CHAPTER 12: Avoid him

5 3 0
                                    

LOUIE'S POV

Maaga akong pumasok ngayon. Inunahan ko na sina Lexie dahil ayokong makasabay yung playboy na may topak. Bwisit na yun! Insultuhin ba naman ako kaninang madaling-araw! Tss, hindi porket sinabi kong may gusto ako sa kanya eh pwede na niya kong insultuhin!

*Kruu kruu~

Haay, di pa ko nag-aalmusal. Nagugutom na ko.

"L-louie?" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Oh, Ethan ikaw pala"

"Ang a-aga m-mo" oo nga. Kadalasan kasi mga 7:45 pa ko pumapasok. 6:50 palang naman.

"Ha? Ah, oo nga eh. Yaan mo na! Baka di na to maulit sige ka!"

*Kruu kruu~

Hinawakan ko ang tiyan ko. Waah! Gutom na talaga ako! T_T.

"N-nag-almusal k-ka na b-ba?"

"hehe, hindi pa eh" nahihiyang sagot ko sabay kamot ng batok.

Niyaya niya naman akong mag-almusal sa cafeteria syempre nahihiya ako kaya pumayag ako agad. Diba sobrang mahiyain ko?

Nang matapos kaming kumain ay nagkwentuhan lang kami. Tagal nga naming nagkwentuhan eh, pano ba naman, pautal-utal siya kung magsalita. Tapos madalas ako yung taga-tanong siya naman sobrang ikli lang ng sagot. Tapos napapansin ko, hindi siya makatingin sa mata ko ng diretso...problema nito?!

"Okay, class. Bukas na ang pagbubukas ng mga clubs after your lunch break ay pabababain kayong lahat upang makapili ng mga clubs na napupusuan ninyo. Para sa mga transferees, meron tayong 6 clubs, ang photography club, glee club, SPIS voice choir, SPIS dance troupe, movie club, at SPIS journalists" clubs? Naku, ano kayang sasalihan ko bukas? Mag-photography club na lang kaya ako? Parang masaya dun eh.

"Hey, Louie-girl!" ay palakang labas ang bituka!!! Nakakagulat naman tong si Lexie, bigla-bigla na lang sumusulpot!

"Have you already choose your club? I'm thinking kasi if glee club or SPIS voice choir eh"

"Photography club siguro"

"Photography club? Hmm, ayaw mo ng ibang clubs? Honestly, that's boring"

Eh hindi ko naman hilig ang yung ibang mga nabanggit, lalo naman sa pag-kanta, pag-sayaw at pag-arte. Wala nga siguro akong talent. -_-

"Speaking of boring...bakit ka pumasok ng maaga? Ang boring tuloy." hindi na naman siguro masama kung sabihin ko sa kanya yung totoo, diba?

"Kasi awkward siya kay Neo" napatingin ako sa sumagot. Si Leslie lang pala. Pinaalis niya ang katabi ko at dun naupo.

"Tama ba ko?" napatingin na lang ako kay Lexie at nag-peace sign siya sakin. Lam na!

Napailing na lang ako at sumagot. "Medyo naiinis din" sino ba naman ang hindi maiinis kung naalimpungatan ka tapos pagkagising mo, lalait-laitin ka pa?

"Why?" at kinuwento ko sa kanila ang buong nangyari. "Ang daya! Nag-sleep over pala kayo, di man lang kayo nagyaya" pagtatampo ni Leslie. These past few days, medyo nagiging close na rin samin si Leslie at oo, kapag di mo siya close, tatarayan ka talaga niya pero may soft side din pala siya.

"Biglaan lang kasi. But next time! I'll invite you!"

Nag-discuss lang si Ma'am at nagpa-quiz. Buti nga nakinig ako eh.

Lumabas na kami ng room para mag-lunch. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa utak ko yung walangyang playboy na yun! Argh! Nakakainis! Kumukulo pa rin yung dugo ko sa kanya.

Paid to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon