Chapter 12 : In disguise

127 1 1
                                    

'It's already 12:01. Happy Birthday Babe. Make a wish.' 

Pumikit ako.

Have a happy life with my love. Forever.

At hinipan ko na ung kandila.

'Happy Birthday! Party party na!' Sigaw ng mga tao. Biglang bumukas na din ang mga ilaw.

Yung mga tao nagsimula nang iayos ung place. Kung kanina, formal ung dating ng place, ngayon naman medyo may pagkaparty party na ung dating pero may class pa din.

Nakatayo pa din ang babaeng may gawa ng lahat na ito.

'Surprised?' Tanong niya sakin.

'Like it?' Dagdag niya. Hindi ako sumagot.

Imbis na magsalita ako, lumapit ako sa kanya at kinulong ko siya sa aking mga bisig.

Nilapit ko ang bibig ko sa kanyang kaliwang tenga at nagsalita, 'I don't like it, I love it. Ibang klase ka talaga! Pero loko ka, natakot talaga ako dun sa mga swat. Thank you so much!'

'Sus! Ang galing umarte no? Haha. Ikaw pa. Sorry dahil medyo nasira ung dinner natin.'

'No, it's cool. ' I assured her. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Tumingin ako sa mga mata niya.

'I love you.' Sambit niya.

'I love you too.' Unti unting lumapit ang mukha ko sa kanya. Naramdaman ko na  ang paglapat ng mga noo namin sa isa't isa.

Nararamdaman ko ang kanyang hininga. Nakita ko siyang pumikit. 

I'm so lucky that I have you.

May naramdaman akong kamay sa braso ko. At hinatak ako palayo kay Jessi.

' OYY! Mamaya na yan! HAHAHAHA! Happy Birthday Bro! Inuman na!' Takte tong si Shaun! Kahit kelan panira ka ng moment!

Teka, paano to napunta dito? Sinamaan ko siya ng tingin. Damn!

Tumingin ako kay Jessi.  

Sumenyas nalang sa akin na okay lang siya at ienjoy ang party. 

'Oy, kahit kelan talaga, panira ka ng moment!' 

'Hahaha! Sorry naman. Bawi bawi lang no!' Sagot niya sa akin.

'Aba! Kelan kita inistorbo kapag kasama mo ung mga babae mo?' 

'Bakit, sinabi ko ba na dun?' Tapos bigla niyang tinuro ung mukha niya. 

'Oh, anong meron dyan?' 

'Oy! Grabe ung damba mo sa akin kanina! Halos masuntok mo na ako oh!' 

Huh? Ano bang pinagsasabi neto? 

Bigla siyang nag-squat kunyari may hawak na baril. 

Huh? Anong connect?

AH! Gets!

'Ikaw ung swat na un?' Tanong ko.

'Ay hindi. Hindi halata. ' Sarcastic niyang sagot sa akin. ' Oo, ako nga un. Takte ka! Masakit talaga ung mga damba mo sa akin.' 

'Sayang! Kung alam ko lang na ikaw un, mas nilakasan ko pa sana. Bale, may next time pa. Humanda ka. Hahaha!' Pangaasar ko sa kanya. 

Nagkwekwentuhan kami ng biglang may sumulpot na magandang babae at lumapit kay Shaun.

Matangkad, maputi, makinis, may mahabang buhok, ang ganda ng mata. 

' Oy unggoy, ito na ung inumin mo.' Sabi nung babae.

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon