Ang bilis lumipas ng panahon. Akalain mong two months na pala ang nakaraan simula noong nangyari un. Halos hindi ko ito naramdaman, siguro dahil na din sa pagiging busy ko sa Anniversary ng company at sa 2nd anniversary namin ni Jessica.
Naging matagumpay ang anniversary ng company. Madaming stockholders ang natuwa dahil sa sobrang ganda ng party. Madami ding mga investors ang gustong mag-invest sa company namin. Worth it lahat ng mga pagpupuyat at pagod!
At ngayon naman, anniversary namin ni Jessica. Excited ako sa mga mangyayari mamaya. Alam kong matutuwa siya sa inihanda ko na supresa para sa kanya. I'm sure! 101% ako dun!
Alas sais palang ng umaga ngayon pero gising na gising na ang diwa ko. Bumangon ako at nagtimpla ng kape. Sa mga gantong panahon, ang sarap uminom na mainit na kape kasabay ng pagtingin ko sa buong syudad.
Kinuha ko ung phone ko at nagtext kay Jessica.
To: Babe
Good Morning Babe! Happy 2nd Anniversary! Thank you for coming in to my life. Salamat sa pagmamahal na ibinibigay mo sa kin. Sa pagpapasenya mo sa akin. Alam kong minsan nahihirapan kang intindihin ako pero nandiyan ka pa din sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko para bigyan ako ng isang katulad mo. You make me the happiest man alive. Words can't express kung gaano kita kamahal, basta't ang alam ko, ikaw ang buhay ko. Can't wait to see you later. I love you so mucccch! :*
Habang nagtatype ako, napapangiti ako. Dahil kay Jessica, naging makulay ulit ang buhay ko. Naniwala ulit ako sa pag-ibig. Akala ko dati, hindi ko na ulit ito mararamdaman pero nagkamali ako.
'Bro, okay na ba?'
'Oo. Don't worry.'
'Thank you Pre. See you later.'
Si Shaun ang kausap ko sa kabilang linya. Chinecheck ko kung okay na ba ung mga kelangan gamitin para sa surprise ko kay Jessica. For sure, madaming girls ang maiingit sa gagawin ko sa kanya mamaya. Haha
Si Shaun at Zeke ang mga katulong ko sa paghahanda neto. Loko nga e! Ang lakas mang-asar! Hindi lang sila sanay na makita tong romantic side ko.
Naligo at kumain na din ako. Simple lang ang suot ko sa ngayon, fitted pants, blue polo and white chucks. Oh diba, simple lang? Haha.
Alas nuwebe na din nung nakarating ako sa condo ni Jessica. May dala ako sa kanyang bouquet of red roses. Bayan, bat parang kinakabahan ako ngayon? Haha. Epic ng nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ko pa kayang harapin siya ngayon. Argh! Parang bakla naman Blaize Cruz!
Kilos kilos din pag may time! PArang ibang tao naman ang pupuntahan ko ngayon oh! Girlfriend mo siya Blaize!
Hingang malalim.. Ayan, game! I'm ready!
Pagkabumukas ang pinto, bumungad sa akin ang mala-anghel na mukha ni Jessica. Ang kanyang ngiti ay nagninigning. Ang corny ko. Hahahah!
'Hi Beautiful.' Iniabot ko na sa kanya ang flower.
'Bolero. Haha.'
Pumasok na kami sa kanyang condo. Pagkapasok namin ay bigla ko siyang yinakap. Ung ulo niya ay nakapatong sa balikat ko.
'Happy 2nd anniversary Babe. Thank you for everything. I love you so much. ' At hinalikan ko siya sa kanyang noo.
Bigla kong napansin na may tumulong luha sa kanyang mga mata. Bago pa man ako magtanong ay bigla na siyang nagsalita.
'Don't worry. I'm fine. ' At ngumiti siya. Tears of joy to. Hehe.'
Nasa kotse kami ngayon, papunta sa Subic. Mag safari kaming dalawa. Haha. Astig ng pagcelebrate namin ng aming anniverary no? Kasi nga si Blaize Cruz to. Hahaha. Gaya ko, naka casual lang din si Jessi. Nakapolo shirt na blue din, pants ang chucks. Oh di ba, blue is the color of the day. Kiligers ako. Haha. Bakit, babae lang ba ang may karapatang kiligin?
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...