Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng My Love! Naka-1k reads na! Yes! Unexpected to! Pero thank you po talaga! Sana suportahan niyo ito hanggang dulo <3 Thank you!
Twitter:nikkillin :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
'Hello?'
'Hello?'
'Hi Babe!' Masayang bati ko sa kanya. ' I miss you. '
'I miss you too Babe. Sobra sobra. Lagi nalang tayo sa skype nagkakakita. '
'So, free ka ba mamaya? Tamang tama, walang pasok bukas. Tumawag si Shaun sa akin, you know, bonding daw. Sa Tribe Bar. '
Halos 3 araw na kaming hindi nagkikita ng personal ni Jessica, sobrang busy namin pareho. Kahit na gusto naming magkita, hindi pwede kasi pagkatapos ng trabaho, sobrang pagod.
'Mmmm. Wait. Let's see. ' Nakarinig ako ng mga pagflip ng mga papers. Siguro dun ung schedule niya for today. 'Pwede, kaso 9 pa tapos ko dito sa office. Anong oras ba daw magkikita kita?
'Tamang tama lang, 10 pa naman. See you later.I love you.'
'Yeah, see you later. L-love you too.'
At ibinaba ko na ung call.
Hindi ko alam pero bakit parang bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa puso ko. Sobrang bilis ng tibok.
Sus. Wala lang yun.
'Sir, nandun na po sila sa board room.'
'Okay, tara.'
Grabe ung meeting kanina. Napakatense ng atmosphere. Parang unting pagkakamali mo lang, malelaser ka agad. Yung mata kasi nila, sobra kung makatitig. Kala mo kung ano e.
Halos tumagos ung mga tingin nila sa akin e. Grabe talaga!
I streched my hands. 'Yesss! Natapos din!' Ang saya sa feeling! Wooo!
Nakahinga na din kami ng maluwag ni Lance.
'Sir, may pasok po ba tayo bukas?'
'Sa tingin mo?'
'Sir, magtatanong po ba ako kung alam ko?'
Tinignan ko siya ng masama. 'At tinatabla mo na ako ngayon Lance?'
'Haha! Biro lang Sir. Sabi ko nga Sir e, holiday bukas. Walang pasok.'
'Ayan, good! Alam mo naman pala e. ' Naglakad na kami pabalik ng office ko. 'Anong oras na?'
'8:30 po Sir.'
'Naku! Lagot. Lance, ikaw na bahalang magsara ng office ko ah? Kukuhain ko lang ung bag ko then alis na agad ako. Bye. ' Pagkapaalam ko kay Lance, tumakbo agad ako papuntang opisina.
'Shooot! 8:45 na! Hindi pa ako nakakabili ng flowers!'
Badtrip naman oh! Trapik! Balak ko sanang isurprise si Jessi mamaya. Dapat before 9, nasa office na niya ako. Hindi ko sinabi sa kanyang susunduin ko siya, kasi nga gusto ko siyang masurprise.
Halos tumakbo na ako dun sa bilihan ng bulaklak. Pero lahat naman ng pagod naging worth it. Nakita ko na siya sa lobby. Kahit medyo malayo pa ako, tanaw na tanaw ko dito ang kanyang ngiti.
'Babe!' Sigaw niya sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti. Nagmadali siyang lumapit sa akin at sabay yakap ng mahigpit. 'You're here. I missed you so much!'
'I missed you too Babe.' Unti unti niyang niluwagan ang pagkakayakap niya sa akin.
Ipinakita ko na sa kanya ung binili ko. ' Flower for my Queen.' She gave me a peck on my cheeks.
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...