MSS 14- The Pageant

286 18 0
                                    

Ispired ako habang ginagawa ko tong chapter na to guys hahaha. Trip ko lang maging inspired XD

Continue reading na hahaha.😂😂😂

_________________________________________

Pia's POV

Ngayon na ang nutrition day namin. Nakakainis nga eh! Nakakatamad kaya. -__- no choice eh tsk tsk. Kailangan umattend.

Ngayon ay may mga booths din. Karamihan ay Fruit Shake booth.

Naglilibot libot ako kasama si kambal. Wala si Jen dahil inaayusan pa siya para sa pageant nila mamaya. Mamayang gabi pa naman yun at hapon palang ngayon.

"Hoy Nene bili tayong shake dali! Limang piso lang eh" sabi ko kay Cha

"Basta libre mo" mukha talaga siyang libre (-__- )7

Papunta na kami sa Fruit Shake booth ng mga Grade 8 nang bigla naming makasalubong si Marco at Ice. Di rin nila kasama si JM dahil inaayusan rin siguro.

"Yow Ice and Marco." Cool na sabi ni Cha.

"Yow Cha and Pia" sabay na sabi nila pero di sumabay si Marco nung sasabihin na yung pangalan ko.

"Ahmm. Hi Ice" sagot ko. Siya lang naman yung bumati sa akin eh.

Pagkatapos noon ay nilagpasan na nila kami.

"Uy sisteret! May napapansin ako! Parang ang cold ng treatment niyo ni Marco sa isa't isa" napansin niya pala talaga

"Ang totoo kasi niyan..." At kwinento ko sa kanya LAHAT LAHAT.

"What the?! Kaya naman pala eh! Pero bakit di ko alam yun?! Nakakatampo ha :3" sabi niya sabay hampas sa akin.

"Sasabihin ko naman talaga sayo kaso napatagal lang"

"Alam ba to ni Jen?"

"Oo. Narinig niya kasi yung pag uusap namin ni Marco doon sa bakanteng classroom. Siyempre, kaibigan ko siya kaya may karapatan rin siyang malaman diba?"

"Yass. Tama naman. Sana naman Pia sinabi mo para natulungan ka namin dati para mag work yung 'long distance relationship' niyo ni Marco"

My Super Seatmate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon