Chanalane's POV
Napapatawa nalang kami ni Honey sa ginawa namin kay Jenacia. HAHAHA maloko ka eh, ginantihan ka tuloy namin bleeh! Parang estatwa doon si bestie nung lumapit sa kanya si JM. Priceless pala ha?
Dirediretso kami ng lakad ni Honey papunta sa room, iiwanan nalang muna namin ang gamit namin dito. Mabigat pa naman ang dala kong bag ngayon, kaninang umaga ko lang naman kasi nalaman na may kaekekan palang magaganap sa school na 'to. 'Di ko tuloy nalabas 'yong mga libro at notebook dito sa loob ng bag. Tsk.
Tama na muna ang pagiging beastmode. Kailangan masaya dahil one week free from any other kachuchuhan ng mga teachers. Walang group activities, projects and assignments. Whoo! Sabi pa nung principal kanina na next week nalang daw namin problemahin ang mga hindi pa tapos na activities na binigay ng mga guro.
"Oo nga pala, Honey. Kanina pa tayo magkasama pero 'di ko pa natatanong sa'yo kung saan si Insan mo." tanong ko habang inaayos ang bag ko sa akin upuan kay Honey na nakaupo sa armchair ni Ms. President.
"Ay 'yon ba? Akala ko ba magkasama kayo pumasok dito?" balik niyang tanong sa akin habang ginagawang rocking chair ang armchair na inuupuan niya. Tinatanong ng maayos tapos ibabalik ang tanong sa akin? Husay.
"Oo, pero 'di ko na siya nakita nung nakasalubong ka namin kanina eh." paglilinaw ko sa kanya. Agad naman akong napatahimik at nagisip kung saan pwedeng pumunta ang baliw na 'yon. Tsk. Nakakastress 'yong lalaking 'yon ha!
"Hayaan mo na 'yon future Insan! Malaki na naman si Ice para alalahanin mo. Dyan lang 'yon sa paligid."
Katulad ng sinabi ni Honey ay hinayaan ko nalang si Ice. Bahala na siya. Makikita ko rin naman 'yon mamaya eh.
_______________________________
Jenacia's POV
Nakakaewan talaga 'yong inasta ni Mathew kanina, it's so not like him. Parang 'di talaga siya si Mathew kanina. Para siyang mysterious guy kanina. 'Yong parang alien ba? 'Di pa rin magsink in sa utak ko 'yong mga sinabi niya. Be ready daw kuno. Jusko, ano na naman ba 'to?! Hindi niya na naman ako papatulugin ng mahimbing eh!
Ngayon ko lang napansin na para pala akong baliw na nakatayo dito mag-isa kaya naman pumunta nalang rin ako sa classroom para ilagay ang mga gamit ko. 'Di na talaga ako maglalagay ng mga libro at notebook sa bag bukas, tanging wallet, cellphone at damit lang dadlhin ko.
Nadatnan ko si Cha na nakapanumbaba at nakakunot ang noo, kokonti lang din ang mga tao dito sa room. Nasa labas siguro sila at nagsasaya na sa mga booths na naitayo na. Masyado naman silang excited. Hanggang Friday pa naman 'yan ah?
Sabagay kailangan lubos-lubusin kasi mawawala din. Jusko!
"Oy YELO!!!" panggugulat ko kay Cha.
"NASAAN?! NASAAN?!" luh siya.
"Anong ineemote emote mo dyan? Tara na lubos-lubusin na natin 'yong mga booths." Hihilahin ko na sana siya kaso hinarang niya kaagad ang kanyang kamay sa harapan niya.
"Hindeeee pwede! Wala pa si Ice maylabs ko! Kanina lang kasama ko 'yon eh!" whatda?!
"GRABE KA BES! 'Di mo na ako mahal! Ipinagpalit mo na ako sa boyplend mo!" tapos umakto ako na parang nasasaktan sabay hawak pa sa dibdib.
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?