Jenacia's POV
Weeks have passed since the day that I bumped into Mathew. Or more like he dragged me, I guess? I keep on avoiding him since then dahil, duhhhh! Sino ba naman ang taong 'di maiiwasang 'di mag-isip kapag may taong nagkagusto sa'yo 'di ba? I really got this unusual feeling! And of course I can't stop to be a paranoid if he really likes me, or he is just pranking me or arrrghhhh!!! I can't take this anymore!
"Yaaaaahhhh!!! Aish!"
"Hey Miss. Ramos! How dare you scream in the middle of my discussion! Where's your manners, ah?!" Aish! I totally forgot that I'm in the middle of my class. Yah! Darn it!
"Sorry ma'am. I just ah..."
"If you have a problem, you're excused."
Peste naman. Napalabas tuloy ako nang wala sa oras. Tsk.
"Hoy, okay ka lang? Bakit ka sumigaw?" tanong ng katabi ko. Ito pa ang nakakainis eh! Katabi ko siya, kaya lalo akong naiilang. What did I do in the past to receive this kind of punishment?!
'Di ko nalang pinansin si Mathew at dali dali akong lumabas ng room.
'Eh kung 'di muna kaya ako pumasok?'
Ay 'wag bad pala 'yon. Ano bang gagawin ko sa buhay ko?! This is so frustrating!
Napagdesisyonan ko na sa diamond nalang muna ako. Maganda kasi talaga dito eh. Walang masyadong tao. Oh forget it! May naglalaro pala ng baseball. Kakasimula palang ng klase kaya naman sobrang habang oras pa akong maghihintay for the next subject. Nakakatamad talagang maghintay. Naglibot libot ako dito sa campus pero doon sa sa bandang building namin. 'Di ko namalayan na dumiretso pala ako sa bakanteng room kung saan ako dinala ni Mathew dati. Bakit ba ako pumunta dito? Naaalala ko ulit tuloy 'yong mga sinabi niya noong mga nakaraang linggo. Aish!
Katulad noong unang beses na dinala ako dito ni Mathew, may kung ano siyang pinindot na nasa pader. Ginawa ko 'yon.
Nang mabuksan ang pinto papasok sa secret garden, sumalubong sa akin ang malamig na hangin at ang sinag ng araw. This place never fails to amaze me. I'm still wondering if who's the genius person to build this place. Nakakahanga talaga. Parang nasa ibang lugar ka.
Ngayon nalang ulit ata ako nakapunta dito. Siguro walang ibang nakakaalam tungkol dito. Ang astig lang kasi talaga eh. I can't even imagine na may ganito dito.
I really thought that this is a perfect place to think about things. Medyo malawak rin kasi itong garden. Medyo marami ring mga puno, halaman, pero kakaunti lang ang mga bulaklak. Nagisip muna ako tungkol sa mga sinabi ni Mathew na nagpagulo ng utak ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin! Sa dami naman kasi ng tao, bakit sa akin pa?!
Umupo ako sa ilalim ng isang puno, 'yong puno na kung saan kami kumain nang sabay ni Mathew.
'Totoo 'yon o hindi? Totoo, hindi? Totoo, hindi?'
Nakakasabog ng utak! Sumandal nalang ako dito sa malaking puno at dinamdam ang malamig na hangin. 'Di ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
'Saglit lang pala 'yong tulog ko, akala ko bell na.'
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?