Chanalane's POV
'Ano na naman ba 'to?!'
Lagi nalang may naninira kay Jen! Nakakainis na!
Naglakad kami papunta sa cafeteria dahil doon ang hayop na nag kalat ng kasinungalingang issue na 'yan!
''Hoy! Babaeng malandi! Ano na namang ginagawa mo ha?!'' Umalingawngaw ang boses ko doon at nakuha ko kaagad ang atensyon ng mga estudyanteng kumakain.
"Oh! Here's the slut!" Kunyari pang nagugulat si Janella at tinakpan pa ang bibig niya na animoy nagulat talaga.
''Don't you dare call my best friend a slut! Oh please, look at yourself! It's like you're giving yourself a nickname!" Sarkastiko kong sigaw sa kanya.
Natigilan naman siya doon at umugong ang malakas ma bulungan.
'Oo nga, bakit ba naniniwala kayo diyan kay Janella? Naaalala niyo ba 'nong Ms. Nutrition ay panay ang sigaw niya kay ate Jen na pangit? Insecure lang talaga siya!'
'Yeah, I agree. Nagagalit lang si Janella dahil may gusto si Kuya Mathew kay ate Jen.'
Biglang nagliwanag ang mukha ko nang makitang may mga hindi naniniwala sa pinagkakakalat ni Janella.
''Bes, ano ba kasi 'yon?" Mahinang tanong sa akin ni Jen na walang ka alam alam sa nangyayari.
Hindi ko siya sinagot at tiningnan ng malalim si Janella na 'di makatingin ng ayos sa akin dahil na rin siguro sa mga narinig niyang hindi pag papaniwala sa kanya ng iba.
"Pero may ebidensya ako!" Muling natigilan ang mga estudyanteng naroon sa sigaw ni Janella.
Mabilis humablot ni Janella ang isang brown envelope at walang atubiling binuksan 'yon.
"Tingnan niyo! Ngayon sabihin niyo sa aking hindi malandi 'yan!"
Naramdaman kong na tigilan si Jenacia sa kung anong iniisip dahil sa nakitang mga pictures nila ni JM na magkayakap. Batid kong kuha ito 'nong nawala sila sa gubat.
"Dinala ni Jen si JM sa kubong 'yan at nilandi!"
BINABASA MO ANG
My Super Seatmate (On-going)
Teen FictionJenacia Elyannah Mae Ramos. Mabait but bitchy. Mayaman. Maganda. Matalino. Yan ang mga salitang ma ididescribe sa isang tulad niya. Paano kung ang tahinmik niyang buhay ay magulo nang makilala niya ang isang di kanais nais na tao sa buhay niya?