'Walaaa! Paniss! Ang gaing ko na mag-French!'
'Aba! Dapat lang no! Halos pitong taon ka na dyan. Kung hindi ka pa matuto mag-French, ah ewan ko nalang ba. Hahaha.'
' Oo na Mr. Genius.'
Hahaha. Nainis! Pikon agad e.
Ring ring ring.
Badtrip naman oh! Pag ito hindi importante lagot tong si Lance sakin. Si Lance nga pala ang secretary/right hand ko.
'Teka lang. I have a phone call.' Paalam ko at sinagot na ung kainis na teleponong ito. Sarap ihagis.
' Yes?'
' Sir, Mr. Shaun's here.' Ay epal!
' Tell him I'm busy.'
' Got it.'
Binaba ko agad ung phone.
' Oh may bisita ka ata. Ge, out na ako. May next time ----.' Naputol ung sinabi niya. ' Bakit nakakunot ung noo mo?' Ah! Kaya naman pala. Napansin nya ung noo ko.
' Ah, si Shaun kasi nandyan na naman. Mangugulo na naman un dito sa opisina.'
' HAHAHAHAH!' Tiwanan pa ako! Naiinis na nga ako. 'Namimiss ka lang nyan.'
Maya maya pa ay nakarinig ako ng isang malakas na galabog. Hinanap ko kung saan nanggaling ung tunog na yun. Ayon, doon sa pinto. Mukhang nasira ata ung pinto ko dahil sa mokong na ito ah.
'So, Mr. CEO, ito pala ang busy ah! May kavideo call.' Sigaw ni Shaun. Tae to, ang ingay. Istorbo sa bonding namin.
'Hello Shaun!' Narinig niya siguro ung boses ni Shaun kaya alam nyang nakapasok na dito sa opisina ko un.
' Ah, kaya naman pala busy e. Alam na.' Ang sarcastic ng pagkakasabi niya ah. May ngiti pa siyang pangasar. Ang sarap kotongan.
If ever youre in my arms again
This time Ill love you much better
If ever youre in my arms again
This time Ill hold you forever
This time will never end...
Aba! Nagawa pang kumanta neto habang papalapit dito ah! Talagang sobrang lakas ng pagkakakanta niya. Halatang pinaparinig niya. Natatawa nalang siya sa pinaggagawa netong ni Shaun.
Aba! Tinulak pa ung upuan ko at siya pumesto sa harap ng camera.
'Yoh Wifey!' Tapos tingin sa akin ng masama. Sige lang. Mamaya ka sa akin.' Este Paige! Kamusta na dyan? '
' Yoh Pre! Okay naman ako. Ikaw? '
' Eto, gwapo pa din. Nahihirapan n nga ako minsan e. Ang daming umiiyak dahil hindi ko napapansin.' Nagmayabang pa!
' Ay nako Paige! Gwapo nga, hindi naman napapansin ng gusto niya. Edi wala din!' Aw booom! Sapul ka Dre no? Bawi bawi lang.
' Hahahahaha! Kawawa ka naman Shaun. '
' Okay lang. Maybe it's not yet our time. Magiintay ako basta para sa kanya. HAHAHAHA! ' Ayaw talaga tumigil.
Tinulak ko na tong si Shaun palayo.
If ever youre in my arms again
This time Ill love you much better
If ever youre in my arms again
This time Ill hold you forever
This time will never end...
Kumakanta na naman po siya! Hindi lang langit ang nagdidilim, pati paningin ko, nagdidilim na din!
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...