My Love

2.3K 3 2
                                    

 Twitter: nikkillin :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Halos 2 taon na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon, siya pa din. Ang babaeng nagpapatawa sakin, nagpapagaan ng loob tuwing nahihirapan ako, nagbibigay ng lakas tuwing napanghihinaan ako, naging inspirasyon ko, nagdaragdag kulay sa araw araw kong pagpasok sa paaralan at ang laging nandyan para sa akin. Si Paige, ang aking kapitbahay, childhood friend, classmate, seatmate, study buddy, barkada at ang aking first love.

Hindi ko alam kung paano ko itatago ang nararamdaman ko para kay Paige dahil alam kong maaapektuhan neto ang friendship namin. Naalala ko lagi yung sinabi ng guro namin na, 'Piliin mo kung saan kayo mas tatagal.' Alam kong mas tatagal kami sa pagiging magkaibigan kaya un ang pinili ko. Pinili kong manahimik at itago ang nararamdam ko para sa kanya sa loob ng dalawang taon. Sa loob ng dalawang taon na yun, nakikita kong nililigawan ng mga lalaki si Paige. Hindi lang simpleng lalaki pero mga ideal na lalaki. Pero sa lahat ng kanyang manliligaw, wala siyang inintertain kahit isa.

Isang araw noong pauwi kami galing skul, hindi ko mapigilan ang sarili ko na itanong sa kanya, ' Paige, bakit ka nagpapaligaw sa kanila? Ideal man kaya sila lalo na si Raven. Alam kong aalagan ka nya, hindi ka nya paiiyakin. Tska Mabait, matalino, gwapo, maga ----'

'May mahal na kasi ako.  Ang problema, hindi niya ako napapansin. Hehehe' Patawang sagot skin ni Paige. Pero nang sinulyapan ko siya, napansin kong ang lungkot ng kanyang mukha.

Nanlamig ako ng narinig ako. May mahal siyang iba. Wala na, wala na talaga. Isang hamak na kaibigan lang naman ako.

'Oh? Nakakatampo ka naman. Hindi ka man nagkwekwento sakin tungkol sa kanya. ' Pabiro kong sabi sa kanya pero deep inside, gusto kong umiyak. Nalulungkot ako.

'Hahahaha! Tara na, nagugutom na ako.' Iyon lamang ang tanging sagot nya sakin.

Iyon na ang huling beses na pinagusapan namin ang tungkol sa kanyang 'mahal'.

Lumipas ang mga araw at wala namang espesyal na nangyari sa aming dalawa. Ilang araw nalang din at malapit na ang birthday ko.

Hindi ko na masyado nakakasama si Paige dahil lagi nalang si Raven ang kanyang nasa tabi. Tsk tsk. Ang ganda ng pabirthday mo skin Paige. 

Umagang umaga ng aking kaarawan, sa hindi ko inaasahang oras, umamin sakin si Paige.

'May ipagtatapat ako sayo. Pero pangako mo muna sa akin na walang magbabago kahit ano ang mangyari'

Halos hindi ko mawari kung anong gagawin ko. Masyado akong naging masaya dahil sa narinig ko. Eto na un. Ganto ung mga napapanood ko sa mga teleserye na pagamin ng bida sa kanilang leading man

'Talaga? Ano un?'

'Si Raven. Si Raven kasi ano e. Hindi ko masabi, nahihiya ako sayo.' Tinakpan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha.

Gumuho ang mundo ko. Si Raven. Okay, ako nga pala ang nagtulak sa kanya kay Raven. Pero kahit ganun, nalulungkot ako. Nahihiya ba siyang sabihin sakin na may nanliligaw na siya.

'Ano un? Anong mayroon kay Raven?' Sibukan kong maging normal ang aking boses upang hindi mahalata ang kalungkutan. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at tinanggal sa kanyang mga mukha.

'Si Raven kasi may kasalanan neto e kaya nahihirapan ako nang ganito!' Nagiba ang reaksyon ko dahil sa mga narinig ko. Ano? Parang may nararamdaman akong hindi maganda.

'Anong ginawa sayo ni Raven? Umamin ka! Nasan na yang Raven na yan hah?! Sabihin mo sakin, reresbakan ko!' Nagagalit ako. Galit na galit ako kay Raven! Paano niya nagawa to kay  Paige? 

'Kumalma ka.' Hinawakan ni Paige ang dalawang kamay ko. Huminga siya ng malalim at sinabing ' Walang ginagawang masama sakin si Raven.'

'Anong wala?! Ipaliwanag mo sakin to ng maayos at malinaw Paige! ' Hindi ko na maiwasan ang pagtaas ng boses ko.

'Blaize,

Mahal kita. Matagal na. Sinusubukan kong itago ang nararamdaman ko pero hindi ko na kaya. Naiinis ako tuwing may mga umaaligid sayong mga babae. Kala ko normal lang na mainis ako sa kanila dahil naiinis ako sa mga pagmumukha nila. Hehe. Un pala nagseselos na ako. Ayokong mapunta ka sa iba. Mahal kita Blaize.' Napayuko agad si Paige pagkatapos niya itong sabihin.

Natulala ako. Ang saya saya ko. Mahal din pala ako ni Paige, higit pa bilang kaibigan.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala akong masabi. Lumapit nalang ako kay Paige at yinakap.

Alam kong nagulat si Paige sa ginawa ko. 

'Blaize?' 

'Paige, mahal din kita. Sorry dahil mas pinili ko ang friendship natin keysa umamin sayo. Pasensya na kung nasasaktan kita. Mahal na mahal kita.'

Yinakap na din ako ni Paige. Ang saya ng birthday ko! 

Sobrang saya ko ng malaman kong pareho pala kami ng nararamdaman para sa isa't isa, na mahal namin ang isa't isa. Ito ang pinakamagandang regalo kong natanggap noong birthday ko.

Teka, ano nga bang meron kay Raven? 

'Paige, anong mayroon kay Raven?'

'Ah, si Raven ung nagpush sa akin na umamin sayo. HAHAHAHA. Selos ka no? Akala mo may something sa amin?' Asar ni Paige sa akin.

' E kasi naman e, lagi mo siyang kasama. ' Sagot ko sa kanya.

Mga ilang minuto din ng mabalot kami ng katahimikan.

Isa lang ang alam ko, eto na ang simula. It's the start of something new.

'BLAAAAAAAAAAAAAAAAIZEEEEEEEEEEEEE!' Sigaw ng isang babaeng pamilyar sa akin ang boses.

'Yes?' Sagot ko.

'Wow ah. As in W O W! Kanina pa kaya kita tinatawag na Hubby, hindi mo ako pinapansin.' Pagtatampo niya.

'Hehe. Pasensya na po.' Hinawakan ko ang kanyang kamay.

'Awtsu! Siguro iniisip mo na naman kung paano ako umamin sayo no? Kilig ka na naman dyan. Aminin! Haha.' Pangaasar niya sakin. Tinutusok nya pa ako sa tagiliran. Kahit kelan to, ang lakas mangasar pero love na love ko siya. Cheeeezy!

Tumayo ako at lumapit sa kanya. 'Haha. Oo na. 'Amin ko.

Nakita kong namula ang kanyang mga pisngi.

'Oh ano? Sinong mas kinilig sa tin? Tignan mo yang mukha mo o, namumula! HAHAHAH!  

'Tse! Umalis ka nga sa harap ko.'

'Kilig ka Wifey e!' Asar ko sa kanya.

'Ewan ko sayo.' Naglakad siya palayo sa akin.

Nilapitan ko siya at binigyan ng backhug, 'Sorry na Wifey.'

'Oo na Hubby. Ikaw kasi e, masyado mo ako pinapakilig'

Ako nga pala si Blaize, Blaize Cruz. Kung iniisip niyo na si Paige ang tinatawag kong si Wifey, puwes

tama kayo. HAHAHAHA. Nagdradrama lang ako sa una. Di pala pwede sa akin. Di bagay sa akin. Magtratry out kasi ako sa theatre club ng school namin. Kaso ayun, mukhang kulang pa sa practice.

'Paige, Wifey, Happy Anniversary! Mahal na mahal kita!'

'Happy Anniversary din Hubby! Mahal na mahal na mahal to the nth power!'

Napakasaya ng anniversary namin ni Wifey.

Perfect na lahat sa buhay ko. Sana wala nang mangugulo pa. 

__________________________________________

<3 Blaize and Paige :')

Comments po sana para po malalaman ko ung mga opinyon nyo po. Salamat :)

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon