Mula dito sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ko ang mga busy streets ng Makati.
Madilim ang paligid, tanging ilaw mula sa buwan, light posts sa kalye at mga ilaw galing sa mga kotse ang nagbibigay ng liwanag. Ang payapa, sana ganito din ung nararamdaman ko ngayon, pero hindi. Gulong gulo ang nararamdaman ko ngayon. Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko pero hindi ko alam kung paano at saan ko makukuha ang mga sagot dito.
Ang sarap magisip isip ngayon. At uminom ako ng unting red wine.
Bago ako magbirthday, hindi naman ganito. Nagsimula lang ito nang umuwi si Paige dito sa Pilipinas. Madalas akong managinip ng mga kung ano ano at pagkagising ko, mabigat ang pakiramdam ko.
Seven years ago, hanggang ngayon, sobrang liwanag pa din sa isipan ko nung inannounce ni Tito ang pagpunta ni Paige sa Paris para mag-aral. Yung din ung araw kung saan, pormal na akong humingi sa kanya ng pahintulot to court her. Hindi niya ako sinagot nun, yinakap niya lang ako. Ako naman, nagassume na it's a yes. I'm so stupid. Yung saya biglang pinaltan ng lungkot at galit. Lungkot dahil iiwan niya ako, galit dahil hindi niya sa akin sinabi. Nung gabing un, sinermonan ako ni Shaun dahil sa pagakusa ko kay Paige ng mga bagay na hindi naman niya ginawa.
Nagdesisyon si Paige na manatili nalang dito sa Pilipinas, dito nalang daw niya ipagpapatuloy ang pagaaral niya. Pero ako, itinulak ko siya palayo. Ako ang nagtulak sa kanya palayo. Pinilit ko siyang pumunta sa Paris para tuparin ang kanyang mga pangarap. Ako din ang nagsabi sa kanya na ititigil ko na muna ang panliligaw ko sa kanya dahil ayokong mawalan siya ng focus dun. Nang sinabi niya sa akin na 'Friends.', masakit. Sobrang sakit. Hindi ko iyon matanggap pero wala akong maggawa, kelangan kong mamili, friends or strangers. Yun lang. Kaya pumayag ako sa gusto niya.
April 1 nung umalis si Paige. Pagkalipad niya ng Paris, ilang araw akong nagmukmok sa kwarto at ilang araw din akong umiiyak dahil sa kanya. Inisip ko nalang na eto ung pinili ko db? Tinulak ko siya. I deserved this pain. Pain nga ba ang tawag dito? Halos namatay na nga ako nung mga panahong iyon. Muntik na din akong maospital dahil hindi ako masyadong nagkakain. Gusto kong sumunod sa kanya sa Paris, doon magaral, kaso ayokong madisappoint sa akin ang angkan ko. Tinetext ko ni Paige na mag-skype kami pero lagi akong tumatanggi, kesyo madaming ginagawa or
Everyday, dinadalaw ako nina Shaun and Zach. Inaaliw nila ako. Kahit na medyo g*go ung dalawang yun, pag kaibigan, nasa kanila na ang lahat ng 'napaka' , napakamaalaga, napakamapagmahal at napakamabuting kaibigan. Imbis na mag night out sila, sa bahay sila tumatambay para makipagkwentuhan sa akin. Sa kanila ko lahat nilalabas ung lungkot. Ilang beses na akong umiyak, ay hindi, ilang beses na nila akong nakitang humagulgol dahil sa pagalis ni Paige. Lagi nila akong kinocomfort.
Unang buwan ng pagalis ni Paige was hell. Sobrang namimiss ko siya, na tipong gusto kong pumunta sa Paris, mayakap lang siya. Kaya kong gawin yun, kaso pinipigilan ko ang sarili ko. Bakit? Dahil baka pagpunta ko dun, hindi na ako bumalik dito. Bakit pa ako babalik dito kung nandun sa Paris ang buhay ko?
Pangalang buwan ng pagalis ni Paige, hindi na ako kinukunsinte nina Shaun at Zach na buong araw nagmumukmok at umiiyak sa kwarto. Lagi nila akong pinagsasabihan pero hindi ako nakikinig. Bigla kong naalala ung nagkainitan kaming tatlo.
Ako : Hindi niyo kasi ako naiintidihan! Hindi niyo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon! Hindi kasi kayo marunong magmahal! Palibhasa mga playboy kayo!
Shaun: Sa tingin mo hindi namin naiintidihan ung nararamdaman mo ngayon? E ikaw ang walang alam dito hindi kami!
Oo, nagsisigawan kami ni Shaun. Naiinis na ako sa kanilang dalawa dahil masyado nila akong pinapakelaman sa buhay ko.
Zach: Blaize, we're just helping you.
Ako: Help?! Talaga? Gusto niyo ba talagang makatulong? Lubayan niyo akong dalawa!
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...