For the record! 3 days akong nakahilata bago umayos ang pakiramdam ko.
Monday pala ngaun, may pasok. Aabsent na muna ako.
Pagkatingin ko sa orasan, 5:30 AM. Aga pa pala.
Umikot ako pakanan ng kama. Nakita ko si Jessi, nakayuko. Nakapatong ang ulo niya sa kama ko, natutulog.
Ibig sabihin, natulog siya ng ganyan ang pwesto?
Hinawi ko ang mga buhok niyang nasa kanyang mala-anghel na mukha. May mga bakas pa ng mga luha sa kanyang mukha.
Nalulungkot ako, ang babaeng mahal ko ay umiyak ng dahil sa akin.
Dahil medyo maayos na naman ang pakiramdam ko, naisipan kong ipagluto siya ng umagahan. Tamang tama lang ang paggising ko.
Dahan dahan akong bumangon at pinuntahan siya. Nakita ko ang kanyang posisyon sa pagtulog. For sure, masakit ang katawan neto mamaya. E Ikaw ba naman ang hindi maganda ang posture habang natutulog, talagang sasakit katawan mo nyan.
Napansin ko din na naka-corporate attire pa siya. Hindi niya talaga ako iniwan dito sa condo.
Naisip ko nga, siguro kahapon, ang plano niya lang ay tignan ako. Kung ano ba ang nangyari sa akin. Hindi niya inaasahan na dadatnan niya ako ng ganun ang sitwasyon.
Siguro iniisip niyo kung bakit hindi nalang siya kumuha ng damit ko para maging komportable siya no? E kasi we respect each other and to avoid gossips.
Konek? Hahahah
Ganto kasi un, Respect, nirerespeto namin ang isa't isa pati na din ang mga gamit namin. Ang gulo e no? We're in a relationship pero ganto kami, napagusapan kasi namin yan. Kaya ayun.
To avoid gossips, isang condo, babae at lalaki magkasama, ang babae nakausot ng damit nung lalaki, oh ano? Ano sa tingin nyo?
Kung sa side namin, okay lang. Kasi alam naman naming wala kaming ginagawang milagro pero sa iba? Kapag may nakakita sa amin, ay nako, chismis yan. Kahit na ilang beses naming sabihing wala, hindi din sila maniniwala. Pareho kaming may mataas na posisyon sa kumpanya, ang pangit tignan kung may mga false rumors na kumakalat. Maaaring maapektuhan ang aming mga pamilya dahil dun. Inaalagaan namin ang aming mga pangalan para sa ikabubuti ng lahat. Tska baka may biglaang ding bisita dito sa condo, nagiingat lang kami.
Sana naman wag niyong masamain un.
Binuhat ko siya at inihiga sa kama. Hindi siya kumilos kahit unti. Halatang pagod siya sa pagbabantay sa akin.
'Thank you Babe. I love you.' Hinalikan ko siya sa noo.
Dumiretso ako sa banyo para magshower. Ilang araw din akong hindi naligo. Ang lagkit sa feeling! Haha. Then toothbrush, bihis at dumiretso sa kusina.
Pagbukas ko ng ref, nakakita ako ng soup. Ah! Siguro ito ung ginawa ni Dylan kagabi.
Naisipan kong gumawa ng breakfast na Filipino style. Alam kong nagsasawa na yan sa tinapay tuwing umaga.
Nagsaing ako, nagluto ng hotdog, tocino, longganisa at eggs. For dessert naman, freshfruits. Pagkatapos maluto ung kanin, isinangag ko ito. Haha. Ang kulit e no?
Dahil maganda ang panahon ngayon, tamang tama. Sa veranda kami kakain ngaun.
Inayos ko na ung table for two. Lumabas pa ako para bumili ng roses, fortunately, kahit umaga palang, meron na.
Pagdating ko, sinilip ko agad siya. Ayun, tulog tulog pa dn ang aking reyna.
Kinuha ko ung cellphone ko at pinicturan siya.
Ung sinag ng araw, tumatama sa kanyang napakaamong mukha.
Hay, Babe, hindi bagay sayo ang umiiyak.
Di ko mapigilan ang sarili ko, pumasok ako sa kwarto.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Yung isang kamay ko naman ay hinawakan ang buhok.
'Good Morning Babe. I'm sorry kung pinag-alala kita ng sobra. Binanggit sa akin ni Paige na umiyak ka daw, ng sobra. Db sabi ko sayo, iiyak ka lang dapat kapag sobrang tawa mo? Haha. Joke lng Babe. Sorry talaga. Sana wag mong isiping hindi ka deserving ka sa pagmamahal ko. Wag ka wag mong iisipin un. Hindi mo naman kelagan pantayan o higitan ang pagmamahal mo sa akin. Basta ako ang mahal mo, at wala ng iba. Sapat na sa akin un. Please, wag na wag mong iisipin un kasi nasasaktan ako. I love you. ' Hinalikan ko ang kanyang kamay at lumabas na ulit upang iayos ang veranda.
'Yes! Okay na!'
7:30 nung natapos ako sa pagaayos. Sigurado ako, matutuwa si Jessica pag nakita to.
Naiimagine ko na ung mukha niyang nakangiti. Haha. Para akong ewan dito, nakangiting mag-isa.
Nakarinig ako ng mga mabibilis at mabibigat na yabag. Mga pagbagsag ng mga pinto.
May multo?!
Dumiresto ako sa kwarto ko. Bago ko pa man hawakan ang door knob, bigla na agad bumakas ang pinto.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jessica nung nakita ko. Tumakbo agad siya at yinakap ako ng mahigpit.
Ang sarap sa feeling! Heaven! Ang higpit higpit ng yakap niya. Ginantihan ko din siya ng yakap.
Ilang segundo din kaming nanatili sa ganung pwesto. Nakaramdam ako ng basa sa balikat ko.
Umiiyak ba ulit si Jessi? Damn. Ako na naman ang dahilan.
'Jessi?'
Hindi siya sumagot.
'Babe?'
'Natakot ako. Natakot ako kanina.' Naramdaman kong nanginig ang buong katawan niya. Ung boses niya din, iba, halatang umiiyak siya.
'Shhh. Tahan na. Nandito na ako.'
'Pagkamulat ko, nakahiga na ako sa kama mo. Nilibot ko ang patingin ko pero wala ka. Kala ko iniwan mo na ako. Kala ko inisip mong wala akong kwenta. Wala akong kaalam alam sa nangyari sayo. '
Tuloy tuloy pa din siya sa pagiyak.
'Shhh. Tahan na Babe. Hindi kita iiwan, tandaan mo yan. Para sa akin, ikaw the best nurse.' Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
'I love you Jessica.' At hinalikan ko ang kanyang ulo. ' Halika na, may inihanda ako para sayo.'
Inalalayan ko siya papunta dun sa veranda. Tamang tama ung pagdating namin. Ang ganda ng mga nalilikha ng mga sinag ng araw na liwanag. Ang ganda ng effects.
Napatakip siya ng kanyang bibig. Kinuha ko agad ang roses sa upuan at ibinigay ko sa kanya.
'Sorry dahil pinagalala at pinaiyak kita.' Bigla siyang natawa dahil sa sinabi ko. ' Thank you dahil inalagaan mo ako.' At hinalikan ko siya sa noo.
Natutuwa ako dahil nagustuhan ni Jessi ung inihanda ko. Nagustuhan niya din ung ginawa kong cappuccino para sa kanya.
Pansin ko din, habang tumatagal, ngumingiti na si Jessi. Gumaan ang loob ko.
Bumabalik na ang dating Jessica. Ang masayahing si Jessica.
Hindi bagay kay Jessica an umiiyak, hindi. Hindi ko na ulit ito mapapayagan. Hindi ko na ulit siya hahayaang umiyak ng dahil sa akin.
Kapag umiyak man siya, kelangan lagi akong nandyan para sa kanya.
Tapos na ang dalawang araw ng kanyang pag-iyak at pagkaramdam ng sakit.
Parte na ito ng nakaraan. Masakit. Isang bangungot. Pero alam kong lalo pa kaming naging matibay.
Sana bukas, tapos na lahat. Wala ng iyakan at sakit na nararamdaman si Jessica.
Sana, makita na ulit ang bahag-hari.
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...