Chapter 29 - Fishy

1.7K 43 0
                                    

Jane Margarette's POV

Pumasok ako sa condo ni Kuya Tazuke. Inilapag ko ang bag ko sa sofa. Napansin kong may nagluluto sa kusina kaya pumunta ako doon.

Naabutan ko syang namimili ng kaldero/kawali kung saan pwedi iluto ang iluluto nya.

Magulo ang kusina. May gulay na nakapatong kung saan saan.

Tinawag ko ito ng malakas. Sa wakas naramdaman din nyang nandito ako.

Iminostra nya sa akin na wag akong maingay at may natutulog.

Napangiti akong isipin na si Ate Cyrine ang tinutukoy nito. Pinuntahan ko ang guest room pero wala don si Ate Cyrine. Dahan-dahan akong sumilip sa kwarto ni Kuya Tazuke.

"Bingo!" Nandito nga ang hinahanap ko. Wala itong suot na salamin. Gusot-gusot ang buhok at nakaakap sa unan. "She's pretty." Naisip ko.

Pumunta ako sa kusina pagkatapos kong magshower. Wala pa din si Ate Cyrine. Malamang sa tulog pa ito. Inabutan ko si Kuya na hindi pa tapos magluto.

Naupo ako at pinanuod sya. Nakangiti sya habang nagluluto. He must be so happy with Ate Cyrine.

Tumatawag si Jasmine. "Good morning. Yes? Uh-oh. Okay papunta na."

"Kuya mauna na ako sa university. Aayusin pa namin yung Gangster Booth." Tiningnan nya ako at ngumiti.

"Salamat Little Princess." Sabi ni Kuya Tazuke.

"I and Ate Trixie starting to like her Kuya. Kung san ka sasaya. Dun kami."

Bumalik na ito sa pagluluto. Nakita ko yung nululuto nya. Tinikman ko. Wala akong masabi kung hindi goodluck na lang kay Ate Cyrine.

Kuya Tazuke is good at all except cooking.

Umalis na ako kaagad at baka ayain pa akong mag breakfast ni Kuya. Mahirap na.

Cyrine's POV

Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina. Sakto namang namdon din si Tazuke.

Kumuha ako ng loaf bread.

"Hindi iyan ang breakfast mo." Nakangiting sabi nya. Kinuha nito yung bread. "Ito breakfast mo." Inilapit nya sa akin ang pagkain.

Isa-isa kong inalis yung mga takip. May kamatis sa isang bowl, katabi nito ang toyo, patis, asin, kalamansi, bagoong at ketchup.

Nanunuod lang sya sa ginagawa ko. Para bang excited sya sa mga magiging reaksyon ko.

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong sawsawan." Paliwanag nito.

Wala naman akong sinabi pero nagpapaliwanag na sya agad. Hindi ko mapigilang kiligin.

Binuksan ko na yung susunod. Plain at fried rice.

"I'm sorry. I dunno what you prefer." May lungkot na sabi nito.

"Its okay Hon. The fact that you cooked it makes me favorite them."

Nilapit nya sakin yung huling plato na may takip.

Napangiti ako ng sobra. Pritong isda pala yung ulam. Deep fried. Favorite ko talaga yun.

"Ito na lang kainin mo." Bigla na lang nya kinuha yung platong may laman na piniritong isda. Ipinalit nya yung American style breakfast. Two fried eggs, sliced bacon, sliced bread, pancakes with syrup, and cornflakes.

"Hon..." Hinawakan ko ang kamay nya. "Ang cute mo!" Kinikilig ako ng i pinch ko ang pisngi nya. Nag blush sya. "Ayoko nito." Nilapit ko sa kanya yung American breakfast. "Ang gusto ko itong luto mo." Kinuha ko yung vacant plate at nagsimula na kumain.

BLACK PHOENIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon