MSS 31 - The Act Begins (pt. 2)

283 13 6
                                    

Guys! Comment comment naman kayo dyan about sa story! You're opinions and predictions. Nakakadown lang kasi talaga kapag walang motivation from the readers or silent readers hahaha. Demanding ba? Sorry HAHAHA XD. Continue reading thanks!

Follow me in Twitter guys! TalyaLigaya po! Thanks again.

________________________________________________________________________________


Elyannah's POV 


"Sige po ate! Thank you for your time! Sa susunod ate, ikaw naman magkwento sa akin, ha?"  sabi ko kay ate Airaleen habang ako ay nakasilip sa pintuan at siya naman ay nasa labas na.

"Oo sige. Magpahinga ka muna diyan o maglibang. Babalik ako dito mamaya para sa meryenda mo, okay?" 

"Sige ate." sabi niya at umalis na siya at ako naman ay sinaraduhan ang pinto ng aking kwarto.

Nakakagaan talaga ng loob kapag may napapagsabihan ka ng mga saloobin mo. 

Tumalon ako pahiga sa kama ko at kinuha ang laptop ko. Mag fe-facebook lang naman ako. Wala talagang magawa. Okay lang rin naman na magabsent ako dahil na aadvanced reading naman ako. Kinuha ko ang cellphone ko at sakto namang tumunog 'yon. May nagtext pala.

5 new received messages

****

From: Bestie Cha <3

Oy bes, 'wag ka magpakamatay dyan ha? Ano na? Okay ka na ba?

****

From: Yelo Yelo Baby

Bakit absent si Chanalane?! Whyyyyyy?! (iyak iyak emoticon)

****

From: Ex ni Pia </3

Bakit daw absent kayo?

****

From: Kambal ni bes

HOYYY! AABSENT PALA KAYO! WHY YOU DIDN'T INFORM INFORM ME HA?!

****

From: Mathew Pogi

Elyannah, bakit absent ka? Okay ka lang ba? Pupuntahan kita dyan sa inyo ha?

****

Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga ko nang mabasa ko ang message sa akin ni Mathew. 

'Ano na ang gagawin ko? Kahit kailan talaga sakit sa ulo 'yang Mathew na 'yan eh!' 

Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko sa harap niya. Sabihin na natin na hindi niya alam na may gusto ako sa kanya pero kasi alam ko sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Siyempre naaawkward pa rin ako. 

Pabalikbalik nalang ako sa magkabilaang gilid ng kwarto ko. 'Di ko na talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko!

"Ate Airaleen!!!" ito nalang ang gagawin ko. White lies can save you, right?

My Super Seatmate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon