LOUIE'S POV
Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng maging 'kami' ni Neo. Tatlong buwan ko ng nararamdaman tong kakaibang tibok sa puso ko. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano tong nararamdaman ko. Pero alam kong mali. Alam kong hindi tama to.
"Huy, bes! Anyare sayo? Tulaleng ka na naman" nabalik lang ako sa realidad ng kalabitin ako ni Leslie.
"Ay, s-sorry. Ano nga uli yun?"
"You're spacing again. What's happening to you ba? Lately, napapansin ko, you're always tulala. Are you sure you're okay?" ano ba yan! Pati mga kaibigan ko nadadamay na sa kadramahan ko.
"Oo, okay lang ako. Ano nga ulit yung pinag-uusapan niyo?"
"Ethan has to say something daw"
"Oh, ano yun, Ethan?" nakatingin kami sa kanya habang nag-aabang ng sasabihin niya.
"K-kailangan kong p-pumunta sa A-amerika p-para m-mabantayan yung k-kompanya n-namin dun."
"Ano?! Pano yung pag-aaral mo?!" sigaw ni Leslie sabay tayo at hampas sa lamesa. Nagtinginan tuloy samin yung mga tao dito sa cafeteria.
"Girl, sit down nga. Look oh, they're all looking at us" umirap lang si Leslie pero naupo na rin.
"N-nakausap na ni D-daddy y-yung p-principal, p-pumayag n-naman siya. B-bale o-online s-study ako." iispin ko pa lang na malalayo samin si Ethan, nalulungkot na ko. Kahit na ganito magsalita to at nerd, iba pa rin siyang kasama. Siya ang una kong naging kaibigan, kaya masakit rin sakit na mawawalay siya samin.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita "hanggang kailan ka dun?" napatingin naman silang lahat sakin pero ditetso pa rin ang tingin ko.
"H-hindi ko p-pa a-alam. S-siguro, h-hanggang sa m-matapos yung p-problema s-sa k-kompanya nam-min" bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata habang sinasabi niya yun.
"Hoy, Louie! Lutang ka ba?! Pumapayag ka na ba talagang umalis tong si Ethan?!"
"Wala naman tayong magagawa, Leslie. Hindi niya rin naman gustong umalis eh. Ang tanging magagawa na lang natin ay maghintay. Uuwi din naman siya eh, diba Ethan?" sabay harap ko sa kanya.
"O-oo n-naman"
"Oh, see? No need to over-react, Leslie"
"Hoy, panget! Basta mag-ingat ka dun! Tanga-tanga ka pa naman" ay sows! Kunwari pang galit!
Pagkatapos naming mag-lunch ay dumeretso na kami sa classroom nang mag-vibrate ang phone ko.
From: Neo
Rooftop. 5:00 pm, sharp."Hoy, para kang timang dyan! Walang poreber!"
"Bitter much, Leslie-girl?"-Lexie. Bitter lang yan kasi aalis na si *toot toot. Lam niyo na, guys...
Hindi na ko makapag-hintay na mag-5:00 na. Kulang na nga lang, i-adjust ko na yung wrist watch ko eh.
"Wag niyong kalimutan na mag-advance reading about thermal energy. Sige, class dissmissed." agad ko nang inayos ang gamit ko at nag-paalam na kina Ethan.
"A-aalis k-ka?"
"She has a date with Neo, right, Louie-girl?" sabi ni Lexie sabay kindat sakin.
"Una na ko, guys ah. Bye!" sabay takbo ko palabas ng classroom. Di naman halatang excited ako, diba?
Malapit na ko sa rooftop ng biglang mag-ring ang phone ko. Kahit kailan talaga napaka-mainipin nito.
"Alam mo ikaw, kahit kai--"
"Louie? Anak?"
"Ma?" si Mama? Tinignan ko ang caller id at si Mama nga. Bigla akong kinabahan, sana wala namang masamang nangyari.
"Nasa ospital kami ngayon, sinugod ko kasi si Nathan, hindi na naman makahinga"
"Ano?! Saang ospital kayo?!" kumaripas na ko ng takbo pababa habang sinasabi ni Mama kung saang ospital sila.
Sorry, Neo, pero mas kailangan ako ng kapatid ko...
"Ma!" napatayo si Mama ng marinig ako.
"Anak" sabi niya sabay yakap sakin.
"Ano pong nangyari kay Nathan?"
"Balak ko kasing sorpresahin si Nathan sa paaralan niya kanina kaya dapat susunduin ko siya kaya lang halos kalahating oras na kong naghihintay, wala pa siya. Sabi sakin ng ka-eskwela niya, kanina pa daw siyang nakaalis kaya hinanap ko siya. Nakita ko siyang nagtitinda malapit sa eskwelahan nila."
"Nagtitinda? Ano namang pumasok sa kokote nung batang yun at nagtinda? Alam niya naman ang kondisyon niya" matagal nang may sakit sa puso si Nathan, simula pa nung pinanganak siya. Hindi namin napagamot si Nathan dati dahil kamamatay palang ni Papa nun. Sana naman walang mangyaring masama kay Nathan, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala pa siya.
Makalipas ang ilang oras, napatayo kami ni Mama nang lumabas ng pinto ang doktor. "Dok, kamusta na po ang anak ko?" hinimas-himas ko na lang ang likod ni Mama dahil ramdam ko na ang panginginig niya.
"Base sa test na isinagawa namin, your son has a congestive heart failure."
"Congestive heart failure?" ano yun?
"It is a chronic progressive condition that affects the pumping power of your heart muscles."
"Diyos ko..." ani Mama. Hindi na ko nakagalaw sa kinauupuan ko. Inupo ko muna si Mama at ako na lang ang humarap sa Doktor.
"Dok, a-ano hong...p-pwedeng mangyari sa kapatid ko p-pag hindi ito nagamot?"
"Well, this heart failure causes heart attack, high blood pressure, abnormal heart rhythm, infection and heart damage"
"A-ano pong k-kailangang gawin?"
"Sa ngayon, kailangan nating mag-conduct ng ilang tests kung malala na ba ang sakit niya. Para malaman na rin natin if anong treatment ang gagawin natin sa kapatid mo"
"S-sige, s-salamat po, D-dok"
Umupo na lang ako sa tabi ni Mama dahil bigla akong nanghina sa sinabi ng Doktor.
"Anak, san tayo kukuha ng pera niyan?"
"Ako na pong bahala, Ma" sabi ko sabay alis. Narinig ko pang tinawag ako ni Mama pero hindi na ko lumingon pa.
Alam kong mali...
Sinabi ko sa sarili kong titigil na ko...
O Diyos ko, patawarin niyo po ako..."Hello, Elisse. Pwede ko na bang makuha yung pera?"
*********
Maikli ba, guys? Sorry hanggang dun lang kinaya ng utak ko eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/77027746-288-k368344.jpg)
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Подростковая литератураSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...