." kinalabit naman ako ni Leslie kaya napalingon ako sa kanya.

"Huy, anong sasalihan mo?" tanong niya sakin.

"Swimming, ikaw?"

"Volleyball"

Bigla namang sumingit si Lexie sa usapan kaya napatingin kami sa kanya. "Ako naman badminton!" masigla niyang sabi. Kahit kailan talaga napaka-jolly nitong babaeng to.

"Share mo lang?" as expected sa sungit queen. Tinignan naman siya ng masama ni Lexie dahil dun.

Dinismiss na kami pagkatapos ng ilang paalala. Papunta na kami ngayon ng cafeteria ng mahagip ng mata ko ang blazing pheonix. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Binati naman sila ni Lexie kaya huminto sila sa tapat namin...except kay Neo.

"Dude! Neo! Huy!" sigaw ni James dahil tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad. Siguro di niya naririnig na tinatawag siya dahil naka-earphones siya. Pero dapat napansin niya ring wala na siyang kasabay maglakad, diba?

"Sorry, ganyan na siya simula last week. Hindi nga namin alam kung anong nangyari eh. Hindi naman kami kinakausap." sabi ni Luke.

"Hinawaan ni Yohan yan kaya nagkaganyan" tinignan naman siya ni Yohan ng masama kaya nag-peace sign na lang siya.

"Hoy, ikaw babae ka! May hindi ka sinasabi samin, noh?!" duro sakin ni Leslie. Yumuko muma ako sandali at nginitian sila ng matamlay.

"Hiwalay na kami" hindi ko alam kung pano ko nabigkas ang mga salitang yun. Dapat ko bang ika-proud yun?

"Ano?! Bakit?! Kailan pa?! Anong nangyari?! Bakit kayo naghiwalay?! Third party ba?! Gus--" hindi na natuloy ni James ang sasabihin niya ng batukan siya ni Leslie.

"Aray ko! Bakit mo ko binatukan?!"

"Eh ang ingay mo eh!"

"Pakelam mo ba?! Edi takpan mo tenga mo!"

Magsasalita pa sana si Leslie nang unahan siya ni Warren. "Bakit kayo naghiwalay?" sa buong tanang buhay ko, ngayon ko lang nakitang magseryoso ng ganito si Warren.

"Ewan ko. Baka nagkasawaan na kami." alam kong nagulat sila sa sinabi ko, pero kailangan ko talagang gawin to. Mas madali kapag ganito.

Natawa naman siya ng peke at tinignan ako ng malamig "kala ko iba ka, katulad ka rin pala nila. Wala kang kwentang kausap. Lika na, nagsasayang lang tayo ng oras dito." wala namang nagawa ang iba kundi sumunod na lang.

"Are you out of your mind?! Why did you say that?!" sigaw ni Lexie nang mawala na sa paningin namin ang blazing phoenix.

"Nasisiraan ka na ba?! Nagkasawaan?! Diba, ikaw pa nga nagsabi samin na kapag mahal mo ang isang tao, kahit kailan, hinding-hindi ka magsasawa sa kanya?!"

"Nagkamali ako. Akala ko lang pala mahal ko siya. Eh kasi naman, nakakabore siyang kasama, tapos napaka--" nagulat ako ng sampalin ako ni Leslie kaya pinigilan naman siya ni Lexie.

"Hoy, ikaw! Sumosobra ka na ah! Manhid ka na ba?! Ha?! Kita mong mahal na mahal ka nung tao! Halos ialay na niya nga ang buhay niya sayo eh! Sayo na nga umiikot ang ang mundo niya tapos sasaktan mo lang siya?! Iiwan mo lang siya?! Anong klase ka?! Napakawala mong kwenta! Halika na, Leslie!"

Sa pangalawang pagkakataon, sinaktan ko na naman ang mga taong nagmamahal sakin. Siguro nga ito na ang kapalit ng sakripisyong ginawa ko.

Buong lunch time ay nasa rooftop lang ako, panigurado kasing makikita ko lang silang lahat kapag pumunta akong cafeteria.

Wala akong ginawa kundi ang alalahanin ang lahat ng nangyari at umiyak. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero tama lang to sakin. Deserve ko to. Kundi ba naman ako tanga, edi sana hindi to nangyayari ngayon.

Nang 5 minutes na lang ang natitira sa lunch namin ay bumalik na ko ng classroom, pero laking gulat ko nang makita kong may isang tray na puno ng pagkain sa lamesa ko. Agad ko tong pinuntahan at nakita kong may nakadikit na sticky note sa chocolate drink.

Don't starve yourself just because you think everybody left you. I'm still here, waiting for you to need me. I will never leave you, I promise.

Bakit ganun? Isang sticky note lang naman to ah. Pero bakit sobra akong nasasaktan ngayon?

Kinuha ko ang sticky note at binulsa. Pero dapat ko bang kainin to? Parang ang kapal naman ng mukha ko kapag kakainin ko pa to, diba? Pero nagugutom na ko. Bahala na nga! May oras pa naman akong kumain kaya uubusin ko na lang muna to.

Pagkatapos ng ilang oras, uwian na. Uuwi na naman ako ng mag-isa. Haay, namiss ko tuloy bigla si Ethan. Ano kayang ginagawa ng nerd na yun?

Medyo malayo-layo na rin ako sa school nang mapansin kong may sumusunod sakin. Huminto ako at lumingon sa likod. Wala namang tao ah. Baka imagination ko lang yun.

Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman ko ulit na may sumusunod talaga sakin kaya pumunta ako sa isang eskinita.

Nang dumaan siya sa mismong eskinitang tinataguan ko ay bigla ko siyang hinila pero laking gulat ko nang mabilis niya kong naikulong sa kanyang bisig.

Kahit na madilim, alam ko na agad kung sino tong nasa harap ko. His scent that's so addicitve and my abnormal heartbeat, alam ko ng siya to.

"Bakit mo ko sinusundan?" medyo naiilang na tanong ko dahil konti na lang maglalapat na ang labi namin.

"To make sure you'll go home safe" napakagat na lang ako ng labi sadali dahil sa kakaunti niyang sinabing yun, bigla na lang mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. May ibibilis pa pala to.

"Pwede ba, Neo. Wag na nating pahirapan ang isa't isa. Just stay away from me, mahirap bang gawin yun?"

"Yes, Louie. It's hard. It's so damn hard."

"Kung nahihirapan ka, edi itigil mo na to. Kalimutan na natin ang isa't isa"

"Sana nga, ganun lang kadaling kalimutan ka. Pero hindi eh. Just...let me do this for you. Hayaan mo kong mahalin ka."

"Pero, Neo--"

"I'm not asking for your opinion. I'm doing this whether you like it or not." pagkasabi niya nun ay agad na siyang umalis.

Neo naman, kung ipagpapatuloy mo ang ganitong asal, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko sayong mahal pa rin kita.

Paid to love youMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon