Chapter 5 : Her Side

169 2 2
                                    

PAIGE'S POV

Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko noon para maging napaka swerte ko ngaun. 

Si Blaize, napakaswerte ko sa kanya. Hindi ko akalain na saktong pagpatak ng alas dose ay magiging ganito kasaya ang pagiging 18 ko.

Actually, masyado akong nahumaling sa pagbabasa ng libro kaya hindi ko napansin na alas dose na pala. Kaya naman ganun ang naging reaksyon ko nung tumawag sa akin si Blaize. Ang lakas ng tibok ng puso ko nung binati ako ni Blaize. Hindi ko alam pero parang may mga butterflies sa tyan ko. Grabe ung kilig na naramandaman ko. Boses niya pala un, paano pa kaya pag nakita ko siya db? 

Kala ko kakawala ung puso ko noong nakita ko siya na may hawak na gitara sa gitna ng mga lobong lumilipad na nakahugis puso. Effort kung effort sabi nga! Ung mga pictures namin simula nung bata palang kami hanggang sa kasalukuyan ay nakadikit dun sa mga lobo. Grabe Blaize, naiiyak ako.

Kinanta niya sa akin ung Once in a Lifetime ng Freestyle. Inlove na inlove ako sa kantang ito! Shocks! Siguro kung pwede lang langgamin si Blaize sa sobrang sweet niya, langgam na pula kakagat sa kanya. Haha. De biro lang. Hindi ko siya pababayaan masaktan. Habang kumakanta siya, nakatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo talaga ni Blaize. Walang binatbat ung mga teen heartthrobs. Ang sarap pakinggan nung boses niya, damang dama mo ung mga bawat salita. Hindi ko maiwasan ang pagluha, buti nalang mukhang hindi napapansin ni Blaize un.

Nang matapos ang kanta, sumenyas ako na hintayin niya ako sa baba. Bago ako lumabas ng kwarto, napatingin ako dun sa white envelope at isang larawan sa ibabaw ng table ko. Hayyy, buhay nga naman oh. I sighed.

Pagkalabas ko ng bahay, tumakbo agad ako sa kanya at yinakap ng sobrang higpit. As in literal na sobrang higpit. Medyo naubo ubo pa siya. Hihi. Ang cute ng itsura niya.

Binati niya ulit ako at inabot ang isang bouquet of red and white flowers, my favorite. Lalo na akong napaluha. Hindi ko talaga kaya Mama. Lalo akong nahihirapan dahil sa nangyayari ngaun.

Tinatahan ako ni Hubby. Ang sabi ko sa kanya, tears of joy un. Kung alam niya lang . . . . . . . Happiness, then I blew the candle.

Hindi ko alam kung saan niya napulot ung idea niya tungkol dun sa 18 balloons pero para saakin, sobrang sweet and romantic ng dating. Ang lande. Hahaha. Sa pang-18 na balloon, sabay kaming nagwish at nagpalipad. Parehas kami ng wish, un ay ang forever kasama ang isa't isa. 

Yinakap ulit ako ni Blaize. Tuwing hagkan niya ako, I feel secured and safe. It feels like home. Nagbabadya na naman ang mga luha ko buti nalang napigilan ko. 

May narinig kaming tunog. Tunog ng camera. Si Adrian pala, kumukuha ng mga litrato. Habang naguusap sila, tinititigan ko silang magkapatid. Ang genuine ng mga ngiti nila.Tila ba walang iniintinding problema.

Iniwan na kami ni Adrian. Pumasok kami sa gate namin at nahiga sa may damuhan. Nagreminisce kami, ung mga trip namin nung bata pa kami, lahat ng masasayangmemories namin pati na din ung mga away at tampuhan naming dalawa. 

Perfect. Ito lang ang masasabi ko. Kami, nakatingin sa mga nagniningning na bituwin sa malawak na kalangitan at masayang nagkwekwentuhan. 

Naisip ko, sa loob pala ng aking 18 years of existence dito sa mundong ibabaw, kasama ko si Blaize, sa kasiyahan at kalungkutan, sa hirap o ginhawa.

Kung kaya ko lang gawin, ginawa ko na. Matagal na. Lahat ng mga memories namin ni Blaize, ilalagay ko sa CD para anytime e, mapapanood namin un. 100% sure, hindi ako magsasawang tignan at panuorin un, lalo na ang mga ngiti niyang nakakatunaw. 

Magaalas dos na din nung nagpaalam kami sa isa't isa. Actually, ayaw pa sana naming maghiwalay kaso hindi pwede.

Nandito na ulit ako sa kwarto ko. Nakihiga. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

From: Hubby <3

Wifey, Happy Birthday ulit! I'm so lucky to have you. Ang malas nung mga lalaking naghahanap ng best girl para sa kanila, alam mo kung bakit? Kasi ung best girl na un ay ang Wifey ko. Hahaha. Kilig yan, aminin! See you later. Wag masyadong magpaganda, baka may mainlab sayo mamaya. Biro lang. Kahit hindi ka naman magayos, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin. Hinding hindi ako magsasawang sabihin sayong mahal na mahal kita. Dream of me. I love you Wifey! <3

Ang sweet talaga niya. Kahit na minsan, hindi siya marunong magdeliver na banat, kahit na mali mali ung pagcoconstruct niya un. Okay lang. Basta galing sa kanya, the best un.

Napansin kong may tumulo na namang luha sa mga mata ko. Taksil talaga tong luha ko.

Nagreply ako kay Hubby.

To: Hubby

Hubby, thank you so much. Words can't express how happy I am. Thank you for everything. I am the happiest woman alive! Thank you for making me feel this way. Wag masyadong magpapagwapo, baka matunaw ka  sa mga titig ng girls later sa party. Hahaha. See you later. I love you too Hubby! <3

Kanina, nung sinurprise niya ako, sobrang naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ko maisip ang kinabukasan ng wala siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Minsan nga naiisip ko, 'Do I deserve him? Do I deserve his love? Masusuklian ko ba ang pagmamahal niya sa akin?'

Nandito ako ngayon sa isang room sa venue sa debut ko. Sa isang 5 star hotel pala ako magdedebut. Tinignan ko ung orasan sa may pader, 7:55. Alas-8 ang simula ng party ko. 

Salo't salo ang nararamdaman ko, may saya, kaba, takot at excitement. Sigurado ako pag nakita ako ni Hubby, mahuhulog panga nun. HAHAHA! Ay mali mali. Lagi palang nangyayari un tuwing nakikita niya ako. 

Toc toc toc

Binuksan ni Manang ang pinto. Nakita ko si Mom na pumasok kasama si Dad.

'Happy Birthday Honey!' Bati sa akin ni Mom tska ni Dad. Yinakap nila ako. 

' You are so beautiful Princess. Manang mana ka kay Mom.' Sabi ni Dad.

Namula si Mom. Haha. Ang sweet naman nila. 

'Are you ready? Everyone's waiting for you.' Tanong ni Mom.

Tumungo ako.

Pumesto na sina Mom and Dad sa magkabilang gilid ko. Bale, sabay kaming tatlong papasok. Bale, parang sa kasal un dating. Nilagay ko ang kamay ko sa arm ni Dad. 

Nagkatinginan kaming tatlo. Sumenyas si Dad kay Manang na pwede ng buksan ang pinto. Naglakad na kaming tatlo.

Eto na. Wala nang atrasan 'to. Dito na magsisimula ang malubak na karera ng buhay. 

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon