Jenacia's POV
Hindi nakayanan ni Ice at Cha ang antok kaya sila ang unang natulog. Mahina kasi talaga sa puyatan 'yang si Cha. Kami lang talaga ni Pia ang malakas pagdating sa ganitong usapan. Kaya nga namin ng isang araw na walang tulog. Naging mukhang zombie nga lang kaming dalawa dahil natulog pa kami nun tapos naudlot pa at maaga kami nagising. (Chapter 18)
Sa sahig sila natulog pero pinalipat ko rin naman agad sila sa guest room. Tatlo kasi 'yong guest room dito. Nasa second floor lang din kaya madaling puntahan.
Nakatulog na dito sa kwarto ko si Cha kaya binuhat siya ni Ice papunta sa isang guest room at siya naman ay pumunta sa kabila. Maghihiwalay daw silang matulog sa mga babae. Hindi daw kasi maganda tingnan kahit na okay lang daw sa mga magulang ng kambal. Eh ako nga, natulog sa tabi ni Mathew ng ilang beses at hindi pa alam 'yon ng magulang ko. Wala naman kaming ginawang masama kaya okay lang.
Kaming apat nalang ngayon sa kwarto. Matira, matibay.
"Anong gusto niyong sunod na panoorin?"
"Kahit ano lang. Hindi pa talaga ako inaantok eh." sabat naman ni Pia na ngayon ay nakadapa sa kama ko. Katabi ko siya pero nakaupo ako. 'Yong dalawang lalaki naman ay nasa lapag, nakadapa.
Napansin kong parang humahagikhik si Marco dahil sa paggalaw ng mga balikat niya kaya lumapit ako sa kinalalagyan niya. Kasi konting abante ko lang nasa harapan ko na siya pero hindi literal na unahan. Nandito kasi ako sa kama at doon siya sa sahig.
Pagkalapit ko, nakita kong may binabasa siya sa cellphone. Baka naman Wattpad? HAHA XD.
Kinalabit ko siya sa balikat ng sobrang bilis kaya napalingon siya. Nagkunwari akong wala akong alam at tinuro ko si Pia.
"Bakit?" tanong niya kay Pia.
"Ha?" nagugulantang na tanong niya
"Bakit mo kamo ako kinalabit?" tiningnan naman siya ni Pia na para bang nagsalita ito ng alien language. Bahala nga kayo sa buhay niyo! Tinatamad na talaga akong manood! Ano na ang gagawin ko?
Naisipan kong buksan ang Messenger ko, magchachat nalang ako. Teka, sino naman ang mga gising sa oras na 'to?
Ah si Mathew nalang buburautin ko.
Mathew James Garcia
Jenacia: Oy fafa Mathew.
Jenacia: Hoy beybi! Notis m3h n4m4nzxc.
Jenacia: Snow bear ka masyado! Qiqil m0h $! 4quh!
Napatawa nalang ako sa kalokohan ko. Hays, ganito pala kapag walang magawa sa buhay. Pinagtitripan nalang ang iba.
Mathew: What the hell, Jenacia! Kailan ka pa naging jejemon? HAHA.
Jenacia: Tinetesting k0h l4nG poezxc HAHAHA.
Sabay naman kaming tumingin ni Mathew sa isa't isa at tumawa. At in 3..2..1..
"Alam niyo para kayong tanga! Magtabi nga kayo dito! Istorbo masyado, nanonood ako eh!" sabi ko na nga ba at may masasabi na naman 'yang si Pia na yan. If I know gusto lang tabihan si Marco. MGA PARAAN BES!
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?