Pia's POV
Nalaman ko na naconfine si Jen sa ospital dahil sa sobrang stress niya. Jusko. Ang hilig rin kasi nitong magpuyat eh. Mana sa akin. Tsk tsk. Alagang alaga si eye bags.
Friday palang ngayon at si Kian ang nagsabi sa akin na naconfine si Jen. Ewan ko lang kung nasabi na rin niya kay Chanalane 'yon. Ngayong hapon lang ako nakapunta kasi may pasok 'di ba? Kahit naman nagce-care ako kay Jen, kailangan ko pa ring pumasok. Isa pa, sabi rin naman ni Kian na maayos lang ang kalagayan ni Jen kaya nakampante na rin ako.
Nako, sigurado kapag nalaman 'to ni Chana, maghehysterical 'yon.
Nandito lang ako sa labas ng kwarto ni Jen dahil kausap pa daw ni Ate Airaleen si Jen. Sabi nga ng doctor kanina pa naman daw umaga nag-usap 'yon kaya nagtaka siya. Katukin ko nalang daw para makapasok na ako.
Pagkakatok ko, may nagbukas sa akin ng pinto at si Ate Airaleen 'yon.
"Oh Pia, mabuti nakadalaw ka? Pasok ka dali! Naaalibadbaran na kasi dito si Jen eh. Atsaka isa pa, nasasawa na sa pagmumukha ko 'yon kasi ako lang kausap niya kaninang umaga." Ang daldal talaga nito ni Ate. I'm sure she will be friend with my twin sister because they are both loud and noisy.
"Ah ok po."
"Ano ka ba naman, Pia! You're making me old! Ilang taon lang naman agwat mo sa akin 'no!" Pagnagsama talaga 'to si Ate Aira at Chanalane, magkakaroon ng machine gun dito. Ratatat ng ratatat eh.
"Sige na ha! Alis na muna ako! May date kami ni Boyfriend eh hihi. Jen, tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka ha? Dyan lang naman kami sa kalapit na mall. 'Wag ka mag-alala, nagpaalam na ako kay mommy at daddy mo."
Umalis na si Ate Airaleen at saglit na namayani ang katahimikan sa kwarto pero nawala din agad 'yon nang umupo ako sa upuan na nasa tapat ng kama niya.
"Alam na ba 'to ng mommy at daddy mo?" tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Hindi ko na pinaalam pa, alam ko naman na busy sila and I understand that a long time ago." sabi niya na hindi nahihimigan ng pagkadismaya.
Kahit naman ako naiintindihan ang kalagayan nila mommy kaya ayon.
"Sabagay, kailan ka pa dito?" tanong ko ulit.
"Nu'ng Wednesday pa ng hapon. PE natin nu'n pero----"
"I'll guess, something happened between you and JM, 'no?" pagdudugtong ko sa sasabihin niya.
Absent siya nu'ng hapon na 'yon at nakakapagtaka naman 'yon kung trip niya lang. Maybe sometimes trip niyang magcutting class but not that necessary. There's always a valid reason when she's going to ABSENT, and absent is definitely different from cutting classes.
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?