Jenacia's POV
Gaaaaahhhh! Nakakatamad naman! Mag nu-Nutrition day na sa isang linggo kaya naman nag paplano na ang mga kaklase ko kung anong klaseng booth ang gagawin namin sa classroom namin.
"Paano kaya kung baby booth nalang?"
"Psh. Ang baduy naman"
"Eh kung shake booth nalang?"
"Sige sige yun nalang"
"Paano naman kung may kaparehas na tayo?"
"Bahala na."
Ang iingay nila! Bwisit! Sabay sabay silang sumasatsat nakakainis!
"TUMAHIMIK NGA KAYO!!!" sigaw ko. Kanina ko pa gustong sumigaw eh.
Tumahimik naman sila.
Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Ang pag dodrawing. Trip ko lang.
Takot pala sila sa akin *smirk*
"Hoy sino yung sumigaw?" Sabi ni JM na kakapasok lang ng classroom.
"Siya!" Sabi naman ng mga kaklase ko sabay turo sa akin
"Nako Miss Ramos, kaaga aga bwisit na bwisit ka na. Pangit ka na nga papangit ka pa lalo" sabi niya na ikinatawa naman ng mga kaklase ko. Sinamaan ko naman silang lahat ng tingin kaya tumahimik sila.
"Bwisit" sabi ko nalang at lumabas ng room.
Mag cu cutting muna ako. Mabait ako eh.
Pumunta nalang ako ng garden at umupo sa taas ng isang puno.
Nagdrawing nalang ulit ako dala ko naman yung notebook na pinag do drawingan ko eh
"Saan ko kaya mahahanap yung brutal na babaeng yun?"
Psh. Si JM pala.
"Aish! Saan kaya sumuot yung Jenacia na yun?"
Ah brutal pala ha!?
*pok*
"Aray naman! Sinong bato sa akin?! Di ako natatakot sayo!"
Binato ko kasi ng maliit na bunga ng mangga pero malakas yung pag kakabato ko kaya masakit yun. Haha buti nga >:P
"Awwwoooo~~~" pananakot ko sa kanya.
"Mu-multo!!!" Sigaw niya tapos biglang nag tatatakbo.
Psh. Scared-y cat
Tumawa ako ng tumawa dahil matatakutin pala siya kaya lang Mali pala ako dapat pala di nalang ako tumawa T.T
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?