CHAPTER 8: Getting to know each other

12 3 0
                                    

LOUIE'S POV

"...clean my unit" a-ano daw? Tama ba rinig ko? Hindi agad ako nakapag salita nang dahil sa narinig ko. Isa lang ang masasabi ko...I'M SO DISAPPOINTED.

Nakatitig parin ako sa kanya dahil hindi talaga ako makapaniwala. Sa itsura kong to? Paglilinisin ako? Ow komon! Lumayo na siya ng kaunti habang naka-ngisi. Pero may mas ilalaki pa pala yung mata ko kaysa kanina dahil habang nakatingin ng malagkit sakin ay hinawakan niya ang kanyang tapis at dahan-dahang tinatanggal ang pagkakabuhol...Ayan na! Malapit na!

1...

2...

3...

😮 huh? Anyare?

"Too much expectation might kill you" natatawang sabi niya habang naglalakad palayo. Ha! May gana pa siyang tumawa ah! Pano ba naman, kala ko wala siyang saplot sa loob! Yun pala meron! May short!...Teka, ba't ba ko galit?

Sinimulan ko na ang paglilinis para Mabilis akong matapos. Sinimulan ko sa living room niya. Pinunasan ko muna yung mga display bago ako mag-vacuum.

Tinignan ko lang siyang sitting pretty dun sa sofa niya habang nanonood ng TV. Tss, ako nagpapakahirap mag-linis dito tapos siya, nonood-nood lang? Ipasok ko siya sa vacuum eh!

"Tss, pangit!" sabay patay niya ng TV niya. Pangit ka din!...oo na! Sinungaling na!

Pumunta siya dun sa isang mini table sa gilid ng sofa niya at may pinindot sa cellphone niya sabay lagay dun sa Beats niya.

🎵 I look and stare so deep in your eyes
I touch you more and more everytime
When you leave, I'm begging you not to go
Call your name two, three times in a row 🎵

Napatingin ako sa katawan niya. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa itsura niya ngayon. Para siyang model na nakatayo lang sa harap ng lamesa. Ang wafu niya talaga! Sarap papakin! Wah! Ano ba tong nangyayari sakin?!

Nagulat ako nang tumunog bigla yung vacuum na hawak ko. Hala! Anong nangyari? Hinampas ko lang siya dahil hindi ko naman alam kung pano gumamit nito. Wala naman kaming ganito sa bahay eh.

"Hey! Hey! Careful! Baka masira! Mahal yan!" hindi ko na ata siya kayang tignan ngayon. Baka magkasala pa ko ng wala sa oras.

🎵 Got me looking so crazy right now,
Your love's got me looking so crazy right now
Got me looking so crazy right now, your touch got me looking so crazy right now
Got me hoping you page me right now, your kiss got me hoping save me right now
Looking so crazy in love, got me looking, got me looking so crazy in love 🎵

"Ganito lang kasi gumamit niyan..." hinawakan niya yung handle ng vacuum kaya ang nangyari ay hawak niya ang kamay ko at nakayakap siya sakin. Oh diba ang saya?

🎵 When I talk to my friends so quietly
Who he think he is, look at what you've done to me
Tennis shoes, don't even need to buy a new dress
You ain't here, ain't nobody else to impress 🎵

Hindi ko alam kung kaya ko pang magtimpi ngayong magkadikit na ang likod ko sa abs niya. Oh please, Lord, guide me...

Tinitigan ko lang ang napakagwapo niyang mukha habang tinuturo kung pano gumamit ng vacuum. Napansin niya atang nakatitig lang ako sa kanya kaya napaharap siya sakin.

O.O...

2 inches na lang ata ang layo ng mga mukha namin. Konting galaw lang niya ay siguradong maglalapat na ang mga labi namin...ulit.

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon