ETHAN'S POV
Naiinis ako sa sarili ko. Nang dahil sakin, napagalitan pa siya. Grabe, gusto ko nga siyang ipagtanggol kanina kaya lang hindi ko magawa, terror kasi talaga si Prof. Lim kahit dati pa nung junior high palang ako, bulung-bulungan nga na madalas siyang nagpapahiya ng estudyante.
Dapat ipinagtanggol ko siya, pinangunahan kasi ako ng takot eh. Inayos ko agad ang mga gamit ko at hinanap siya.
Ang bilis naman nun. Kaka-dismissed lang samin, nakalabas na agad siya ng room? Di bale, baka nasa cafeteria na yun.
By the way, ako nga pala si Ethan Scott Medina. Sa totoo lang, kanina ko pa tinitignan yung Natividad na yun. Maganda siya, napaka-simple. Yung kapag unang tingin mo palang, maganda na pero kapag tinitigan mo, mas lalong gumaganda siya. Sana hindi siya galit sakin. 😞😔
Nandito na ko sa cafeteria at nilibot ko agad ang paningin ko. Napangiti ako nang makita ko siyang kumakain sa isang lamesa.
Binilisan ko na lang ang pagoorder at pumunta na ko sa table niya "a-ahh, p-pwede bang m-maki u-upo?" Aish! Ano ka bang dila ka, makisama ka naman!
"ah, sige. Okay lang" hay, salamat at pumayag naman siya. Umupo na ko at inayos ng konti.
Hay, pano ko ba to sisismulan?
*ehem
I cleared my throat first bago ako magsalita ulit "s-sorry" nauutal na sabi ko. "Para san?" tanong naman niya.
"D-dahil n-napagalitan ka dahil s-sakin" ano bang meron sa dila ko ngayon? "ahh, okay lang yun. Hindi mo naman kasalanan yun eh" ang bait niya naman.
Aaminin ko, ngayon lang ako humanga sa babae ng ganito. Sobrang ganda ng mga mata niya, parang hinihila ako papalapit sa kanya. Ang mapulang labi niya na umaakit sakin para mas lalong hangaan siya. Lahat sa kanya, nagustuhan ko. Ano ba tong nangyayari sakin?
LOUIE'S POV
Grabe naman, bakit naman ang mamahal ng mga pagkain dito?! Kailangan masarap to, para naman magkaron ng hustisya yung presyo ng mga pagkain dito!
Ham sandwich at chocolate juice lang ang inorder ko, bwisit naka-100 din ako noh.
Naghanap na ko ng mauupuan at mabuti naman nakahanap ako ng bakanteng lamesa sa may dulo.
Hay, salamat makakakain na rin sa wakas! Mukhang masarap tong sandwich na to. Ang ganda kasi ng pagkakagawa, kaya lang sorry ka, gutom ako.
"A-ahh, p-pwede bang m-maki u-upo?" bwisit naman, pasubo na ko eh. Alam niyo yung nakanganga na, nasa loob na eh, kakagatin ko na lang eh, nabitin pa!
"ah, sige. Okay lang" Kainis! Akala ko ako lang! Medyo nabibwisit rin ako sa kanya eh, first time ko kayang mapagalitan ng ganun.
"S-sorry" napatingin ako sa kanya nang sinabi niya yun. Nakaka-guilty naman. Mukha siyang tutang ginutom na humihingi ng tinapay na hawak ko 🐕. Sino bang mabibwisit ng tuluyan sa ganitong kaamong mukha?...Kaya lang nerd.
"Para san?" pagmamaang-maangan ko. Ayoko namang isipin niyang medyo nabwisit ako sa kanya, nakakaawa naman siya eh.
"D-dahil n-napagalitan ka dahil s-sakin" bakit ba nauutal to? Mukha ba kong nangangagat? Hindi naman siguro ako mukhang nauulol na aso sa harap niya diba?
"Ahh, okay lang yun. Hindi mo naman kasalanan yun eh" sagot ko sa kanya habang nakangiti para naman mapanatag na siya.
Lumipas ang ilang minuto at walang nagsasalita samin. AWKWARD...
Parehas lang kaming kumakain at pinakikiramdaman ang isa't isa. Talaga bang ganito to? Nakakabingi yung katahimikan, ha. Konti na lang mababasag na eardrums ko.
"Uhm, Valedictorian ka pala last year?" pambabasag ko ng katahimikan. Kung hindi pa ko magsasalita, baka mapanis lang ang laway ko. Sayang din yun noh. 😊
"Huh? A-ahh, o-oo" sagot naman niya pero hindi parin tumitingin sakin. Ano bang mali sakin? Mukha ba kong nangangain ng nerd?
Kinapa ko naman ang mukha ko pero wala namang pinagbago, ganun parin...maganda parin. 😀😁
"Ahh, eh bakit ka nauutal?" deretsahang tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi, baka may kung ano sakin na natatakot siya.
"H-huh, ah eh, h-hindi ko a-alam eh" pwede ba yun? Hindi niya alam kung bakit siya nauutal? Eh kung kaltukan ko kaya siya tapos sabihin ko hindi ko alam kung bakit ko siya kinaltukan. May saltik amp.
Lumipas ang limang minuto at hindi ko na siya muling kinausap pa, baka mahawaan pa ko ng kasaltikan nito, mahirap na.
Naglalakad ako ngayon sa hallway mag-isa. Iniwan ko siya dun mag-isa, sinabi ko na lang sa kanya na jejebs lang ako, sana hindi naman ako naging rude sa harap niya. Hindi naman sa ayoko siyang makasama kaya lang...may saltik kasi eh! Hindi ba naman daw alam ang dahilan kung bakit siya nauutal.
Habang naglalakad, napadaan ako sa gymnasium. Hindi naman ako abnormal na hindi naghahanap ng pogi sa paligid. Hindi naman kasi kailangan na puro aral lang, baka sumabog utak ko nun!
Sinimulan ko na ang pagtingin-tingin, syempre silip lang muna, baka kung ano pang sabihin ng mga basketball players sakin. 😒
Hindi naman nagtagal ang pagsilip ko dahil naglalakad ako pero syempre binagalan ko para makahanap, hihihi. (MALANDI MODE: ON)
At...boom! Nakahanap ako! Medyo marami rami rin ang may itsura, pero siguro mga limang gwapo. May chinito, may moreno, at may mukhang amerikano. Hhmm, interesting...
And the saddest moment is...nakalampas na ko ng gym. Sayang naman, ang ganda pa naman ng view.
ETHAN'S POV
Ang tagal naman niya, ang sabi niya maglalabas lang daw siya ng sama ng loob. Gano ba kalaki yung sama ng loob niya?
Naweirduhan ata sakin. Nakakainis naman kasi eh, bakit ba kailangan pang mautal? Hindi ba pwedeng maging normal lang? Haist! Sarap putulin ng dila ko kanina.
"Hay, nakakapagod! Bakit ba kasi ang taas ng room namin?!" napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Si Leslie. Matagal ko na siyang kaklase. Maganda naman siya, marami ngang may balak manligaw at kaibiganin yan eh, kaya lang sinusungitan lahat ng kumakausap sakanya.
"Ah, may nakaupo na dyan" malumanay na sabi ko. Kanina ko pa talaga nireserve yan para kay Louie. Kanina kasi saglit lang kami nag-usap. Gusto ko kasing mas makilala siya.
"May nakikita ka bang di ko nakikita?" tanong niya habang nakataas pa ang isang kilay. Tss, kaya ayokong kausapin to eh, susungitan lang ako.
"Ah eh, n-niresrve k-ko na k-kasi yan" nakakatakot naman tong kausap. Sa totoo lang, sa tagal ko nang kaklase to, ngayon lang kami nag-usap. Pero mukhang hindi ko na gugustuhing maulit pa.
"Pakelam ko kung may naka-reserve na dito?" hindi ako magtataka kung tatandang dalaga to. Sobrang sungit eh. Menopause na ata.
Hindi ko na siya kinausap pa, baka mamaya hindi lang pagsusungit gawin nito sakin. Hinayaan ko na lang siyang umupo sa upuan na nireserve ko para kay Louie.
Maya maya pa ay dumating na si Louie. Nilapitan ko siya at kinausap "Louie" hay, dapat hindi na ko mauutal ngayon.
"Oh, Ethan" ano bang pwede kong sabihin. Please, utak, gumana ka naman oh. Bakit ngayong kailangan na kailangan kita tsaka ka naman hindi gumagana?
"P-pwede ba t-tayong maging m-magkaibigan?" hay! Tanga! Tanga! Tanga! Bakit mo sinabi yun? Kaya nawiwierduhan sayo si Louie eh.
"Sure! Simula ngayon friends na tayo" sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Natulala ako sa naging sagot niya.
Totoo ba yun? M-magkaibigan na kami? Hindi yun yung ineexpect kong isasagot niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa puso ko, bakit ang bilis ng tibok? Hindi naman ako mahilig sa kape.
Hinawakan ko ang dibdib ko at pumikit para pakiramdaman ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis talaga.
H-hindi k-kaya...
"Mr. Medina! Inaatake ka na ba sa puso?!" nagulat naman ako sa sumigaw. Pagkadilat ko nakita ko si Ms. Gabo. Nagtawanan naman lahat ng kaklase namin, pero napako ang paningin ko kay Louie na nakikitawa rin.
Okay lang sakin na pinagtatawanan niya ko, basta nakikita ko siyang masaya, ayos na ko.
BINABASA MO ANG
Paid to love you
Ficțiune adolescențiSi Louie ang tipo ng babae na puno ng pangarap. Lahat gagawin niya para matupad ang mga yun. Hanggang sa umabot sa puntong binayaran siya para mapaibig ang isang Neo Salvador, cold-hearted, hard-headed, hot-tempered womanizer at saktan sa huli. Maga...