Chapter 1 : Payo

320 4 1
                                    

BLAIZE's POV

Nandito ako ngayon sa classroom namin kasama ung mga katropa ko, sina Shaun Valdez at Zach Koh. Free time kasi namin ngaun. Hindi naman sa pinagyayabang ko pero kami ang The Princes dito sa school namin. HAHAHA. Princes kami dahil hindi lang kami matatalino, mga gwapo din kami. Para akong gay magsalita -_-  Hindi ako bakla, sadyang napakajolly ko lng magsalita. Ayoko kasi maging boring ako magsalita.

' 'Tol, kamusta anniversary nyo ni Paige?' Tanong sakin ni Shaun. Eto, chismoso parang babae.

' Okay naman Pre. Sobrang saya namin ni Paige.' Sagot ko sa kanya.

' Tsk tsk. Anniversary anniversary pang nalalaman e hindi naman kayo.' Sabat ni Zach. 

' Bitter Alert! HAHAHAHAHA!' Sabay naming sabi ni Shaun. 

Sanay na kami na ganyan si Zach pag tungkol sa amin ni Paige ang pinaguusapan. May gusto kasi siya kay Paige noon e kaso aun, wala e. Ako ang mahal ni Paige. 

Katulad ng dati, nagkwekwentuhan kami. Napagdiskitihan nga namin ni Zach si Shaun. Ang torpe kasi! May gusto siya dun sa kaibigan ni Paige kaso ayun, ayaw umaamin. Pag nga nagkikita sila e, wala silang ginawa kundi magbasagan. Actually, may gusto din naman un kay Shaun kaso ayun, ayaw din umamin. Mabuhay ang mga torpe! 

Buti pa kami ni Wifey...

Nagulat ako nung biglang tumahimik sa paligid. Tinignan ko silang dalawa, mukhang seryoso to ah.

' Oh? Bakit?' Tanong ko sa kanila.

' 'Tol, dalawang taon niyo nang alam ang nararamdaman ng bawat isa e bakit hindi mo pa rin siya nililigawan?' Seryosong tanong sa akin ni Shaun. Delikado pag ganito ni Shaun. Bat ba sa akin napunta sa akin ung usapan?

' Kasi parang kami naman. Bat ko pa liligawan di ba? Mahal ko siya, mahal niya ako, okay na un.  ' Sagot ko. Tama naman  di ba? 

' Wala ka talagang alam sa nararamdaman ni Paige.' Sagot ni Shaun.

Napaisip ako. 

Ako? Walang alam sa nararamdaman ni Paige? 

' Ano bang gusto mong sabihin sakin hah Valdez? Diretsuhin mo nga ako.  ' Oo, tinawag ko siyang Valdez. Sa aming tatlo, nagkakainitan na pag surname na ang tawagan. Sino ba namang hindi maiinis di ba? Ikaw kayang sabihan ng ganun.

' Walang kayo. ' Mariing sagot niya akin.

' Ah tlagang sinusubukan mo ako ah! ' Tumayo ako at hinatak ang kwelho niya. Nakaamba na ung kamay ko sa mukha niya pero nahawakan ni Zach ang kamay ko bago pa man ito tumama sa mukha niya.

' Blaize. ' Malamig na sabi sakin ni Zach.

Bumitaw ako. Ayoko ng away. Kelangan kong kumalma. 

Kumalma ka Blaize. Matalik mo silang kaibigan.

Ilang minuto din kami naging tahimik. 

'Blaize, ayaw ko lang mangyari sayo ung nangyari sakin dati. Wala, naging kampante ako. Akala ko okay lang na maging MU kami dahil afterwards, doon din namin matutuloy yun db? Nagkamali ako. Gusto ng mga babae ang assurance. Gusto nila ang pormal na relasyon. Pormal na may relasyon kayong dalawa, magkasintahan. Isang araw, nakita ko siyang may kaholding hands na lalaki, nilapitan ko. Tinanong ko kung anong ibig sabihin ng nakita ko. Alam mo ba kung anong sinagot niya sa akin?' 

Wala akong masagot. Ganun ba talaga un? 

' Ah, boyfriend ko nga pala.' 'Yan ung sagot nya sa akin. Alam mo ba kung ano pa ung masakit dun? Ang alam pala nung boyfriend nya na isang hamak na bestfriend ako. Hinatak ko siya nun. Kinausap ko siya. Hindi ko makalimutan ung sinabi niya sa akin. ' Walang patutunguhan 'to. Hindi ko alam kung anong meron sa iyo at ayaw mong matali sa akin. Oo, mahal kita, mahal mo ako pero ano? Parang naglalandian lang tayo. Nagiintayan lang ata tayo e? Ni hindi mo nga ako tinanong kung girlfriend mo na ba ako e. Okay na sa akin un kahit walang ligaw ligaw pero hindi e, wala. Naging kampante ka. Kahit anong oras pwede mo akong iwan dahil wala naman tayong relasyon. Hindi ka naman tayo nakatali sa bawat isa. MU lang tayo. MU! Kaya bago mo pa gawin sa akin un, inunahan na kita.' Ang sakit di ba? Ayokong magaya ka sakin Blaize.  '

Wala akong masabi. Medyo magkatulad kami ni Shaun ng sitwasyon. Mahal namin ang isa't isa pero wala kaming relasyon. MU lang. Ganun din ba ang nararamdaman ni Paige ngaun? Oo, may tawagan kami, naghoholding hands kami. Ah basta, parang kami pero hindi kami. Naguguluhan ako. 

' Mag-isip ka ng mabuti Blaize. Payong kaibigan lang. ' 

PAIGE'S POV

'Hey girl!' Masayang bati sa akin ni Steph.

'Hello.' Ganti ko sa kanya na may ngiti.

'Oh, kamusta anniversary niyo ng boyfieeee? Ayiiiie. Kwento naman dyan. ' Pangaasar sa akin ni Steph. Hindi ko maiwasan ang pagngiti tuwing naaalala ko ung kahapon. Ang saya talaga.

' Ayun, ang saya namin ni ----' Hindi ko na natapos ung sasabihin ko dahil nagsalita si Daphne.

' Anniversary pa kayong nalalaman. Sus, parang kayo ah.' Singit ni Daphne.

Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Daph. Hindi naman sa naiinis ako kay Daph, pero totoo naman. Hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa amin, kung kami ba or MU lang. Ah ewan!!!!!

' Paige, ano ba talagang meron sa inyo ?' Tanong sa akin ni Steph.

' Huh? ' Wala ako masagot e. Wala. Hindi ako makapagisip ng ayos.

' Tinanong ka ba niya kung pwede ka ba niyang maging girlfriend?' Ang lamig ng pagkakatnong  sa akin ni Daph.

'Hindi.' Napayuko ako. Oo nga no? Pero alam -----

'That's it. Walang kayo.' Ano bang problema ni Daph? Bakit ganto sya?

' Daphne! Tumigil ka nga. Ano ba yang sinasabi mo, mahal nila ang isa't isa. Sapat na iyon! ' Sabi ni Steph kay Daph.

Pero may punto din naman si Daphne, Pero hindi e. Ang gulooooooo! 

'Stephanie, gusto ko lang maliwanagan si Paige. Dalawang taon na nilang alam ang nararamdaman ng bawat isa pero may improvements ba? Wala di ba? Ni isang beses ba tinanong siya ? Hindi di ba? That's what do we call flirtationship. '

' Sige, kakausapin ko siya.' Un nalang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

' Hindi. Bayaan mo siyang marealize nya un. Siya ang lalaki. Dapat alam niya kung ano ang dapat.' Sabi ni Daph.

' Guys, pwede bang tama na? Nagkakapersonalan na tayo dito oh. HAHAHAHAHA! Masyado tayong nainlab dun sa script ng ginawa ni Corr. Grabe, ang ganda! Napakarealistic! Ang galing niyo talagang umarte! Best actresses talaga kayong dalawa.' Sabi ni Steph.

Sa wakas! Makakahinga na ako ng maluwag. Ang intense nung eksena namin ni Daphne. Nasa classroom nga pala kami ngaun, nagprapractice para dun sa play namin.

' Nice one Paige. Hahaha. Ang galing mo talaga. Parang may pinanghuhugutan. Siguro kung hindi pa tayo pinatigil e, magaway na tayo. ' Bati skin ni Daphne.

Natatawa nalang ako kay Daph. Pauso talaga. Ang galing ni Corr magsulat! Siya na talaga! Nakakaloka lang dahil totoong mga pangalan namin ang ginamit siya. Si Daph naman, parang may iba sa kanya kanina habang nagprapractice kami. Parang may something pero hindi ko mawari kung ano man un. Matagal nang nakasulat tong story pero bakit parang connected siya amin?

Hindi ko alam kung bakit pero kanina, may naramdaman talaga akong sakit sa mga linya na binato sa akin ni Daph. Ah, wala lang un. Hindi ko nalang papansinin. Pagod lang siguro 'to.

Dumating na ung professor namin. Kukuhanin ko sana ung notebook ko sa bag ng makita ko na naman ung script namin.

Bigla kong naalala si Blaize. 

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon