Chapter 22 : Time

65 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano nangyari pero nakatulog ako. Medyo umayos ung pakiramdam ko physically. Nakapagpahinga kahit papaano. Pero syempre, hindi nabawasan ung sakit ko sa puso. Masakit. Sobrang sakit pa din.

May naramdaman akong kamay na nakahawak sa akin. May pamilyar tong kamay na to. Pati ung amoy. Pagkatingin ko, isang babae ang nakaupo sa gilid ng kama. Nakayuko siya. Alam kong gising siya dahil nararamdaman ko ang paghigpit at pagluwag na pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. 

Napangiti ako dahil sa nakikita ko ngayon. Totoo oh. Hindi ako nananaginip. Bumalik siya. Tama ako. Babalik siya. Hindi niya ako iiwan.

Bumangon ako at yinakap agad siya ng mahigpit. Napawi lahat ng sakit na nararamdaman ko. Okay lang un dahil nandito na ulit siya, yakap ko, katabi ko. 

'You're back Jessica. Salamat!!' At mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. 'Sabi na e, babalikan mo ako.' Sobrang saya ko ngayon. Alam niyo ba kung ano pa ang mas nagpasaya sa akin? Hindi niya ako tinulak palayo, ibig sabihin, tama ako diba? Binalikan niya ako diba? Di ba?

'Blaize.' Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ilang araw ko din hindi narinig ang pagtawag niya sa akin. 

'Yes Babe?' Yeah. Tinawag ko siya sa endearment namin.

'Hindi ako makahinga.' Malamig niyang sabi sa akin. Bakit parang hindi siya masaya? Dahil ba dinatnan niya akong tulog nung dumating siya para isurprise ko? 

'Hehe. Sorry sorry Babe.' Sabay tanggal sa yakap ko. Tumawa pa ako para mawala ung tense na atmosphere pero parang walang epekto. Ang lamig. Tahimik. Nakakatakot.

Inayos niya dun damit niya dahil medyo nagusot sa pagkakayakap ko. Bakit grabe naman ata ung pagkakapagpag niya? Tila ba nandidiri siya sa akin. 

'Look, Blaize. Hindi ako pumunta dito upang humingi ng tawad at bumalik sayo. Nandito ako para bigyan ka ng closure. I think, kelangan mo un. Nakokonsensya kasi ako e. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sayo, Asa ka pa. ' 

Napataas ung kilay ko sa sinabi niya. Damn! Hinding ganito si Jessica ko! Hinding hindi! Hindi ko siya kilala! 

'Alam mo, hindi ko alam kung bakit ang tanga tanga mo. Sa loob ng dalawang taon, hindi mo man lang ba naramdaman na pinalalaruan kita huh? Ang talino pero you're so stupid. I can't believe it! Haha!'

Gusto ko sanang magsalita pero walang boses na lumalabas na boses sa bibig ko.

'Sabihin mo nga Blaize. Gusto kong marinig sayo mismo ang kasagutan. Are you stupid or dumb? Hindi ko alam e.'

'J-Jessica, nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita.'

'Hahahaha! Ngayon, iniiba mo ba ang usapan? Kaya ayoko sayo e. Mahina ka.'

' Jessica, why are you doing this to me? May ginawa ba akong masama sayo? Wala naman diba? Kung ginagawa mo lang to para magalit ako sayo, para lubayan kita, para kalimutan kita, tumigil ka na dahil hinding hindi ko un gagawin.'

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon