Nakarinig ako ng mga tunog ng mga naglalakad na tao dito sa condo ko. Oo, nandito ako ngayon sa condo kahit na alas diyes na ng martes. Absent ako sa opisina, hindi din naman ako makakapagconcentrate sa office e.
May sakit kasi ako. Sakit sa puso.
Ngayon naman, narinig ko ung pagbukas ng pinto ko dito sa condo. Hay, sarap humiga. Ayokong tumayo. Wala akong lakas.
'Eto oh.' Sabi nung lalaki. Ah, si Shaun pala. Bumati nga pala siya sa akin kanina nung dumating siya. Ewan ko nga kung bakit nandito siya ngaun e. Alam ko may pasok siya. Sus, If I know, tinatamad lang siya pumasok sa opisina. Lam niyo naman yan. Tamad.
'Good Morning Babe! I love you.'
'Wag magpapalipas ng lunch Babe.Love you.'
'Hey, Babe? Are you mad? Bat hindi ka nagrereply? Love you.'
'Bat hindi mo sinasagot mga tawag ko? Busy ka ba? Love you.'
'Babe, I miss you. Kelan ba ulit tayo magkikita? Love -- '
Teka! Mga text ko kay Jessica un ah! Bigla akong napabangon sa kama at biglang hinaltak ang phone ko.
'Sino ka para hawakan ung phone ko ng walang paalam?!' Sigaw ko. Pakelamero! At talagang binabasa niya pa ung mga text ko ah! Argh!
'Umayos ka Blaize ah!' Sigaw sa akin ng isang babae.
Unti unti akong humarap sa kanya at nakitang ang isang Paige na namumula sa sobrang inis. Kahit hindi niya sabihin sakin na naiinis siya, alam ko. Halata sa mukha niya.
'ANONG SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!' Bulyaw niya sa akin.
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng ginawa niya. Magkakatrauma ata ako nito sa mga sigaw. Una si Jessica ngayon naman si Paige.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong magsalita kaso hindi ko nga kasi alam ung gagawin ko e! Blangko!
Umupo siya sa kama at hinawakan ako sa balikat. Wag mo ako yayakapin Paige, maiiyak na naman ako neto. Medyo kakatigil nga lang ng mga luhang umagos mula sa mata ko e. Siguro, unti nalang, dehydrated na ako neto. Magbilang ka pa ng isang araw. Nasa ospital na ako neto.
Pero nagulat ako sa ginawa niya, walang Paige na yumakap sakin. Isang Paige na inalog alog ang buong sistema ko na may kasama pang pagpapaulan ng mga masasakit na pananalita.
'Blaize! Ano sa tingin mong ginagawa mo? Naghahabol ka sa isang babaeng hindi ka minahal? Tignan mo ang itsura mo ngayon, you're helpless! Hindi lang siya ang babae dito sa mundo! Hindi ka mamamatay pag nawala siya! Tama na. Awat na. Ayaw na! Matuto tayong sumuko Blaize. '
'Hindi. Mahal niya ako. Nararamdaman ko un dito.' Tinapat ko ang kamay ko sa puso ko. ' Alam ko. Mahal niya ako. Yun ang sabi ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Nabigla lang siya. May nagawa siguro akong hindi niya ikinatuwa. Maaayos pa namin to. '
'Blaize! Gumising ka! Iniwan ka na niya. Hindi na siya babalik sayo! '
'Hindi! M-ahal niya ako. Hindi niya ako iiwan. Pinangako niya sakin un!' Nautal na ako sa pagsasalita dahil sa ito na naman ang mga traydor na luha, tumutulo na naman!
Imbis na makarinig pa ako ng isa pang sermon, isang mahigpit na yakap ang natanggap ko galing kay Paige. At dahil dun, napahagulgol na talaga ako.
'A-ang s-sakit Paige. S-sobrang sa-kit.'
'Shhh. Tahan na Blaize.' Tinatapik niya ako sa likod na para akong batang umiiyal dahil nasugatan habang nagtatakbuhan.
'Ba-kit ganun? Hindi niya man lang ako binigyan ng isang mabigat na rason para makipaghiwalay sa akin. Biglaan. Nung hapon, ang saya saya namin. Walang problema. Tapos biglang ganun?! Anong mali ako naggawa ko? Pakiintindi naman sa akin.'
'Shhhh. Magpahinga ka na muna Blaize. Pagod ka. '
'Hind-i ko kayang mawala sa akin si Jessica Paige. Tulungan mo ako please, tulungan mo siyang maibalik sa akin.' Pagmamakaawa ko kay Paige. Kahit ano, gagawin ko, bumalik lang sa akin si Jessica. Kahit na maging kapalit pa nito ang kumpanya, okay lang. Basta nasa tabi ko si Jessica sa huli.
'Alam mo, minsan hindi kelangan ng comfort e, minsan sapak para matauhan.'
'Paige, please, tulungan mo ako.' Hindi ko pinansin ung mga sinabi sa akin ni Paige.
'SHAUN! Pengeng tubig!'
'Paige, anong kelangan kong gawin para bumalik sa akin si Jessica?'
Dumating si Shaun na may dalang isang basong tubig. Anong gagawin sa tubig? Ibubuhos sa akin? Iinumin?
'Blaize, uminom ka muna. Pagkainom mo, dun ko sasagutin ung mga katanungan mo. Please, uminom ka kahit unti. Baka madehydrate ka naman niyan ng wala sa oras.'
At dahil alam kong hindi ako mananalo kung makikipagtalo pa ako kay Paige, uninom ko nalang ung tubig. Ang sarap. Ang gaan sa pakiramdam.
'Paige, okay na. Sabihin mo na sa akin ung kelangan kong gawin.'
'Blaize, tama na please. Ayaw na ni Jessica di ba? Dapat alam mo kung kelan ka lalaban at kung kelan ka susuko.'
'Pero Paige, hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya sa akin.'
Kung dati, pinabayaan ko lang na mawala sa akin ang pinakamamahal ko. Ngayon, hindi na. Hindi na ako makakapayag.
'Blaize.'
Hindi ko alam pero medyo nagiging malabo na ung paningin ko. Hindi ko na din marinig ng maayos si Paige. Teka, anong nangyayari sa akin? Yung mga mata ko, kusang bumababa. Gusto kong kumilos pero hindi sumusunod ung katawan ko. What the?!
'Take a rest Blaize. I'll take care of you.'
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...