BLAIZE'S POV
'Bro, kumalma ka nga. Hahaha. Hindi ka mapakali diyan.' Sabi ni Shaun sa akin. Hindi ko alam kung concern ba to sa akin o nangaasar e.
'Oo nga naman.' Pinirme ako ni Zach. Hinawakan niya ako sa balikat. 'Bro.... HAHAHAHAHAH! ' Ah takte! Pinagtawanan pa ako.
'Magpunas ka nga ng pawis mo. HAHAHAHAH. Mukha kang natatae dyan. HAHAHAH' Walang ginawang matino tong dalawang to. Humanda kayong dalawa sakin.
Tinignan ko ung wrist watch ko, booom! 7:55 pm na!
'Oy, punta na ako dun.' Turo ko dun sa pinto.
'SIge Pre. Good luck! Yung pawis mo ah. HAHAHAHAHA. Baka himatayin ka dun sa sobrang kaba mo.' Pauso talaga tong si Shaun.
Pumunta na ako sa harap ng grand door. Dito dadaan si Paige kasama ang kanyang mga magulang. Dito din siya sa akin ibibigay ng mga parents niya para maging escort. OHHHHA! Kasalan ito. HAHAHA. Syempre, joke lang.
'Let's welcome the debutante, Paige Santillan with her parents, Mr. and Mrs. Steve Santillan.' Sabi ng emcee.
Unti unti nang bumukas ang pintuan. Nakakita ako ng angel, isang napakagandang anghel.
Ilang beses ko nang nakita si Paige na naka-ayos pero lagi parin akong natutulala tuwing nakikita ko siya.
Yung ganda niya ay parang pang-dyosa. Ay hindi! Mas maganda pa siya sa mga dyosa dun sa Olympus!
Bagay na bagay sa kanya ung damit, ung makeup at ayos ng buhok. Lalong naemphasize ung pang-model niyang pangangatawan.
Ang ganda ng ngiti ng Wifey ko.
Unti unti na silang naglakad papunta sa akin. Hindi ko maiwasang maimagine na after 10 to 12 years, ganto ulit ang eksena namin pero hindi na dito. Sa simbahan na. Naiisip ko palang, napapangiti na agad ako.
Nasa harap ko na sina Paige, Tita at Tita. Para akong statwa dito. Hindi ako makakilos.
'Blaize, ang laway. Tumutulo.Hahaha ' Biro sa akin ni Tito Steve.
Dun na ako bumalik sa katotohanan.
'Mano po Tito. Mano po Tita.'
'Ikaw naman Iho, ginagawa mo naman kaming masyadong matanda ng Tito mo.' Pabirong sabi ni Tita sa akin.
Binigay na sa akin ni Tito Steve ang kamay ni Wifey.
'Ikaw ng bahala.' At bumaba na sila sa grand staircase.
'Wifey, you're the most beautiful woman in this room. Not only in this room, but also in the world. ' Sabi ko sa kanya.
'Achuchu! Mambobola. Haha' At sinuntok niya ako ng mahina.
Wuuuuu! Kinikilig lang yan kaya ganyan. Hahahaha
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
'Happy Birthday Wifey ' At hinalikan ko siya sa noo.
'Let's give them a round of applause.'
'Ready?' Tanong ko kay Paige.
'Yes.' Binigyan na naman ko ni Paige ng isang nakakatunaw na ngiti.
Inilagay na ni Paige ang kanyang kamay sa aking mga kamay. Ung triangle shape. Hindi ko alam tawag dun e. HAHAHA. Basta aun!
Dahan dahan kaming bumaba sa grand stair case. Ngayon ko lang napansin, ang dami pala talagang tao. Halos lahat ay galing sa mga tanyag na pamilya sa business world. Nandito yung buong pamilya ng Santillan, ung mga schoolmates namin, mga kaibigan ni Paige at ung mga business partners nina Tito.
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...