Narindi ung tenga ko. Sino tong malakas ang loob sinagawan ako ng ganun?
Unti unti kong tinaas ang ulo ko.
'CAN'T YOU SEE --- ' Nanlaki ung mata ko ng makita ko kung sino ang nasa pintuan. 'M-Mom!'
Bigla akong napatayo sa upuan ko at nagmamadaling lumapit kay Mommy. Yeah, nandito ang mother ko.
Bago pa man ako makayakap sa kanya, binatukan niya na agad ako.
'What was that for?' Tanong ko Mommy.
'What was that for? Tsss. Kelangan pa ng appointment para makita ka? Nanay mo, kelangan ng appontment huh Blaize?'
Napakamot ako ng ulo.
'Mom, hindi naman po sa ganun. Hindi naman po kasi sinabi sa akin ni Lance na ikaw ung bisita ko.'
Lagot sakin yang si Lance mamaya.
'Tska po Mom, busy po ako dahil sa anniversary ng company. Hindi po pwede may mangistorbo sa akin db po?'
Tinaasan ako ng kilay ni Mom. Lagot mas nainis ata.
'Mom, kapag po hindi importante, hindi po ako pwedeng maabala diba? '
'K. Whatever.'
Yes! Mukhang okay na.
'Sabi sa akin ni Lance, hindi ka pa daw kumakain. Tumawag kasi ako kanina kaya nalaman ko. Pinagluto kita ng fish and sour fish.' Itinaas ni Mom ang dala niyang paper bag.
Yes! Tamang tama, nagcrecrave ako sa sweet and sour ngaun!
Lumapit ako kay Mommy at yinakap ko siya. ' Thank you po.'
Inihain na ni Mom ang pagkain dun sa isang table ko sa office.
'Blaize, kain na.'
Ohha! Parang nasa bahay lang. Haha.
'Alam mo Anak, okay lang naman ang sumubsob sa trabaho e,pero p\lease lang, wag mong kakalimutan ang sarili mo. Tignan mo, pumayat ka oh. '
'Sorry po Mom. Next time po.' At kumain na ulit ako.
Ayun, si Mom nagkwekwento lang.
Knock knock.
'Pasok.'
'Sir, si Ma'am Paige po nandito.'
'So, nandito pala ang daughter in law ko.' Pabirong sabi ni Mom.
'Mom!' Saway ko sa kanya.
Oh? Bakit nandito si Paige?
Maya maya pa ay may pumasok na magandang babae, si Paige.
'Oy Blaize! Ayos ah, hindi ka marunong magreply sa mga text ko!' Panimulang bati niya sa akin.
Napatingin sa kanya si Mom. Nanlaki ang mga ni Paige ng makita niya si Mom.
'Tita! Good afternoon po!' Lumapit ito at nagmano. 'Sorry po Tita at nasigawan ko si Blaize. Kasi naman po, hindi kumakain.'
'Paano mo nalaman un?' Tanong ko sa kanya.
'Iha, okay lang un. Walang problema. Haha. Bat ka nga pala napadaan dito?'
'Sorry po kung nakakaistorbo ako. Sige ho, una na -- '
'Walang problema Iha, ikaw naman oh. Haha. Halika, umupo ka dito.'
Ayun, hindi nila ako parehong pinapansin. Hangin lang po ako.
'So, bakit ka nga napadaan dito?' Ulit na tanong ni Mom.
'Ah, kasi po, dinalhan ko po ng lunch si Dylan e tamang tama, on the way po ito pabalik ko sa officer kaya naisipan ko na ding dumaan kay Blaize. Tumawag po ako kay Lance kung naglunch na po si Blaize, sabi ho hindi kaya dinalhan ko na din siya.'
Ah! So un pala ang kwento!
Inilabas at iniayos ni Paige ang kanyang dalang lunch para sa skin, beef brocolli.
'Buti pa tong si Paige Blaize, naisipan kang dalhan ng pagkain dito. Tapos inayos pa. Very good, pwede nang mag-asawa. E ung girlfriend mo?' Halos nabulunan ako sa sinabi ni Mom.
'Mom!' Saway ko ulit sa kanya.
'Sorry sorry. So daughter in law, ' Tumingin ako kay Mom. ' So Paige, sino si Dylan?'
This is bad. This is really bad.
'Boyfriend ko po Tita, si Dylan Ley.' Nakangiting sabi ni Paige kay Mom. Okay, super proud siya.
'Blaize! Ayan, napakabagal mo kasing kumilos! Ayaaaaan! ' Sermon sa akin ni Mom.
'Mom, please naman oh.' Nahihiya ako kay Paige dahil sa mga sinasabi ni Mom.
Boto naman si Mom kay Jessica kaso mas lamang pa din si Paige para sa kanya. Mas malapit kasi ito sa kanya.
'Nanghihinayang lang talaga ako sa inyong dalawa. Halos dati, hindi kayo mapaghiwalay. Talagang mahal na mahal niyo ung isa isa. Kala ko nga, kayo na forever e. Kaso aun.' Sabi ni Mom.
Ilang segundo din kaming nanahimik. Medyo awkward? Oo. Kahit kelan kasi, hindi na muli inopen up ung tungkol sa nakaraan. Much better kasi pag ganun di ba?
'Ay Paige!' Halos mapatalon kaming dalawa dahil sa biglang sigaw ni Mom. ' Dylan Ley? Yung sikat na model and stylist? Ung may billboard sa may Makati?'
'Yes po Tita.'
'Sus, walang binatbat tong anak ko dun. Hahahaha!' Si Mom talaga ang lakas mangasar.
Maya maya pa ay nagring bigla ang phone ni Paige. Umalis muna siya para sagutin ang phone.
'Anak?' Tawag sa akin ni Mom.
Tumingin ako.
'Hindi ka ba nanghihinayang sa inyo ni Paige?'
Nanghihinayang ba ako?
Ngumiti nalang ako kay Mom.
'Masaya ka ba kay Jessica?'
'Sobra sobra po Mom.'
'Ni minsan ba, naisip mo na si Paige ang nasa pwesto ngaun ni Jessica?'
'Mom, ang weird ng mga tanong mo.'
'Nalungkot ka ba nung nalaman mong may boyfriend si Paige?'
'Gusto mo bang bumalik sa nakaraan, yung mga panahong may something kayo ni Paige at itama ang pagkakamali mo?'
Hindi ako sumasagot kay Mom. Nakatingin lang ako sa kanya pero kahit ganun, tuloy tuloy pa din sa pagtatanong si Mom.
'Sa tingin mo ba, mas masaya kung si Paige ang kasama mo ngayon?'
'Mom, tama na.'
'Last na, nakikita mo pa ba sa kinabukasan mo si Paige?'
'Mo---.'
'Tita, Blaize.' Thank you! Nakabalik na ulit si Paige. 'Kelangan ko na pong umalis. Hinahanap na po ako sa office.'
'Iha, sabay na tayo lumabas. ' Tumayo na si Mom at nagpaalam na sa akin. 'Anak, see you later.'
'Blaize, alis na kami. Kumain ka sa oras kundi lagot ka sa akin!' At yinakap niya na ako, friendly hug.
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
muling pagbigyan ang pusong nagmamahal
muling ibalik ang tamis ng pag-ibig sayang naman ang ating nakaraan
'Hahahaha!' Natawa nalang kaming dalawa ni Paige.
'Bye!'
Bago pa man tuluyang maisara ung pinto, nakita ko si Mom na ngumisi.
Shocks, sana walang sabihing kalokohan si Mom kay Paige.
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...