Chapter 9 : For the Future

144 1 1
                                    

G: si Noah Elizalde ka ba? 

B: Bakit?

G: Nagparaya ka kasi.

Boooom! :))) 

Sino mga naging Noah Elizalde dyan? Kaway kaway Pips! :)))

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Magtatanghali ng simula kami magbyahe ni Paige papunta sa The Amazing Park. Buti nalang wala masyadong traffic. Nagpatugtog kami ng mga OPM songs. Halos puro Eraserheads at Parokya ni Edgar ung nasa playlist namin. Pareho kasi kaming fan ng parehong banda.

Nagstop over kami sa isang restaurant para maglunch. Heavy kung heavy ang kinain namin pareho. One to sawa kasi kaming magiikot mamaya. Masaya to.... kung pwede nga lang.

Magaalas 3 ng hapon ng makarating kami dun. Ang haba ng pila sa ticket booth. Wuuuuuu! Tiis tiis, worth it naman lahat ng ito e.

'Hubby, sakay tayo dun!' Sabay turo dun sa ride na umiikot na ng 360 ung pinakaupuan mo, imiikot pa din ng 360 ung pinagkokonektan. Naiimagine mo ba? Hahaha. 

Nanlumo ako. Shocks! Baka masuka ko lahat ng makain ko neto. Hindi naman sa natatakot ako pero, kinakabahan lang naman. Medyo lang.

Hindi na niya ako inintay sumagot. Hinatak na agad niya ako at pumila. Habang palapit ng palapit, nararamdaman ko ung hangin tuwing napapadaan sa harapan namin ung mismong inuupuan. Tae naman oh!

'Hubby, susunod na tayo. Excited na ako!' Inaalog pa ni Paige ang balikat ko. Halatang excited siya!

'He-He-He-He' Ang plastic ng tawa ko. 

Nung una, natatakot ako pero habang tumatagal, nagenjoy na din ako. Waaaah! Ang sarap ulitin! 

Ung mga sumunod pa naming rides mas extreme pa dun sa umiikot na iyon! Pag sinabing extreme, as in extreme! Buti nga nakukuhaan ko kami ng pictures e. Para paraan to! Tuwing chinecheck namin ung mga litrato, natatawa nalang kami sa mga itsura namin na parang mga ewan!

Nang napapansin ko na malapit ng lumubog ang araw, inaya ko si Wifey na magpahinga at manood muna ng sunset.

Ang ganda ng view dito. May side kasi dito na makikita mo ung dagat. Parang sea side ika nga.

'Waaaaah! Ang saya dito!' Sigaw ni Wifey. 

'Hahaha! Wifey, smile!' Hindi ko na siyang inintay ngumiti, kinunan ko na agad siya ng pictures. Take note, with 'S'. 

'Hubby, lika na dito. Upo ka na. Daliiiii! Ang ganda ditoooo!' Tinatapik niya ung space sa gilid niya.

Tama nga si Wifey. Ang ganda ng pwesto namin. Napakadramatic ng dating ng scene. May pagkaorange ung araw, may mga ulap s gilid nito, may mga maliit na alon, meron ding mga bangka. Nagrereflect ung araw sa tubig. Ang ganda. Kami, ewan.

Hinawakan ko ang kamay ni Paige.

'Alam mo ba, gustong gusto ko talaga tuwing nanonood tayo ng sunset. Napakaromantic kasi para sa akin nun. Dali, picture tayo. 1, 2, 3, smile.' 

Nanood kami ng sunset. Nagkwekwentuhan lang kami gaya dati. Syempre, hindi pwede mawala ung pantritrip sa mga ibang couples na nandito tska ung pictures.

Last ride. Nandito kami ngayon sa Ferris Wheel. Magkatabi kami, tinitignan namin ung mga pictures namin. Hindi matigil si Paige kakatawa dahil dun sa mga epic faces namin pareho. 

Maya maya ay bigla siyang nanahimik.

Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan sa mata.

'Blaize, I'm staying.'  Bigla niyang sabi. Nagulat ako. Hindi agad ako makapagsalita.

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon