MSS 39 - When It Rains

199 7 1
                                    

Chanalane's POV

Nagba-volleyball lang ako dito nang marinig ko ang malakas na sigaw ni bestie. Pagkalingon ko sa kanya, parang hindi siya si Jenacia. Halatang nagdidilim ang kanyang nga mata at sobrang pula ng mukha niya dahil sa galit.

Nako. Simula pa naman nu'ng naging kami ni Ice, medyo hindi ko na nasasamahan si sisteret, bestie at si Honey.

"Mia, alam mo ba kung saan pupunta si Jenacia? Hiniram niya kasi 'yong susi ng kotse ko eh." Pagtatanong sa akin ni Ice nang makalapit siya sa akin.

"Hindi ko din alam eh, nagulat na nga lang ako nang bigla siya sumigaw. I've never seen her like this before." nag-aalalang sambit ko.

Jen, what is happening to you?

Jenacias's POV

Ang dami dami kong lugar na napuntahan pero sa bahay lang din ang bagsak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pagkasarado ko ng pinto ko ay tsaka ko lang naramdaman lahat ng sakit dahil sa sinabi niya. Napaupo nalang ako at niyakap ang tuhod ko habang umaagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit? Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin na gusto niya lang ako? Bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na wala akong karapatan? He even compared me to other girls. After all this years I should have known na ganon pala ang ugali niya e'di sana napigilan ko pa ang letseng damdamin ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagtungo sa C.R. I look at myself at the mirror and there, I saw a mess. Naghilamos ako para naman mahimasmasan at magmukha akong tao. After that I stared at my reflection.

'Do I really deserve this? Do I deserve this kind of treatment from him? He made me believe that he's true. But I should've been aware of that.'

Napabuntong hininga nalang ako nang magsimulang tumulo ulit ang mga luha ko. Dahil sa sobrang inis ko ay nasuntok ko tuloy ang salamin kung saan kanina lang ay pinagmamasdan ko ang repleksyon ko. Hindi ako nakaramdam na kahit na anong sakit mula sa mga bubog na nakabaon sa kamay ko. Siguro namanhid na sa lakas ng pagkakasuntok ko. Sana pati ang puso ko mamanhid nalang rin dahil sa sobrang lakad, dahil sa sobrang lakas ng epekto sa mga sinabi niya sa akin. Sana wala na akong maramdaman.

Huhugasan ko na sana ang kamay ko na binabalutan na ngayon ng pulang likido nang bigla namang nangitim ang paningin ko.

***

Nagising ako sa isang kwarto na puro puti. Tsk. Bakit nasa ospital ako? Napakurap ako ng ilang beses para makapag-adjust ang mata ko sa liwanag ng ilaw.

Babangon na sana ako gamit ang kamay ko nang bigla itong kumirot kasabay ng pagkirot ng ulo ko.

"Agh..." daing ko at napahawak ako sa ulo kong parang binibiyak.

Napansin ko na may benda ang kanan kong kamay at naalala ko ang ginawa ko kanina sa C.R. sa kwarto ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at nakita ko si Ate Airaleen na nakasandal sa sofa at halatang natutulog na. Napatingin naman ako sa labas at napagtanto ko na gabi na dahil madilim sa labas. Napatingin naman ako sa wall clock at tiningnan ang oras. Mali pala ako, hindi pala gabi, madaling araw na pala.

My Super Seatmate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon