BLAIZE'S POV
Simula umaga hanggang hapon, hindi mawala sa isipan ko ung sinabi sa akin ni Shaun. Ano nga ba kami?
Uwian na namin at nagpaalam na ako kina Shaun na mauuna na ako. Susunduin ko pa kasi si Paige sa theatre. Doon kasi sila nagpractice kaninang hapon. Napadaan ako sa may canteen, naisipan kong bumili muna ng pagkain para kay Paige.
Nasa may pinto na ako ng theatre ng may nakabangga saking lalaki. Ah, kilala ko siya. Siya ung kaklase ni Paige last year. Teka, bat siya nandito? Pagkakaalala ko, klase lang nila Paige ang nandito.
' Sino kelangan mo dito? Bawal kasi ang hindi taga section B and C dito. ' Sabi niya sakin.
' Ah, pwedeng makitawag si Paige ng section B? '
' Sino ka?'
' Boyfriend niya.' Proud kong sagot sa kanya.
Napangisi siya dun sa sagot ko. Bakit, tama naman di ba? Boyfriend niya ako.
' Ah, boyfriend . Sige, tatawagin ko lang si Paige. ' At sinara niya na ang pinto.
Hindi ko gusto ung pananalita ng isang iyon. Kung wala lang akong hawak, nasuntok ko na iyon.
Natigil ang pagiisip ko nang may naramdaman ako sa pisngi ko. Nasa harap ko na pala si Paige.
' Kiniss mo ako? ' Tanong ko sa kanya.
' Ah, oo. Nagdedaydream ka na naman kasi e. Tara, pasok ka.' At hinatak ako ni Paige.
Isang hakbang nalang at nasa loob ako ng may biglang may nagsalita. Ah, ung feeling guard pala.
' Paige, alam mong bawal magpapasok ng ibang tao dito.'
' Rey, tapos na naman silang magperform e. Okay lang yan.' Sabi ni Paige.
' Pero iyon ang batas. Bawal magpapasok ng ibang tao dito. Kung gusto niyong magusap, sa labas kayo. Bawal dito. ' Medyo naiinis na sagot nung Rey na un.
' Rey, pwede ba. Tigilan mong pag-feeling guard dyan. Nakakainis e no. At isa pa, hindi siya ibang tao. He's. My. Better Half. Remember. That.' Sabay hatak sakin ni Paige.
Oh ano? Nga nga ka no Rey? Galing galing ni Wifey! Pero Rey, tandaan mo rin to, may araw ka rin sakin.
Umupo kami sa gitnang harapan ng theatre. Ganda ng upuan dito. Kitang kita ung mga nagpeperform.
' Mmmm. Hubby, pasensya ka na dun kay Rey. Epal un e. Alam mo naman si Wifey mo, wala e, maganda. Hahaha.' Sabay kindat sa akin.
So, may gusto pala yung si Rey sa kanya. Ah, lintek! Lalo kang lagot sakin Rey.
'Sus! May sira siguro mata nung isang un.' Sinamaan ako ng tingin ni Paige. Lagot na.
'K.' Un lang ang tanging reply niya sa akin.
' Wifey, eto naman. Hindi mabiro. Alam mo namang sobrang ganda mo e. Sa sobrang ganda, nasira na din mata ko.' Hinahawakan ko ung kamay niya pero tinatangal niya. Lalo ata siyang nainis dahil sa sinbai ko.
'Tignan mo!' Lumipat siya ng upuan.
Syempre, lumipat din ako ng upuan.
' Wifey, hindi naman sa ganun. Ang ibig kong sabihin nasira na din mata ko dahil masyadong nagniningning ang kagandahan mo. Aun, lagi kasi akong nakatingin sayo. Nasisilaw ako lagi.' Banat yan men!
' Hubby, kung babanat ka, pwede sabihin mo muna sa akin? ' Pabiro niyang sabi sa akin.
' Wifey naman e.' Pagtatampo ko sa kanya.
'Awtsu! Tatampo ka pa dyan. If I know, gusto mo lang magpalambing e. Ay nako Hubby, kilala na kita. Alam ko na yan. Lapit ka nga dito.' Pangaasar niya sa akin.
Umaarte pa din ako ng nagtatampo. Wala lang. Trip ko lang. Haha. Kahit alam niyang umaarte lang ako, lalambingin din ako niyan. Ako pa!
' Ah, ganun? Ayaw kumilos ah? Sige, alis na muna ako. Ayaw mo ata ng may kasama e.'
Medyo nakakalimang steps na siya palayo sa akin. Aba! Seryoso nga siya.
' Wifey, eto naman oh. ' Hinabol ko siya at binigyan ng backhug.
Hindi siya sumasagot. Nararamdaman ko lang na tumataas baba ung balikat niya.
Umiiyak ba siya?
'Wifey, bakit? Wag ka naman umiyak oh. Sorry na po.'
Hindi pa rin siya sumasagot. Tuloy pa din ang paggalaw ng kanyang balikat.
Pumunta ako sa harap niya at tinaas ang kanyang baba para makita ko ung mukha niya.
' Oh ano? Sinong mas magaling umarte sa atin? ' Ang laki ng ngiti niya sa mukha.
Pero nagulat siya sa ginawa ko. Yinakap ko siya ng mahigpit.
' Blaize, bakit? ' Nagtatakang tanong niya sakin.
'Wag mo nang uulitin un Paige. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nakita kong umiiyak ka dahil sa akin.' Napaka-honest ko pa Paige no? Wala e, pag mahal ko, honest ako.
'Hubby, anong nakain mo? Ang sweet mo naman. Hehe.' Yinakap na din ako ni Paige.
'Wala naman po. ' Binitawan ko na ung yakap ko sa kanya. 'Sige, akyat ka na dun sa stage. Tinatawag ka na ni Daphne. Galingan mo.'
Nagpaalam na muna sa akin si Paige upang magpractice. Bumalik na ulit ako sa dati kong upuan.
Ang galing talaga ni Paige. Lagi ko siyang pinapanood magperform, pero parang araw araw siyang lalong gumagaling. She never failed to amaze me.
Halos isang oras na din ako nakaupo dito. Syempre, nanonood pa din sa pinakamamahal kong si Paige. Siguro kung iba ung nasa sitwasyon ko ngaun, nabored na. Pero ako, kabaliktaran pa. Nageenjoy ako ditong pinapanood si Paige.
' Paige, ano ba talagang meron sa inyo ?'
' Huh? '
' Tinanong ka ba niya kung pwede ka ba niyang maging girlfriend?'
'Hindi.' Napayuko ako. Oo nga no? Pero alam -----
'That's it. Walang kayo.'
' Daphne! Tumigil ka nga. Ano ba yang sinasabi mo, mahal nila ang isa't isa. Sapat na iyon! '
'Stephanie, gusto ko lang maliwanagan si Paige. Dalawang taon na nilang alam ang nararamdaman ng bawat isa pero may improvements ba? Wala di ba? Ni isang beses ba tinanong siya ? Hindi di ba? That's what do we call flirtationship. '
' Sige, kakausapin ko siya.'
' Hindi. Bayaan mo siyang marealize nya un. Siya ang lalaki. Dapat alam niya kung ano ang dapat.'
Hindi ko alam pero paulit ulit kong naririnig at nakikita tong eksena na to sa isip ko. Parang may pagkakahalitulad ito sa sinabi ni Shaun kanina. Ngayon ko lang napansin si Daphne. Ang galing pala niya talagang umarte gaya ng sabi ni Paige sa akin. Ngayon pa lang na practice nila e, sobrang emosyon na ang binibigay nila. Paano na kaya sa actual performance nila? Aba! Exciting to!
Masyado akong nalunod sa eksena kanina. Pang-international tong talent nila e.
Tama! Tama! Tama!
That's it. I've made my decision. Sana tama tong gagawin ko.
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...