Jenacia's POV
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kaba. Dahil sa ginawa niya. Takot. Dahil baka iba na talaga 'to. At saya. Sa hindi ko malamang dahilan.
Hanggang ngayon ay nakamulat pa rin ang aking mga mata kahit nananatili pa rin ang kanyang mga labi sa labi ko.
Nang tuluyan na siyang lumayo doon lang ako natauhan at bumalik sa katinuan.
"Bakit m-mo 'y-yon... g-ginawa?" 'Di makapaniwala kong tanong.
"'P-Pasensya ka na. P-Pero hindi ko din alam." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sagot niyang 'yon.
'Anong hindi niya alam?'
"Mabuti pa Mathew, wag ka na munang lalapit sa akin hanggang hindi mo makuha ang sagot sa tanong ko. At ganun din ang gagawin ko. I'll try to avoid you from now on. Oh wait, I'm not gonna try, I'll avoid you from now on."
____________________________________Mathew's POV.
Pagkasabing pagkasabi 'non ni Elyannah ay tuluyan na siyang tumayo at naglakad, papalayo sa akin.
Inis kong pinagsususuntok ang puno na sinasandalan namin kanina. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ginawa ko 'yon. At mas lalong hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa mga sinabi niya.
'Shit. Ano bang nangyayari sa akin?!'
Ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hihingi ba ng tawad? Magpapaliwanag? Ano namang ipapaliwanag ko kung ako mismo hindi alam ang sagot sa sarili kong katanungan. Tsk!
Sa gitna ng aking pagiisip, naalala ko na may pasok pa pala ako. Pero napagdesisyunan ko na hindi nalang pumasok sa klase dahil wala rin naman akong maiintindihan dahil 'yong problema lang namin ni Elyannah ang iisipin ko buong hapon. Nanatili ako dito sa parke at nag isip ng mabuti.
Kailangan ko na yata ng tulong ng dalawang ugok.
____________________________________
Pia's POV.
Hmmm. Bakit kaya absent 'yong dalawang 'yon?
"Pssstt... Sisteret! Bakit kaya absent 'yong dalawa?"
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?