Chapter 23 : Shiya

68 0 0
                                    

'Blaize, pakicontact naman si Jesha oh. Pakisabi na pupunta tayo ngayon sa kanya.'

'Opo.'  Kaya ayun, tinatawagan ko si Jesha, ang wedding organizer ni Paige. 

Yup, wedding organizer. She's getting married kay Dylan. Syempre, imbis naman na sa akin di ba? Hahaha!

It's been 6 months na din simula nung nangyari un. Kung kakamustahin niyo ako, eto, okay naman. Buhay pa. Joke! Okay okay na ako. Tanggap ko na. Acceptance is the key right? Paminsan minsan, naiisip ko pa din si Jessica. Masyado akong napamahal sa kanya. Ano, sesermonan niyo din ba ako gaya nung ginagawa  ni Paige dati sa akin?

1 week after ng break up namin ni Jessica, sinabi ko sa barkada ang nangyari sa amin. Galit na galit nga si Paige nun. Gusto niyang hagilapin si Jessica at sasaktan niya. Sobrang pulang pula ung mukha niya nun sa inis. Sina Shaun at Zach naman, syempre, sila ang may pinakamatinong advise, iinom nalang daw namin un. 

After nun, nakita ni Paige ung wallet ko na may picture ni Jessica. Nagalit na naman! Bakit daw ako may picture nun sa wallet ko. Dapat daw sinusunog un. Sagot ko naman, souvenir lang. Binatukan pa naman ako ng sobrang lakas. Halos naalog ung utak ko nun. 

'Oy, masakit un ah.' Sabi ko sa kanya.

'Aba! Kasalanan ko huh?' 

'Oo! Binatukan mo ako e!' 

'Leche!' Bigla niya akong hinaltak. 'Dahil ginalit mo ako, ililibre mo ako!' 

Kaya ayun, no choice, nilibre ko tuloy. Kung ano ano ung mga pinabibili sa akin. Hindi naman ako makapagreklamo, spoiled kasi sa akin yang si Paige.

'OY!' Tulak sa akin ng pinakabait na babaeng nakilala ko. Kanina, nakaupo ako sa sofa, ngaun, nasa sahig na ako. WOW! Magic! *sarcastic*

'Grabe makatulak Paige ah. Masakit.' 

'Masakit? Sus! Wala pa nga yan sa sakit na naramdaman mo kay ---.' 

Sinamaan ko na siya ng tingin. Kainis to. Babangitin ung pangalan. Tapos pag ako, bawal? Infair! 

'Hahaha! Sorry po.' Putek! Ginaya si Chihay. Unti unti akong tumayo. Ang sakit ng pagkakabagsag ko ah. 

'Paige, last mo na yan ah. Hindi bagay. Pag yan, nakita ni Dylan, for sure, hindi matutuloy kasal niyo.' 

'Sus! That's impossible. Mahal ako ni Dylan no. Tska sa love, alam mo, kahit anong imperfection ang meron ka, tanggap un ng taong mahal mo. '

'Oh sige na. Hindi na ako makikipagtalo. Alam ko namang hindi ako mananalo sayo e.' Pagsuko ko kay Paige.

'Ayan, good! Ano, nagreply na ba si Jesha?' Tanong  niya sa akin.

'Yup. ' 

'Oh, ano pang hinihintay mo? Tara na.' Sabay hatak niya sa akin. 

Eto talagang bestfriend ko oh. Personal alalay slash driver slash secretary pa. Minsan nga ako ung napagkakamalan na mapapangasawa niya e. Kasi ako lagi ung kasama niya sa pagpunta dun sa mga suppliers. Dakilang bestfriend award. 

Minsan, hinahanap ko si Dylan, ayun, may trabaho. Nakakasama din naman siya sa pagaayos ng wedding nila pero mas madalas ako ung kasama. Buti nga, wala akong masyadong ginagawa sa office kapag nagpapasama si Paige. 

Okay din naman to. Atleast, alam ko na ung gagawin ko in the future kapag ako naman ung ikakasal. 

Pero sayang e no. Kung natuloy lang ung dati, edi dapat ako din, busy din sa kasal ko. Kasama ko siyang pumipili ng simbahan, ng damit, ng abay, ng venue. Argh! Bayaaaan! Naalala ko na naman un.

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon