Cyrine's POV
Nagising ako sa lagaslas ng tubig. Napahiyaw ako ng malakas sa sobrang gulat ko ng lumabas si Tazuke mula sa shower room!
"Gising ka na pala." Tatawa-tawang pumasok uli ito sa shower room.
"Ang cute nya!" Impit na hiyaw ko habang nakasubsob sa unan.
Mukang kakatapos lang nito magshower. Basa pa kasi ang buhok nya. Nakasabit naman sa leeg nya yung towel.
Ang cute nya tingnan. Basa ang buhok, nakashort, nakasando, at nagto-toothbrush!
Pakiramdam ko namumula mukha ko!
"Masama ba pakiramdam mo?" Nagulat ako ng magtanong sya. Nakatapos na pala sya magtoothbrush.
Naabutan nya kasi akong nakasubsob sa unan na kilig na kilig.
"Hi-Hindi. Wala. Okay lang ako."
"Namumula ka." Lumapit ito sakin at dinampi ang kamay nya sa noo ko. He's really checking if I'm sick.
"Beautiful..." He smiled. Genuine smile. Nakatitig lang sya sakin na parang hindi makapaniwala na nasa harapan nya ako.
"Y-yes! Beautiful! Ang ganda! Ang ganda ng pad mo." Pag-iiba ko sa topic. "He-he. Ganda. Black and White." Sabi ko habang nakatingin pa din sya. "Saka i-ito. Ang bango. Ang bango ng kumot." Nauutal utal na sabi ko habang inaamoy yung kumot nya.
Tumawa ito ng malakas.
"I'm sorry kung dinala kita dito. Nakatulog ka kanina. Ibibili muna kita ng damit bago kita ihatid pauwi." He explained.
Ewan ko ba pero naiinis ako.
Napasimangot ako ng sinabi nyang he's sorry dahil dinala nya ako sa place nya."What's with that face?" He asked.
"Nothin." I pouted.
“Yung ano pala.” tumalikod sya saka pinagpatuloy ang sasabihin "Yung ano. Yung ano mo nga."
“Alin nga? Lakasan mo kasi boses mo” Ang hina kasi nya magsalita kaya hindi ko talaga maintindihan.
“Ano kasi yung... Ibibili nga kita ng damit mo." Nakatalikod pa din ito.
“Alin ngang ano? Ano ka ng ano dyan! Hindi ko nga maintindihan." Binato ko sya ng unan. "Humarap ka nga kasi dito."
“Wala! Ako na bahala." Lumabas na ito sa kwarto.
Akala ko nakaalis na sya pero maya maya ay sumilip ito sa pinto ng kwaryo.
"Ang sabi ko size ng undergarments mo." He said grinning.
Holy crap! What is he thinking?
Suddenly, nakaramdam ako ng pananakit ng puson.
Hinabol ko si Tazuke. "Tazuke!" Tawag ko dito habang nakasilip ako sa pinto ng pad nya. Buti naabutan ko pa sya sa hallway.
"Bili mo kong napkin." Halos pabulong kong sabi.
"Ano?" Natatawang tanong nito.
"Napkin." Ulit ko. Kung pwedi lang akong lumubog dito baka lumubog na ako sa kahihiyan.
"Ano? Pakilakasan!" Nakatayo lang ito at sobrang ngiti.
"Napkin!" Malakas na sabi ko at tumawa ito ng napakalakas. "Bwisit ka! Bahala ka sa buhay mo!" At sinara ko ng malakas yung pinto.
BINABASA MO ANG
BLACK PHOENIX
ActionShe loves adventures, martial arts, and sports. Try her skills at mapapahanga ka sa galing. Cyrine Cho Nicole wanted to have a normal life. She hates attention but being the only heiress of Tuazon Clan, the richest clan in Japan mahirap ang gusto n...