BABALA: PATNUBAY NG MAGULANG ANG KAILANGAN SA CHAPTER NA 'TO.
_____________________________
Jenacia's POV
Nakabalik ako sa school nang maaga. Pumasok muna ako ng room para ilagay ang bag ko at lumabas ulit para pumunta sa diamond. Wala naman sigurong maglalaro doon ng ganitong oras. Ang init kaya.
Pumunta ako sa isang silong ng puno. Mainam at mahangin dito, kung hindi ay baka nahimatay ako o naheat stroke. Sumandal ako sa puno katulad ng lagi kong ginagawa.
Because of the brightness of the sun, I'm not able to recognize the owner of the silhouette that I see, not so far away. Lumapit pa nang lumapit ang pigura ng tao papunta sa direksyon ko.
Hinanda ko ang sarili ko dahil baka kung sino ang taong yan. Nang mas lumapit pa ang tao ay napatayo ako.
"Aalis ka na ba?" 'yan na naman 'yong ngiti niya kapag kaharap niya ako.
"Ah, hindi. Nagpagpag lang ako ng palda. Ang dumi na rin kasi eh." umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina at tumabi naman siya sa akin. Napapadalas na talaga ang pagsisinungaling ko dahil sa lalaking ito. Kung sabagay 'di naman niya kasalanan 'yon.
"Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap ah? Akala namin kung anong nangyari sa'yo. 'Di ka kasi sa amin sumabay kumain." sabi niya at lumingon sa akin.
Tiningnan ko lang siya at ngumiti ng konti.
Napakalaki pala ng puno na 'to. Siguro kung may tao sa taas namin, hindi namin siya makikita o mapapansin. Napakarami kasing sanga at dahon ang punong ito kaya malilom at magandang pagtambayan.
Hindi ko inaasahan na hihiga siya sa hita ko. Tumingin-tingin pa ako sa paligid kung may tao ba. Wala naman kasi talagang tao dito. Tsaka lang magkakatao kapag may naglalaro ng baseball or soccer. Mainam naman at wala ngayong naglalaro. Sino ba naman kasing tanga ang magbababad sa initan.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at nilagay niya banda sa may dibdib niya at nilagay ko naman ang isang kamay ko sa noo niya banda. Sinusuklay ko lang ang buhok niya gamit ang daliri ko. Tss. Parang teleserye lang eh 'no? Alam kong napakacliche pero natutuwa pa rin ako sa posisyon namin. Feeling ko kasi kami na. Nakakaiyamot nga lang dahil wala yata siyang balak manligaw.
Napatawa ako ng mahina nang marinig kong humihilik siya ng mahina. Humihilik pala 'to? O baka naman sobrang pagod lang niya kaya siya gumaganun. Kung tulog naman siya, bakit 'di ko nalang samantalahin ang pagkakataon? Mabilis lang naman eh. d--,b
Inilapit ko ang aking mukha at sinimulang halikan siya sa labi. Ilalayo ko na sana ngunit bigla niyang ibinuka ang labi niya at nagsimula itong gumalaw. Hindi ko alam kung anong irereact ko ngayon. We're sharing a sweet, and slow passionate kiss. I can't believe that I would do this with him.
The kiss last longer and longer until I can feel that I can't breath normally. Napakatagal at napakalakas ng epekto sa akin ng ginagawa namin. He pinned my back at the tree then his hand is holding my waist while the other is caressing my cheek. Even I can't breath normally, I tried hard not to break this kiss of ours so I snaked my arms around his neck causing to deepen the kiss and to pull him closer to me. I really can't believe this. Ni hindi nga kami pero kaya namin 'tong gawin? Ang mas malala, hindi pa kami! Tamang M.U lang! Kung mutual nga talaga...
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?