Trixie's POV
Napatayo ako sa nakita. Hindi ako agad makakilos. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang expression ni Kuya Tazuke. Galit na galit ito.
Inakap sya ni Cyrine.
"Turn the spot lights off!" Utos ni Tricia.q
"Is this all part of your plan Trixie?" Ani Thalia.
"No." Mariing tangi ko.
Namatay na ang spotlight. Nagdilim sandali ang paligid at napalitan ng dim light.
Wala na si Kuya Tazuke sa stage. Nanlulumong Cyrine ang nakita ko. Halos nakasalampak na ito sa sahig.
Nagmamadali akong lumapit sa kanya upang alamin kung okay lang ba sya at kung nasaan si Kuya.
Inakap nya ako at umiyak sa mga balikat ko. "I'm sorry. I'm really sorry Tazuke." Yan ang mga sinasabi nya. "I was about to tell him the truth when the pictures pop up."
"Stop crying. Ang kailangan nating malaman ngayon ay kung sino at ano ang motibo ng gumawa nito."
Cyrine's POV
"Cyrine."
"Cyruz-chan." Dahan-dahan kong tiningnan ang nagsalita.
"Maiwan ko muna kayo Cyrine." Paalam ni Trixie.
"How did you know where I am?" Takang tanong ko dito.
"Kay Zero. Ang bilin ko sa lalaking yon alagaan ka hindi hayaang paiyakin ka ni Tazuke." Bubulong-bulong na sabi nito habang pinupunasan ng panyo ang mata at pisngi kong nabasa ng luha.
"Huh?" Hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi nya. Inalalayan nya akong tumayo at lumakad. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Mabuti na lang at nahawakan nya ako.
Pakiramdam ko ay pagod na pagud ang katawan ko. Marahil sa init kaninang umaga at sa mga nangyari ngayong gabi.
"Sandali lang onni." Tinatanya ko ang sarili ko.
"Namumutla kana." Binuhat nya ako. Napasandig na lang ako sa dibdib nya.
"Salamat onni for taking care of me."
***
Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa din nagpaparamdam si Tazuke.
Nakailang text at voice messages na din ako pero wala pa din itong sagot.
Nada-direct lang ako sa voice mailbox nya every time na subukan kong tawagan sya.
"Lunch time!" Tawag ni Cyruz-chan
"Wow! Smells good!"
"Syempre. Special para sa special na si Cyrine." Pambobola ni Cyruz-chan
"No rice please." Pigil ko dito ng akmang lalagyan ng kanin ang plato ko.
"Diet?"
"Reduce lang."
"Sobrang lungkot lang?"
"Onni naman. Gusto ko lang sana magfocus dito sa ulam na niluto mo. Amoy pa lang nakakabusog na."
"Sus! Palusot pa. Sige. Kunwari nalang naniniwala ako." Tumawa ito at sumabay na sa pagkain ko.
"Uhm. Onni, about kay Zero. Where is he?" Nasamid ito, tumayo at kumuha ng tubig
"H-He's okay. Doing great." Ani to.
"I wanted to see him. Can I?"
"Of course." He looked at me. "Soon."
BINABASA MO ANG
BLACK PHOENIX
ActionShe loves adventures, martial arts, and sports. Try her skills at mapapahanga ka sa galing. Cyrine Cho Nicole wanted to have a normal life. She hates attention but being the only heiress of Tuazon Clan, the richest clan in Japan mahirap ang gusto n...
