MSS 29 - Avoiding him (pt. 2)

246 14 3
                                    

Mathew's POV.

Hinintay kong lumabas si Marco at si Ice.

'Mukha namang wala rin silang alam doon eh. Pero wala namang masama kung itatanong ko sila.'

Nakita ko si Marco na abot hanggang tenga ang ngiti na naglalakad papuntang gate ng university.

"Tol, kailangan ko ng tulong mo." Sabi ko kaagad sa kanya.

"Anong maililingkod ko sa iyo?" Sabi niya na para bang isang alipin.

"Eh kasi may nangyari kanina tapo----"

"NAKABUNTIS KA?!"

"LULHindi yun 'yon! May nangyaring Nakakahiya kanina! Atsaka kung may mangyayari man sana kanina sa akin at sa isang babae, buntis ba agad 'yon? Agad agad?!"

"Eh ano ba kasi 'yon?"

"Kasi may ginawa ako kay Elyannah kani---"

"ANO?! NANGRAPE KA?! ANONG GINAWA MO----ARAY!!!" Binatukan ko nga. Ang OA eh.

"Hindi! Aksidente ko siyang nahalikan eh. Hindi ko kasi napigilan eh. Ikaw kaya magkaroon ng kaharap na magandang babaae tapos ang pula pa ng labi niya! Hindi naman sa manyak ako pero kasi--- Aish!"

"Ganito ha? Kapag may sinabi akong bagay, sagutin mo kung like o hate, gets?"

"'Di naman nakakatulong yan eh! Kailangan ko ng paraan para mag maayos kami!"

"Basta! Pagkatapos neto, tutulungan kita." Sabi niya tapos kindat sa akin.

'Parang ang hyper niya yata ngayon?'

"Okay let's start, Black?"

My Super Seatmate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon