BLAIZE'S POV
Hindi ko alam pero ang tahimik ni Paige nung pauwi kami sa bahay.
'Paige, anong problema? Bakit ang tahimik mo? ' Wala. Hindi ko kayang manahimik ng sobrang tagal.
' Wala po. Pagod lang po ako.' Tumingin siya sa mga mata ko at sabay ngiti. Kahit ngumiti siya sakin, alam kong meron siyang tinatago. May habit kasi yang si Paige, pinaglalaruan niya ung mga daliri niya. Akala niya siguro hindi ko napapansin un.
Hinawakan ko ang kanyang kamay.
'Wifey, kain nalang muna tayo bago umuwi. Dun tayo sa favorite ice cream parlor mo. My treat.' Nakita kong nagningning ung mga mata nya. Atleast, nabawasan kahit unti ung kalungkutan niya.
Kapag sad si Paige, hindi pwedeng malungkot din ako. Edi dobleng lungkot na! HAHAHA. Kelangan ung isa sa inyo mag-lift na atmosphere. Bale, magpapagaan ng nararamdaman db?
Buti nalang pagdating namin, sakto, may dalawang vacant seats. Mukhang talagang nakalaan un para sa amin.
Hinatak ko ung upuan sa likod ni Paige para makaupo siya na ayos. Hindi lang halata pero gentleman ako.
'Thank you Hubby.'
'Anything for you Wifey, My Queen.'
Lumapit na sa amin ung waiter at binigay ung kanilang menu. Everytime na malungkot ung isa sa amin, dito kami lang nagpupunta. Nakakarelax kasi kaya hindi niyo kami masisisi kung bakit gusto namin dito.
'Wifey, ano order mo?' Tanong ko sa kanya.
'Mmmm. Choco berry parfait sakin Hubby.'
' Okay. Miss, dalawang choco berry parfait. That's all. ' Inunahan ko na siya para makaalis na siya agad. Kala niya cguro hindi ko napapansin, tinititigan niya ako. Hindi ako nagmamayabang, nagsasabi lang ng totoo.
' Okay Sir. Thank you.' Sabi nung waitress.
Pagkaalis nung waitress, nagulat ako kasi kiniss ako ni Paige sa pisngi. ' Alam mo ba Hubby na ang gwapo gwapo po?'
'Wifey.' Hinawakan ko ung kamay niya. ' Wag ka nang magselos dun sa waitress, nagthank you na nga agad ako para makaalis na siya e.' Paliwanag ko. Halata naman kasing nagseselos siya ang Wifey ko.
'Huh?' Napatanong siya bigla.
'Alam kong nakita mong tinititigan ako nung waitress. Wala e, gwapo to e.' Pabiro kong sabi sa kanya. Buti nalang medyo nagbabago na ung mood nya. Nagsasalita at ngumingiti na siya.
'A-aahhh! Hehehe. Ang talino mo talaga Hubby!' Ang weird ni Paige ngaun. Ano ba talagang nangyayari?
'Blaize, nasabi ko na ba sayong mahal na mahal kita?' Hindi ko alam pero may tama talaga ata tong si Paige ngaun.
'Paige, may sakit ka ba?'
' Huh? Wala naman ah. Bakit, anong meron?' Nagtataka niyang tanong sa akin.
' Hindi kasi ako sanay na ganyan ka e. Nambabara ka kasi lagi. Ngayon naman medyo sweet ka. ' Sabi ko sa kanya.
' Bakit? Ayaw mo ba? ' Nagpout siya! Ang cute cute talaga ni Paige.
'Hindi naman, hindi lang siguro ako sanay.'
'Pwes, masanay ka na. Haha.'
Ewan ko dito kay Paige. Lakas tama talaga.
Dumating na ung inorder namin. Nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain. Malapit na nga pala ung debut ni Paige. Halos 3 linggo nalang. Sigurado ako magkakaroon ng magarbong celebration sa debut ni Paige. Isa kaya siyang Santillan, isa sa pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Kahit na mayaman sila, napakadown to earth ng kanilang pamilya.
'Paige, sa debut mo ah? Last dance mo ako.'
' Oo naman. Ikaw pa.' Walang kalatuylatuy niyang sagot sa akin.
' Hindi ka ba excited sa debut mo? Bakit parang hindi ka masaya?' Napansin ko kasing napatigil siya sa pagkain nung narinig niya ang salitang debut.
' Hindi ah. Excited ako. Nabrainfreeze lang ako. Napadami ata ung ice cream. ' Nginitian na naman niya ako. Mukhang ayaw niya talaga sabihin sakin kung bakit siya ganyan ngaun.
Nagpatuloy nalang kami sa pagkain nung ice cream. Halos ala-syete na din nung natapos kami. Nagdecide kami na maglakad nalang pauwi. Malapit lang naman kasi itong parlor sa subdivision kaya okay lang kung lakarin nalang.
Siguro iniisip niyo, ang yaman namin pero bakit wala kaming kotse. Meron, hindi ko lang ginamit ngayon kasi gusto kong maglakad si Paige ng matagal.
Nandito na kami sa harap ng gate nila.
'Thank you Blaize. Good night.' Kiniss niya ako at hinug. Hinug ko din siya ng sobrang higpit. Mamimiss ko kasi si Paige. Kahit ilang oras lang kaming maghihiwalay, mamimiss ko siya. Wala e. Yan ang pagibig!
Halos matagal din kaming magkayakap ng may naramdaman akong basa sa may balikat ko.
'Paige? Wifey? ' Tawag ko sa kanya pero wala siyang imik.
Maya maya ay nakakita na ako ng malalaking patak ng ulan.
Mukhang naramdaman ni Paige ung ulan kaya natanggal ung pagkakayakap niya sa akin. Napatakbo kami sa may silong sa kanilang bahay.
'Sige, good night na ulit Hubby. Dream of me. I love you so much.' At binigyan niya ako ng payong.
'Good night Wifey. I love you too!' I gave her a peck on her cheek.
Pagdating ko sa bahay namin ay nakita ko sina Mom at Dad na seryosong nag-uusap.
'Good evening Mom, Dad, I'm home.' Bati ko sa kanila. Nagmano ako.
'How's school?' Tanong ni Dad sa akin.
'Okay naman po Dad. ' Di ko pala nabanggit sa inyo, nasa Section A ako.
'So, narinig mo na ba ang balita?' Tanong sakin ni Mom.
Huh? Anong balita?
PAIGE'S POV
Kanina buti nalang magaling akong magpalusot tungkol dun sa waitress. Tapos ngaun ngaun lang, buti umulan kundi nako. Lagot ako kay Blaize neto. Mukhang nakikiayon ang ulap sa akin. Nagluluksa din ito katulad ko.
'Paige, bakit ka umiiyak?' Lumapit agad si Mom agad sa akin nung nakita niya akong umiiyak sa mga pintuan.
'M-mom.' Un lang ang tanging salitang nasabi ko sa kanya.
'Mom, hindi ko po kaya. Hindi po kayang sabihin sa kanya.' Umiiyak pa rin ako habang sinsabi ko ang mga salitang iyon. Parang nadudurog ang puso ko. Ang sakit sakit.
'Anak, shhhhh. Tahan na.' Pinapatahan na ako ni Mom pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Masyado talagang masakit ang nararamdaman ko ngaun.
'Don't worry Anak. Everything is going to be okay.' Yan na lang ang huli kong narinig bago pa man maging puro itim ang nakita.
__________________________________________________________________________
Comments po :)
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...