Jenacia's POV.
Hindi namin sinunod ni Mathew yung sinabi ni ma'am kanina na 'take a nap' kasi kasalukuyan kaming nag kekwentuhan tungkol sa mga sarili namin.
"Favorite color?"
"Black." sagot niya.
Parang mga mag elementary kami dahil parang nagsasagot lang kami sa isang slam book.
I know him more now, I guess? But I don't know kung lahat ng kailangan kong malaman ay nalaman ko na.
Nakatitig pa rin kami ngayon sa taas at nilalaro niya ang mga daliri ko.
Bakit parang may gumagalaw sa tiyan ko? Gutom na siguro yung mga worms haha XD.
Sandaling tumahimik ang lugar. Siguro nga wala ng gising natulog nga talaga siguro ang lahat.
Di ko na rin naman kailangang matulog dahil kanina pa ako natulog habang papunta dito.
Pati pala yung katabi ko tulog na rin. Napagod siguro siya sa biyahe kanina.
Dumapa ako para pag masdan ng mabuti ang mukha niya.
Ang gwapo niya pala talaga. Sobrang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong, ang pupula ng mga labi, ang haba ng pilik mata. Napaka perpekto ng mukha niya.
Hahaplusin ko na sana ang pisngi niya kaso napatigil ako dahil..........
Magkahawak pala yung mga kamay namin >///////<
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya itong hinigpitan. Parang love, kahit anong alis mo sa puso mo, babalik at babalik pa rin sayo. Charr~~~
Nahawa na ako kay bes ng kakahugot -_-
So I guess I'm stuck here in this position. Sheyt. Mga bes ang init na ng pisngi ko waaahhhh!
Nagulat ako nang biglang may maingay na tunog na galing sa labas at biglang may sumigaw.
"Okay guys, wake up now or stop whatever you're doing right now and come out of your tents." Tapos na pala yung 'pahinga' namin.
"Mathew wake up." Sabi ko habang tinatapik ang mukha niya gamit ang kaliwa kong kamay.
"Hmmm..."
"Hey, wake up." Bigla siyang tumayo kaya naman.
Napahalik siya sa akin.
Pero sa pisngi lang naman.
Oh-oh. Awkward.
"Ahhmm. I'm so sorry. Our teacher said that we should get out of our tents now." Nakita kong namumula ang mga tenga at pisngi ni Mathew.
"And can you please let go of m-my h-hand?" Sabi ko kaya bigla naman niyang tiningnan ang kamay naming magkahawak at binitawan iyon. Gusto ko sanang tumawa dahil dumoble ang pagkapula ng mukha niya haha.
"Sige, mauna na ako." Sabi niya sa akin tsaka dali daling tumayo at lumabas ng tent.
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?