MSS 38 - The Confession

325 12 5
                                    

Jenacia's POV

Friday na ngayon, at sa loob ng dalawang araw na lumipas ay walang ibang ginawa si Mathew kun'di landiin ako. Bukod doon, minsan nagiging malamig siya pagkatapos niya akong lambingin. Ewan ko ba kung may mental disorder 'yan o ano. Nakakainis na laging ganun ang ugali niya bawat oras. Sabi pa nga ni Cha pabayaan ko na daw dahil baka may problema sa buhay.

And speaking of Chanalane, masayang-masaya ang loka dahil kay Ice. Kulang nalang masuka kami ni Pia at Honey sa sobrang kasweetan nila. Ang mas malala ay nasa harapan pa talaga namin sila naglalandian. Ugh. Kinikilabutan na nga si Pia. Palibhasa wala siyang lovelife.

'Nagsalita ang meron.' Pangongontra naman ng utak ko sa akin. E'di wala! Psh. Whatevs!

Mabuti nalang at hindi ganun kaintimate ang pagiging sweet ni Cha at Ice to the point na mukha silang nagP-PDA. I've already known Ice and Chanalane and I believe that they can't do such a thing. Alam kong napakabungangera niyang Chanalane na 'yan pero matino 'yan. Slight nga lang kaso.

Mabuti nalang rin at hindi nagsasawa ang mga students sa set-up na 'to kahit pa sabihin nating hanggang one week lang ang itatagal.

Nandito ako ngayon sa roof top ng building namin. Pinagmamasdan ang nga estudyanteng nag-aaliw sa baba. May problema rin kaya ang mga 'yan? May iniisip din ba sila katulad 'nong sa akin? Ako lang ba?

Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga naisip. 'Di ko lubos akalain na magiging ganito kakumplikado ang simpleng pagkahulog ko kay Mathew. Akala ko masaya dahil magkakaroon ako ng inpirasyon pero hindi eh. Hindi inspirasyon ang binigay sa akin kun'di sakit ng ulo.

Inaasahan ko na may darating dito sa roof top katulad ng mga nangyayari pero wala. Okay na rin naman na siguro 'yon para mabigyan ako ng kapayapaan.

Kahit dalawang araw na ang lumipas simula nu'ng sinabi sa akin ni Kian na I need to confess to him but until now, I still don't have the guts to do that. Para ngang katulad lang rin 'yon sa pagtulay na puno ng tubig ang baba. 'Di mo alam kung makakasakit o makakaligtas ka pagkatapos mong tumalon. I hate him for giving me a motive to love him more. I hate him for making me feel that he can be mine. I hate him because I love him.

'This is more complicated than I thought.'

Napakatagal na tanong na 'yan sa isip ko. Napakagulo. Kahit pa paulit-ulit kong isipin, araw-araw, oras-oras wala pa rin talaga akong maisip na dahilan kung bakit niya ginagawa 'to.

'Bakit ba siya nagbibigay motibo kung wala naman siyang balak mahalin ako? Totoo ba talaga lahat ng pinapakita niya?' Mga tanong sa aking isipan na tanging si Mathew lang ang makakasagot. Dapat ko na ba siyang tanungin?

Pia's POV

Hindi ko na rin alam kung dapat ko bang sabihin kay Jen 'to. Alam kong mas lalo lang gugulo ang isip niya kapag ginatungan ko pa.

Napabuntong hininga nalang ako sa naalala ko. Napaupo ako sa isang bench na nandidito sa park sa isang subdivision. Hindi ko din alam kung paano ako napapunta dito at kung paano ako nakapasok nang hindi sinisita ng gwardiya.

Ang dami pa rin palang gumugulo sa isip ko. Tila misteryo na hindi ko malutas-lutas. Mas lalo pang nagulo ang isip ko dahil sa nakita ko kanina. Alam kong masaya na siya ngayon pero hindi ko alam kung anong nararamdaman niya---'yong totoong nararamdaman niya. Kung hindi ko lang sana nakita 'yon, e'di sana 'di lalo gumulo isip ko.

My Super Seatmate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon